Chapter 8

190 15 0
                                    

Chapter 8

Nanginginig ang kamay ko habang nasa loob ng sasakyan ni Rina. Hindi ko alam ang gagawin. 

"Calm down, Calli." Si Rina.

Bumuntong hininga ako. I can't! Paano ako kakalma sa mga oras na ito?

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha sa bag.

Babe is calling...

Nanginginig pa ang kamay nang sagutin ko 'yon.

"Calli! Calli, where are you? Pupuntahan kita!"

"G-Gio..." Iyon lang ang naisagot ko sa kanya. Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko.

"Nasan ka?! Please, tell me, mahal." Hindi na ako makasagot kaya si Rina na lamang ang kumausap sa kanya.

What's happening? Totoo ba ito?

"Malapit na tayo sa ospital, Calli."

Hindi pa man nakakapagpark ng ayos si Rina ay agad na akong bumaba sa sasakyan. Kahit alam ko naman kung nasaan sina Mama at Papa ay nagtanong pa rin ako sa information area.

"Fred Acasio and Celestina Acasio, please." Blangko na ang isip ko. Anong nangyari? For sure it was the truck driver's fault! Maingat magmaneho ang Papa ko!

"M-Ma'am, morgue po."

"Paki-double check, miss. Please..." nag-aalinlangan ang nurse pero tiningnan niya ulit sa monitor.

"Ma'am sa morgue po talaga. Sorry po." Tumango na lamang ako. Hindi alam ang sasabihin. Napasandal na lamang ako sa puting pader. Is this really happening?

"Calli!" Hindi ko siya tiningnan.

"Rina, si Mama, si Papa..." niyakap niya ako.

"Shh..." umiyak lamang ako habang yakap niya. Paano na ako? Hindi ko alam kung minuto kaming nasa ganoong tayo. Hanggang sa dumating na si Gio.

"Mahal," mas lalo akong naiyak.

"Gio... si mama..." para akong batang nagsusumbong sa kanya. Wala siyang sinabi, niyakap niya lamang ako, habang bumubulong na nandito lamang siya.

Hindi ko alam kung paano ako napakalma ni Gio. Pagkadating namin sa bahay ay hindi niya ako hinayaang tumulong pa sa pag-aayos ng burol nina Mama at Papa. Hinatid niya na agad ako sa kwarto ko para makapagpahinga.

"Ako na ang bahala sa lahat. Don't worry, okay? Sleep now, mahal. I love you." Hinalikan niya ang noo ko bago lumabas.

My tears automatically fall. Bakit sa kanila pa ito nangyari? They are good parents and friend. They are good people. Bakit sila pa?

Sa pagod ko ay nakatulog ako. Nagising na lamang ako sa paghalik ni Gio sa akin.

"Gio,"

"Nagising ba kita? I'm sorry."

"Sina M-Mama?" My voice broke.

"Don't worry about them, mahal. Maayos na ang b-burol nila."

Tumango ako.

Naligo ako at nagpalit ng maayos na damit. Kasabay ng pagpatak ng tubig ang pagpatak ng luha ko.

Sa isang chapel nakaburol sina Mama at Papa. Marami na ang bisita nang dumating kami. Dahil wala ng kamag-anak si Mama o si Papa, puro malalapit na kaibigan na lamang ang nag-aasikaso.

Sa dulo ng chapel ay ang dalawang kabaong. Si Mama at Papa...

Tumahimik ang lahat ng tao noong nakita akong pumasok. Tangina.

Rina always tell me that everything is going to be okay. But how? Paano ako magiging okay ngayong wala na ang mga magulang ko?

Hindi ko na napigilan ang humagulhol habang nakayakap kay Gio. Masakit pa break-up ang mawalan ng mga magulang. The worst break-up is the death of someone you love. 

Nasa tabi ko lamang si Gio. Tahimik at nakaantabay sa lahat ng kilos ko. Hindi ko na masyadong ma-intertain ang ibang nakikiramay dahil sobra akong nagluluksa sa mga oras na ito.

"Calli, kumain ka muna." Inabutan ako ni Rina. Kahit walang gana ay kumain pa rin ako. "Magpahinga ka muna kaya? Ipapahatid kita kay Gio."

"N-No. Okay lang ako." Tanggi ko. Bumuntong hininga na lang siya at walang nagawa.

Buong linggo akong walang maayos na tulog. Babalik lang ako sa bahay para magpapalit ng damit at babalik na ulit sa burol.

Isang linggo...

Hindi ko alam kung anong buhay ang haharapin ko pagkatapos nito. My parents is my home, my warmth.

Ngayon ang araw ng libing nila. Huling araw na 'to. Lahat ay abala sa pag-aasikaso habang ako ay nakatulala at hindi alam kung ano ba dapat ang gagawin.

Wala na talaga sila... Bakit tuwing magiging masaya tayo palaging may kapalit na lungkot at sakit? Hindi ba pwedeng puro saya na lang lahat?

Sa sementeryo ay para akong mahihimatay. Sobrang bigat ng dibdib ko at hindi ako makahinga.

Walang awat sa pagpatak ang mga luha ko habang ibinababa silang dalawa. 

"Shh, I'm here. I love you," Gio is hugging me. I'm thankful that he's here. Kasi kung pati siya ay mawawala ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

Matapos ang libing, isa-isa nang nag-alisan ang mga tao. Even Gio's parents. While me and Gio stayed.

Nakaupo at walang imik ako. Ganoon din siya. Pinagmamasdan akong magluksa sa pagkawala ng mga mahahalagang tao sa buhay ko.

Bakit lahat ng bagay ay may dalang sakit? My grandmother died. My mother and father died too. Si Gio at ang mga kaibigan ko na lamang ang natitira sa akin. Please, Lord, wag namang pati sila mawala sa akin.

Hanggang sa lumubog ang araw ay nanatili ako sa puwesto ko. Wala na yata akong balak umuwi, pakiramdam ko ay wala na akong uuwian. Pakiradam ko ay wala nang saysay umuwi dahil wala naman sila doon.

"Mahal, uwi na tayo? Gumagabi na tapos wala ka pa ring kain."

I looked at him. He look tired. His eyebags is visible. Wala rin siyang tulog, kakaasikaso sa burol at sa akin.

I smile. "Thank you." Lumapit siya sa akin, he dried my face using his thumb. "Salamat sa pag-intindi sa 'kin."

"Wala yun, Calli. Girlfriend kita, that's normal. Tutulungan at iintindihin kita hanggang sa makakaya ko. Mahal kita, e." Niyakap niya ako kaya't ginantihan ko rin siya ng yakap. "I love you. So much."

"I love you too, babe. Thank you so much."

Nanatili pa kami roon hanggang sa magdilim. Agad naman kaming sinalubong ng nakakabinging katahimikan pag-uwi. The whole mansion look so lonely.

Kaming dalawa na lamang ni Gio ang nandidito. Walang kahit isang katulong na natira kaya si Gio na lamang ang nagluto ng aming hapunan. Wala akong gana kaya kaunti lamang ang kinain ko.

Sila dapat ang lagi kong kasama sa pagkain e.

"Mahal, yung mga gulay kainin mo." Sabi niya pero umiling lamang ako.

"Ayoko."

Napabuntong hininga siya. "Ilang araw kang walang maayos na kain, Calli. Kainin mo 'yang gulay." Matigas ang bawat bigkas niya pero nandoon pa rin ang rahan.

Umiling ulit ako. "Ayoko nga, Gio." Tinitingnan ko pa lamang ang mga 'yon ay tumataas na ang balahibo ko. Para akong masusuka.

-

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon