- Chapter 16 -

85 45 0
                                    

Chapter 16
Mr. President

Rinig ko ang asaran nila hanggang sa makalabas kami. Pinalo ko siya ng magkakasunod sa likod niya.

"Ibaba mo sabi ako!"

"Stop complaining and fvcking shut your mouth," inis niya ring sabi.

"Loko ka pala eh!" gigil na sabi ko.

Pinalo ko ulit siya ng malakas pero para siyang bato na hindi makaramdam. Kainis! Nagsimula na ulit siyang maglakad. I saw a lot of people watching us. Napatakip ako nang mukha at kinamot ang ulo sa sobrang inis.

"Saan mo ba ko dadalhin?" I impatiently asked.

Hindi siya sumagot. Mas lalo akong nainis kaya kinurot ko nang sobrang lakas ang tagiliran niya.

"Fvck!" sigaw niya at binitiwan ako.

Umawang ang bibig ko nang tumama ang pwet ko sa sahig. Agad akong tumayo at galit siyang tiningnan. Parang nagdidilim ang paningin ko kapag nakikita ko siya.

"Ang sarap mong tadyakan sa.." Napatigil ako. Tumaas naman ang isang kilay niya. "Anong kailangan mo ha?"

Walang salitang binuhat niya ako ulit, 'yong bridal style. Bumilis ang paghinga ko. Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. He never looked at me. Pinasok niya ako sa isang kwarto.

Oh sh't.

"T-teka pag-usapan na'tin 'to. Ilabas mo ko m-marami pa akong pangarap sa buhay!" sigaw ko.

Nangunot ang noo niya ng makapasok kami. "HELL NO! Bakit ba ang dami mong sinasabi? Ano na naman 'yang tumatakbo sa maliit mong isip? Just take a look at yourself, you're not my type."

G'gong 'to.

Mas doble ang gulat ko nang ilapag niya ako sa may kama. Napatakip ako nang bibig at kinabahan.

"A-anong g-gagawin mo?"

He crossed his arms and sighed heavily. "Stop pissing me off and stay here," sabi niya at lumabas.

Ano ba'ng trip niya?

Ilang minuto ang lumipas at hindi siya bumalik. Inaasar niya talaga ko. Akmang tatayo na ako nang bumukas ang pinto.

"Nurse Cora?"

Ngumiti siya sa'kin. "You must be Valerie? Mr. Vitale told me na kailangan mo raw magamot," sabi nito.

Ano!?

Taka ko siyang tinitigan. "Uh, nagkakamali po ata kayo–"

"Shhh!" Pagpapatahimik niya sa'kin. "Now, sit down at kailangan kong linisin ang sugat mo."

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya. Umupo ako at hinayaan siyang gamutin ako. 

Bakit niya 'to ginagawa? Kanina parang gusto niya akong ilibing sa lupa dahil galit siya sa'kin tapos ngayon magbabait-baitan siya? Ha! Sira-ulo.

"Tapos iwan ba naman ako rito?!"

"So you're waiting for me?"

Napatalon ako sa gulat at nilingon siya. Nakasandal siya sa pader malapit sa pintuan habang nakapamulsa. He stared at me with his cold eyes.

That Girl Is A Gangster (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon