Chapter 7

196 14 0
                                    

Chapter 7

Kanina pa akong gising, nakatulala lamang sa puting kisame ng kwartong tinutuluyan namin habang si Gio ay nahimbing na natutulog habang mahigpit na nakayakap sa baywang ko.

Unti-unti kong tinanggal ang braso niya at saka pumunta sa banyo. Kahit masakit ang buong matawan ay pinilit ko paring makatayo at makalakad ng tuwid. Naka puting T-shirt na ako ni Gio, siguro ay binihisan niya ako habang natutulog.

Tiningnan ko ang sarili sa malaking salamin sa sink. May iilan na mapulang marka sa leeg, kahit sa taas ng aking dibdib ay mayroon din. Napapikit nalang ako at sinabunutan ang sarili.

We made love! Gusto kong maging masaya pero bakit iba ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay mali at hindi dapat namin iyon ginawa. Parang gumawa ako ng kasalanan.

But one of my dreams came true. To gave myself to him. But not this time. Hindi pa dapat ngayon. Nasaan na ang sinumpa mong hindi nyo iyon gagawin hanggat hindi pa kayo mag-asawa, Calli?

And shit! We didn't used any protection!

Ang daming pumapasok sa isip ko. Paano kubg magbunga? I'm just twenty at nag-aaral pa kaming.

Isinantabi ko lahat ng mga isiping iyon. Naligo ako atsaka lumabas sa veranda para pagmasdan ang asul na dagat. Wondering why sea can calm me.

Napaigtad ako sa kamay na pumulupot sa baywang ko. Gio wearing his white T-shirt is now snaking his hard arms around my waist. Inaangkin ang kung ano man ang kanya.

"Good morning, mahal." His husky voice made me feel a sudden goosebump.

"Morning," he kissed my cheeks.

"Kamusta ang tulog mo? Hm?" Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking balikat. Sniffing my  scent. Abot ang tahip ng puso ko. Hindi nalaman kung kinakabahan dahil nandito siya sa tabi ko o dahil sa kalalabasan ng kapusukan namin. 

"Okay lang." Maikling sagot ko, dahil pakiramdam ko malalaman niya kaba ko kapag humaba pa ang sinabi.

"Are you worried? Because of what we did?" Walang kahirap hirap niya kong iniharap sa kanya. "Pananagutan kita. Kahit anong mangyari, pananagutan kita. Mahal kita, Calli, alam mo 'yan." sabi niya sa malamyos na boses. Seryoso ang mga mata at parang siguradong sigurado na at planado na ang lahat.

Pananagutan niya ako. Iyon naman ang mahalaga 'di ba?

Tumango nalang ako. Hindi alam ang sasabihin. Just go with the flow, Calli.

Tanghali ay umalis na kami pabalik sa Manila. Laman na siguro ng isip ko ang nangyari sa amin noong gabing iyon dahil parang sirang plaka ang utak ko at paulit-ulit na lumalabas ng imahe namin na— Stop it, Calli. What the hell?

Naging busy ulit kami sa school works ni Gio. Si Mama at Papa ay ganoon din sa trabaho nila, mas dumoble pa nga yata kaysa noon. Subsob sila sa trabaho at hindi na talaga umuuwi pa sa bahay namin.

"Calli! Nagyaya si Kyla at Suzy, night out! Kung sasama ka ay sasama rin ako." Si Rina, sa matinis na boses. Umiling lamang ako.

"Hindi ako makakasama. May gagawin akong report ngayon e. Pero pwede ka namang sumama ng hindi ako kasama, Rina." sinimangutan niya ako.

"Alam mo namang hindi ako makakapagsaya ng lubusan doon kung wala ka, Calli."

"Sleep over ka na lang sa amin?" Pamapalubag loob ko sa kaniya.

Wala rin  kong kasama sa bahay bukod sa mga kasambahay. Kahapon nga pala ay dalawang kasambahay na namin ang umalis. Wala naman silang sinabi sa pag-alis nila bukod sa maghahanap sila ng ibang trabaho. Itinawag ko iyon kay Mama.

"Ma, umalis ang dalawa nating kasambahay, alam mo na po ba?"

"Hayaan mo na sila anak. Baka ay kailangan talaga nila."

Yun lang at pinutol niya na ang tawag dahil may urgent meeting daw sila.

"Di pa rin ba uuwi sina Tita?"

"Hindi pa. Wala pa silang nasasabi sa akin. Siguro ay talagang busy." Nagkibit balikat siya.

"Baka may problema?" Ako naman ngayon ang nagkibit balikat.

Wala naman silang nababanggit ay alam kong meron talaga. Ayaw lang nila ipaalam sa akin. Baka kaya naman nilang resulbahan.

"I'm not sure. Wala naman silang nababanggit."

Hindi na sumama si Rina sa mga kaibigan namin. Sa amin na siya naghapunan at sa kwarto ko rin matutulog.

"Nakakatamad mag-aral, Calli. Nagsasawa na ako sa mga pagmumukha ng mga kaklase at Prof. ko! Wala man lang pogi na magpapaganda ng araw ko. Nakaka-stress ha!" Inirapan ko siya.

"Kamusta naman kayo ng crush mo? Na-crushback ka na ba?" Tumawa ako para mas lalo siyang mainis. 

"Kung alam mo lang, girl. Yung mga isinakripisyo para lang mapansin niya. Jusko. Halos isangla ko na ang pride ko. Wala pa ring effect. Minessage ko na sa facebook, sineen lang ako. Pinadalhan ko ng regalo pero dahil sa dami ng nagpapadala sa kanya mukhang hindi na niya alam kung ano ang galing sa akin doon. Kingina niya! Bahala na siya sa buhay niya. Kung ayaw niya sa dyosang tulad ko, doon siya sa mukhang palaka niyang ka-jam noong isang araw." Hiningal siya sa haba ng sinabi niya. Makikita ang galit at pagkainis sa mata niya.

"Kalmahan mo lang, Rina." Nginisian ko siya. "Mukhang di ka  bitter, ah? Sa mga pinagsasabi mo, ramdam kong hindi ka talaga bitter."

"E, kayo ni Gio?" Biglang uminit ang pisngi ko. Bumalik muli ang mga alala nang gabing 'yon.

"A-Anong kami?" Nag-iwas ako ng tingin.

"Kumusta kako kayo?"

"Okay lang naman. Ano bang tanong yan, Rina." Siya naman ang ngumisi ngayon.

"Bakit ka namumula? May nangyari 'no?"

What the hell?

"Ano? W-Wala." Medyo tumaas ang boses ko kaya lalong lumawak ang ngisi niya.

"Sus! Ang blooming mo kaya. Nadiligan ka 'no?"

"Rina!" Hinampas ko siya.

"Hay, okay lang 'yan, Calli. Relasyon niyo 'yan. Pro masasapak ko 'yang Gio na 'yan."

"Matulog ka na nga lang, Rina." Hindi siya tumigil kakaasar sa akin hanggang sa makatulog kami.

Kinaumagahan naman ay maaga ang klase namin kaya maaga rin kaming nagising at naghanda.

"Ma'am Calli, tumawag ho ang Mama n'yo kanina. Baka raw ho makauwi sila mamayang gabi."

Nagliwanang ang mukha ko. After a month, uuwi na sila. Nginitian at nagpasalamat ako sa kasambahay namin.

Buong araw ay nakangiti ako dahil sa magandang balita na natanggap ko ngayong umaga. Sa buong klase ay hindi ako mapakali at kating kati nang umuwi. Gusto ko ng bumilis ang oras para makauwi na sa bahay.

Iniisip ko ring magluto ng hapunan para sa amin. Finally, a family dinner after a long month. Sa sobrang saya ko ay hindi ko naisip ang maaaring kabayaran noon.

Dahil lahat ng plano ko ay hindi ko na nagawa. Isang balita ang nakarating sa akin na isang SUV ang nabungo sa isang malaking truck sa kahabaan ng daan. Hindi nakaligtas ng mga sakay noon.

Mr. and Mrs. Acasio confirmed dead because of a car accident.

-

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon