Chapter 1

872 30 8
                                    

Chapter 1

Hinihingal akong nang nakarating sa classroom ko.

Hindi madali ang pagiging college student. Napakadaming kailangang gawin, napakadaming kailangang isakripisyo at napakadaming oras na kailangang ilaan. Sa mga gawain, parang kulang ang buong maghapon.

Nakasalubong ko si Rina na palabas ng room ko.

"Oh, Calli? Hingal na hingal ka? Hinabol ka ng aso 'no?" May ngisi sa labi niya.

"Tsk. Ang aga aga, Rina nang iinis ka." Inismidan ko siya at nilampasan.

"Youre still hot anyway." Dugtong niya at sumunod sa akin sa loob.

"I know right." Pasiring kong sabi. Sa huli, sabay nalang kaming napatawa.

She's my bestfriend, partner-in-crime, buddy in anything or whatever you want to call it.

"Nakapag-review ka ba para sa exam n'yo, Calli?" Tumango ako bilang sagot. "Sana all." Ngumuso siya at binuklat ang kanyang notes. Nakaupo siya sa upuan sa harap ko.

"Ano na naman bang kagagahan ang ginawa mo at hindi ka nakapagreview para sa quiz n'yo?"

"Kagagahan agad? Judgemental ka, girl!" She even rolled her eyes at me. "Dumating kase yung mga kabarkada ni Kuya last night, syempre alam mo na..." At humagikhik pa nga siya sa sarili niyang sinabi.

Hinarap ko siya at nagpamaywang.

"Alam mo... buwiset ka, wag mo 'ko kausapin." Tinalikuran ko na lang siya. Pero hinarap niya naman ako.

"Hindi mo kase alam yung feeling, Calli! Minsan kasi, manlalaki ka! Masyado kang loyal diyan kay Gio! Nako, baka magkasawaan kayo agad, alam mo na, lagi nyo nang nakikita at nakakasama ang isa't isa." Pansusulsol niya pa sa akin. Umirap ako sa kawalan.

Minsan may pagka-bad influence din talaga siya.

"Minsan talaga walang lumalabas na mabuti diyan sa bibig mo, Rina, 'no?"

Sabay kaming napatingin dalawa ni Rina sa nagsalita.

"At bakit, Gio? Totoo naman, ah? Di nga namin sure kung loyal ka talaga dito sa kaibigan ko eh. Malay ba namin kung nambababae ka din, duh! At bakit ba nandito ka sa room nina Calli, ha?" Walang prenong satsat ni Rina.

Bakit sila parehas nandito..

Tuluyang pumasok sa room si Gio.

"Huh! Iba talaga nagagawa ng bitterness sa 'yo 'no? Rina?" Sapaw naman nitong isa.

"Abat—"

"Stop! Kayong dalawa talaga." Pigil ko sa kanila bago pa sila tuluyang mag-away.

"Aw, my baby! Good morning mahal." He kissed my forehead and I kiss his cheek.

"Lah? Kadiri!"

"Lah? Bitter!"

Lumabas ng room si Rina at mukang inis na inis na sa lalaking nasa tabi ko.

"Pikon talaga yung kaibigan mo na 'yon."

"Wag mo nalang pansinin. Nakapag review ka ba? Sabi mo may quiz rin kayo ngayon?" Tanong ko. Alam ko namang matalino siya pero ayaw ko rin naman na pabayaan niya ang mga simpleng quizes na ganito.

"Aba, syempre naman! Para sa future natin ito, 'no! Kailangan kong makapakuka ng magandang marka."

"Sus. Para namang hirap na hirap kayo, ah." Buwelta ko.

Mayaman ang pamilya nila. Kasosyo nina Papa at Mama ang mga magulang niya. At kung humiling man ako ng bahay at lupa sa kaniya ngayon, maibibigay niya 'yon ngayon mismo.

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon