Special Chapter

88 10 0
                                    

Special Chapter

"Gordon Manuel!" Rinig kong sigaw ng panganay ko.

"Ano na naman ba ang pinag-aawayan niyong dalawa, huh?" Tanong ni Gio sa mga bata.

"Tsk," tanging sagot ni Calla.

Mahina akong natawa sa inasal ng anak ko.

Gordon is now two years old. Sobrang kulit na, halos pahirapan kaming dalawa ni Gio sa pag-aalaga.

Nako, nagmana sa ama.

Tinapos ko ang paghuhugas ng pinggan at lumabas ng kusina. Naabutan kong nakakunot ang noo ni Calla habang nililigpit ang mga gamit niya samantalang tatawa-tawa naman si Gio habang buhat sa kaniyang braso ang bunso niya.

Basta kalokohan talaga, laging nagkakasundo ang mag-ama.

"Ano na naman ba ang ginawa ng kapatid mo, Calla?" Tanong ko sa nakabusangot kong anak.

"Mom, this boy ruined my paper again." Simangot niya. Sinamaan niya ng tingin ang kapatid na walang pakialam at nakikipaglaro sa ama bago muling bumalik sa pagliligpit. Umiling ako.

Hindi ko alam kung ano ba'ng meron sa magkapatid na 'to. Nagkakasundo naman sila pero madalas talaga silang nag-aaway. Napakalikot din kasi talaga ni Gordon kaya inis na inis sa kaniya ang kaniyang Ate.

Kapag isinigaw na ni Calla ang pangalan ng kapatid, dapat mo na silang paghiwalayin dahil kung hindi, nagtatalo na naman sila. Pero hanggang sigaw lang naman si Calla. Nadala kasi siya noong minsan niyang naitulak ang kapatid sa sobrang pagkainis, nagkabukol ang ulo ni Gordon at iyak nang iyak. Takot na takot noon si Calla kaya kahit anong kulit ng kapatid hindi niya sinasaktan.

"Mama!" Bumaling ako sa aming bunso. Nakataas ang dalawa niyang kamay, nagpapakarga sa akin.

Kinuha ko siya kay Gio. Humalik muna siya sa labi ko bago ibigay sa akin si Gordon kaya ginaya siya ng anak. Humalakhak ako nang halikan niya rin ang labi ko habang karga ko siya.

"Love you, mama." Malambing niyang sabi habang hinahaplos ang mukha ko.

"Mama loves Gordon, too." I pinched his nose and he giggled.

"How about Papa, bunso?" Singit ni Gio sa likod ko. He's hugging me from behind.

"Papa pangit," walang pakundangan niyang sabi habang nakangiti sa amin.

"Aba't..."

Humalakhak ako.

"Walanghiya 'tong batang 'to  ah." Bulong pa niya kaya siniko ko siya. Siniksik niya na lang ang mukha sa leeg ko at mahigpit pa rin ang yakap sa akin. "Buti na kang mahal ako ng mama."

Umirap na lang ako.

Natapos ang nakakapagod na araw kasama ang dalawang bata at ang isip bata kong asawa. Akala ko magiging madali ang pag-aalaga sa dalawang bata dahil nandito ang asawa ko pero hindi pala kasi purwisyo si Gio sa buhay ko. Parang naging tatlo tuloy ang anak ko ngayong araw.

Tinapos ko ang paglalagay ng skin care at humiga sa tabi ni Gio. Agad niya naman akong nilapitan. Niyakap niya ako na para bang tatakasan ko siya.

Itong lalaking ito talaga.

"Napakabango naman, mahal." Sabi niya at inamoy-amoy ang buhok ko at humalik doon.

Tinapik ko ang mukha niya nang magsimula nang bumaba ang halik niya sa leeg ko.

"Aray ha," daing niya pero tumawa rin naman kalaunan. Kalokohan talaga.

"Tigilan mo ako, Gio. Pagod ako. Para akong single mother na may tatlong anak ngayong araw." Naiinis kong sabi sa kaniya na umani naman ng halakhak galing sa kaniya.

Saglit kaming natahimik. But Gio being Gio, umimik na naman siya. Okay lang sana kung maganda ang lumalabas sa bibig niya kaso hindi, puro kawalanghiyaan lang.

"Mahal, naisip ko lang."

"Oh?"

"Dalawang taon na si Gordon, malaki na ang bunso natin."

Umahon ako sa pagkakahiga at pinanliitan siya ng mata.

"Anong gusto mong iparating ngayon?"

"Wala, ano lang... alam mo na, baka pwedeng ano... sundan na." Sabi niya at muli akong hinila palapit sa kaniya.

"Tantanan mo ako, Gio ah."

"Ito naman, ang damot. Anak lang, e."

"Anak lang?! Jusko, anak lang, Gio. Manahimik ka, may Calla at Gordon ka na nga."

Umirap siya sa akin at sumiksik na naman sa akin. Akala mo'y bata.

"Gusto ko pa ng isang babae, 'yong sweet sana. Napakasungit naman kasi ni Calla, jusko, Calli. Minsan nga napapaisip ako kung paano siya magkakaroon ng jowa kung gan'yan siya kasungit." Nakanguso niyang sabi.

"Ang bata pa ng anak mo, Gio! Nine years old pa lang ang panganay mo, anong jowa-jowa ka diyan! Gagaya mo pa siya sa 'yo na maaga lumandi."

"Hoy, anong maagang lumandi? Ikaw lang ang hinarot ko noon! Grabe ka, mahal."

"Sus, akala mo ba hindi ko alam na may girlfriend ka na noong elementary ka pa lang? Really, Gio? Elementary?"

Tumawa siya.

"Selos ka? Halika, gawa na tayo ng pangatlo." Umibabaw siya sa akin kaya umirit ako at sinipa sipa siya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para intindihin ang mag-aama ko. May pasok si Gio sa trabaho habang may pasok naman sa school si Calla kaya kaming dalawa na lang ni Gordon ang magkasama.

Dumiretso kami ni Gordon sa Tita Rina niya pagkatapos maihatid si Calla sa school.

Hindi pa kami nakakapasok sa bahay nila ay pinanggigilan na niya ang anak ko.

Agad naman na naghanda ng meryenda si Ash. Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat.

"Buti nakapasyal kayo bago kami umalis."

"Oh? Saan kayo pupunta?"

"We're going to Palawan. Bibisita lang kami kina Mama. Gusto niyong sumama? Huh, baby Gordon gusto mo sumama sa Tita Rina?" Nag-baby talk pa siya sa anak ko. Tuwang tuwa naman si Gordon, aliw na aliw sa kabaliwan ng Tita niya.

"No thanks, baka magwala ang ama niyan kapag hindi kami nadatnan sa bahay."

"Ay, gano'n? Pwede pahiram muna dito sa bunso?"

Humalakhak ako at umiling. Baka biglang maisipan ni Gio na pumunta sa Palawan para sunduin agad ang anak. Napaka-oa pa naman ng isang 'yon, hindi lang makita ang anak takot na takot na. Akala mo naman ay itatakas ang anak.

"Sa tatay ka magpaalam," sabi ko na lang at nagkibig balikat.

Pero dahil likas na may pagkabaliw si Rina, talagang tinawagan niya si Gio. She loudspeaker her phone.

"Gio!"

"Oh? Bakit? May trabaho ako, Rina, abala ka talaga." Sagot niya. Rinig ko pa ang magbuklat niya ng papel.

Umirap si Rina sa kawalan.

"Pahiram muna kay Gordon, pupunta kaming Palawan."

"Ano ka sinu-swerter? Minamadali ko nga ang trabaho ko para nakauwi agad sa pamilya ko tapos hihiramin mo?"

"Ang oa naman, akala mo naman hindi ibabalik. Pumayag ka na,"

"Kapag ba sinabi kong susunugin ko ang bahay mo, papayag ka?"

"Syempre, hindi!"

"Oh, hindi rin ako papayag. Tigilan mo ako, Rina. Nandiyan ba ang mag-ina ko, pakausap nga."

"Go on,"

"Mahal," tawag niya sa akin. Tumaas ang kilay ko.

"Oh?" Sagot ko.

"Mahal na mahal kita,"

"Yuck Gio, naririnig ka naming lahat dito!" Biglang sigaw  ni Rina. Sabay kaming natawa ni Ash. Kahit si Gordon na nagulat sa pagsigaw ni Rina ay nakitawa rin.

"Epal ka talaga, Rina!"

---

Na-miss ko ang CalGi, grabe kayo

🎉 Tapos mo nang basahin ang Unconditionally Loving You (Loving you Series 1) 🎉
Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon