Chapter 18

210 13 0
                                    

Chapter 18

Nanlalabo na ang aking mata at namamanhid na din ang buong katawan ko, dahil siguro sa lamig.

Nauubusan na ako ng hangin pero wala akong balak na umahon, para saan pa? Ipipikit ko na sana ang mata ko pero may himila sa akin pataas.

"Miss?!"

Nanatili akong nakapikit. Dinadamdam ang lamig ng hangin.
Bakit ang sakit sakit magmahal?

"Calli! Shit. Kuya, pakidala nalang po siya sa loob. Dahan dahan po ah, buntis po kasi."

Agad akong binalutan ng tuwalya pagkalapat pa lamang ng likod ko sa malambot na sofa. Umiiyak na Rina ang sumalubong sa akin pagkabukas ko ng mga mata.

"Ano na naman ba 'to, Calli? Bakit mo naman ginawa 'yon?!"

Hindi ako umimik. Umupo ako at hinarap ang lalaking tumulong sa akin.

"Bakit mo pa ako niligtas?" muli na namang naglandas ang mga luha sa aking pisngi. When will I stop crying?

"Calli!"

"Bakit hindi mo nalang ako hinayaang mamatay?"

"Calli, ano ba?!"

"Wala na akong mga magulang, alam mo ba 'yon? Tapos 'yong lalaking mahal na mahal ko, 'yong lalaking ama ng anak ko, kapatid ko pala..." niyakap ako ni Rina na mas lalong nagpahagulhol sa akin.

This pain is killing me. Shit.

"Yung lalaking mahal ko, iniwan ko. Mas mabuti naman 'yon, 'di ba? Makaka-move on na siya. Makakahanap pa siya ng babaeng mamahalin niya nang higit pa sa pagmamahal n'ya sa akin." I laugh bitterly.

Hindi ko yata kakayanin na sa ibang babae niya tuparin ang mga bagay na ipinangako niya sa 'kin.

"Stop it, Calli. Stop, please."

"No! Gusto kong malaman niya na hindi worth it yung pagliligtas niya sa 'kin." Pinalis ko ang kamay ni Rina at muling humarap sa lalaki. "You know what? I hate everything! I hate myself. I hate my life!"

"Tapos ka na ba?" Malamig na sabi ng lalaki sa harap ko. Kumunot ang noo ko sa kanya. "Buntis ka pala, bakit ka magpapakamatay? Kung gusto mong mamatay, saka na after nine months, idadamay mo pa 'yong bata, e."

Umayos siya ng upo paharap sa akin.

"At kung magpapakamatay ka, may magbabago ba? Mabubuhay ba ulit ang mga magulang mo? Hindi naman, 'di ba? At pinasok mo 'yang relasyon na 'yan, 'di ba? Gumawa ka ng paraan para maitama 'yan, huwag mong takasan. At para sabihin ko sayo, worth it yung pagliligtas ko sayo kasi may mga kaibigan ka pa. You can lean to them, you're not alone, remember that." Tumayo na siya at handa nang umalis.

Pero bago 'yon ay tiningnan niya ulit ako at kinunutan ng noo.

"Take care of your child, Miss. Because that symbolize your love for him."

This is Gio's baby. This is the last thing that left with me. I should take care and love him or her more than myself.

Pero wala silang alam. Hindi nila alam ang nararamdaman ko.

"By the way, I'm Razam." Dahil wala pa ako sa sarili ko ay kay Rina na lamang siya nag-abot ng kamay.

"Thank you, Razam. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi ka dumating. Baka kung ano ng nangyari sa mag-inang 'to."

Ngumiti siya kay Rina. "It's okay. Bantayan mo nalang sa susunod. Alis na pala ako, magpapahinga pa ako."

"Sige, salamat ulit!" Hinatid niya ang lalaki sa labas ng bahay ako naman ay umakyat na sa kwarto.

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon