- Chapter 5 -

118 59 2
                                    

| Warning: 'Wag gagayahin si Val or ang iba ha? 'Wag kang masanay sa pagsasalita ng profane words. Bawal magsalita ng bad words. Okay? SILA lang dapat. Hehe..|


:
:

Chapter 5
Meeting the Jerk

Kumakain kami ngayon nang almusal, hindi pa rin ako pinapansin ng tatlo. They are upset because of what happened yesterday. I cleared my throat, they instantly turned their gaze at me.

"Steel, Stone, Storm, don't be mad at me. Someday, the three of you will understand kung bakit ko ito ginagawa," mahinahong sabi ko.

"Then can you at least tell us the reason why you transferred there?" tanong ni Stone.

Bumuntong hininga ako, "I'm...finding my real brother." Natahimik sila.

Umangat ako nang tingin. Nagulat ako nang mag-ulap ang mga mata nila. Hanggang doon na lang muna, maybe next time na lang ang tungkol sa mama ko.

"Hey, why are you crying?" I asked softly.

Mas natigilan ako nang lumapit sila. They instantly hug me, tila ayaw akong pakawalan. Ito ang pangatlong beses na nakita ko silang umiyak.

The reason why they are crying is because someone will leave them or will be gone. Like what happened to Pops.

"Big sis, 'wag mo kaming iwan," Stone begged.

"Stay with us," sabi ni Storm.

"Please don't leave," pakiusap ni Steel.

Malungkot akong ngumiti at hinaplos ang mga ulo nila. I closed my eyes.

Ang O.A talaga ng mga kapatid ko.

"I'm not leaving boys, kahit kailan hindi ko kayo iiwan, it will never happen. I will always keep my promise, I won't ever break it. Okay?" Tumango sila.

Ako ang tipo ng tao na kapag nangako tinutupad ko pero minsan ko lang gawin 'yon. Kung hindi ko kaya, hindi ko ginagawa kasi natatakot akong ma-disappoint sila.

♕➺♕➺♕

I'm on my way to school now. Malapit na ako sa intersection ng main road nang may biglang sumalubong sa'king kotse.

Nag-init ang ulo ko, hindi dahil sa panahon. P'tik, ramdam kong nagasgas ang gilid ng kotse ko. Lagot ka sakin'g hayop ka.

I furiously went out of the car. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang kotse niya. Pareho kami nang model.

Napakamot ako sa ulo sa sobrang inis ng makita ko ang isang gasgas. Galit akong tumingin sa driver. Salubong na salubong ang kilay ko ngayon. Nakatingin lang siya sa'kin habang nasa loob siya.

"Bw'sit ka! Lumabas ka d'yan!" I shouted.

Sinipa ko ang pinto niya, sinyales 'yon para agad siyang lumabas. Hinubad niya ang kaniyang shades. Walang emosyon niya akong tinitigan kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.

Ngunit napatitig pa ako sa mukha niya dahil para siyang artista. Ang gwapo. Pero mas nangibabaw ang galit ko.

"D'mn you!" mura ko. I saw how his lip twitched. "Timang ka ba? Hindi ka ata tumitingin sa dinadaanan mo eh. Alam mo naman na parating ako, pero hindi ka pa rin huminto! Sinasadya mo 'no? Sagot." I half shouted. Hindi siya nakasagot. "Oh ano? Nalunok mo ba 'yang dila mo't hindi ka makapag-salita?!"

That Girl Is A Gangster (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon