- Chapter 36

62 24 0
                                    

Chapter 36
Lies

I am furious right now, not because I'm late but because Alonso lied to me, again. Nahawakan ko nang mahigpit ang steering wheel ng kotse.

Badtrip.You will regret that you hid this from me Alonso.

Kanina ko lang din na realize nang maalala ko ang panahon na hinahanap namin ang names ng mga students. Nasa office niya ang mga section list.

Alam ko sa sariling kong may alam talaga siya tungkol kay Rohan. Saka kung wala siyang tinatago 'e bakit ayaw niyang makita ko ang section list nina Rohan?

Siguro nakita niya ang pangalan ni Rohan kaya sinabihan niya akong wala ro'n. I wanted to see it but he refused and sinabing wala talaga.

Agad akong nag-park at padarag na sinara ang pinto saka ko ito ni-lock. Salubong na salubong ang kilay ko habang hawak ang DNA test results namin ni Rohan.

Paakyat na ako sa building niya nang harangin ako ng mga babae. Napatingala ako at nainis na.

Grabe, kelan ba ako lulubayan ng mga malas?

"Look who's here."sabi ng isang babaeng matinis ang boses.

I turned around and I got irritated just by seeing her face again.

Mukhang nagkakatotoo ang hula ko kahapon kay Luke.

I cocked one eyebrow at her. "Oh, ikaw na naman? Tsk, ang malas ko talaga at nakaharap ko ang babaeng durian."I casually said.

She glared at me. "What did you say!?"

Umiling ako."Nothing. Get out of my way, 'wag mo nang sirain pa ang araw ko. Baka hindi ako makapagtimpi at ma-right upper cut kita."

Lalampasan ko na sana sila nang bigla niyang hablutin ang brown envelope ko. Nanlaki ang mata kong nilingon siya.

"How dare you say that to me? You really are a wild freak b'tch!"parang puputok na ang lalamunan niyang sigaw.

"Like I care. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin basta ibigay mo na lang sa'kin 'yan." Akamang kukunin ko na iyon ng buksan niya ito.

Peste!

"Oh my, DNA test results 'to ni Rohan ah. Don't tell me that he's your missing brother?!" Hindi makapaniwalang usal niya habang napatakip ng bibig.

Wow, pati 'yon alam niya? Nakatatawa talaga ang mga tao rito. Sinong chismosa ang nagkalat no'n? 'Yong p'nyetang Jarah ba!?

Sa inis ko ay sinuntok ko ang sikmura niya. Mahina lang naman.

"Ops, sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi ko.

"Ahhh! Arghh! How could you!?" Atungal niya at napaubo.

Inagaw ko sa kaniya ang envelope. Tinulungan siya ng tatlong kaibigan niya.

Hinarap pa ako nang babaeng mahaba ang buhok. "You b'tch, you did that on purpose!" She angrily said.

I licked my lip."Yeah, I really did that on purpose. Saka masyado siyang pakealamera, tell her to mind her own business." tinalikuran ko siya at umakyat na sa building.

That Girl Is A Gangster (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon