Chapter 17

199 11 1
                                    

Chapter 17

Agad na bumili ng ticket si Rina para sa pagpunta namin sa isla kung saan may hotel ang kapatid niya. May bahay sila doon at doon muna ako titira.

Sabi niya ay makakapag relax ako doon dahil malapit lang sa dagat. But I bet not. Simula siguro noong naghiwalay kami, naging bitter na ako sa dagat.

Wala akong naririnig na balita tungkol kay Gio mula kay Rina. Siguro ay alam niya ring ayaw ko nang makarinig pa ng kahit ano tungkol sa lalaking iyon.

Hindi ko alam kung hinahanap niya ba ako o kinokontak. Simula noong araw sa park ay in-off ko na ang cellphone ko at hindi ko na binuhay hanggang ngayon.

Para saab pa, 'di ba? Wala na rin namang magbabago. We're already done. Everything between us ended when he told me that I'm his sister.

Sa ilang oras na byahe ay tulog lamang ako. Pagkatapos ay sinundo kami ng isang yate papuntang isla.

Para talagang tinataguan ko si Gio dahil talagang hindi niya ako mahahanap dahil malayo ang islang tinutukoy ni Rina.

Bumaba kami sa maliit na daungan. Mula dito ay kitang kita ang hotel na mukhang pagmamay-ari din ng kapatid ni Rina dahil sa malaking pangalan nitong Casa Camila Hotel.

Sa lobby pa lang ay sinalubong na kami ni Ate Camila.

"Hi!" Agad itong bumeso at yumakap kay Rina at gano'n din sa akin.  "I miss you, lil' sis. And you Calli. Ang tagal na nating hindi nagkikita. You grown up so beautiful."

Kabaliktaran ni Rina, Ate Camila is more formal and elegant. In her young age, malayo na ang narating niya. She own this hotel. She also have a business outside and inside the country.

"Salamat po."

"I'm glad to see you two again."

"Wag mo kaming echos-in Ate." Hinampas pa niya ang Ate niya. "Gutom na ko, 'Te. Kain na tayo?"

Humalakhak ang babae at iginaya kami papasok.

Kumain kami sa restaurant na nasa Hotel lamang din. Buti na lamang at hindi pilian ang anak ko kaya nakakain ako ang mga nakahanda nang hindi nasusuka.

"You can alsostay at the hotel, Calli. Don't worry, it's free for you." Sabi niya habang naglalakad kami papuntang bahay nila. Malapit lang naman daw 'yon dito sa hotel.

"Okay lang, Ate. Kaya ko naman po."

Ang malamig na simoy ng hangin ay nanunuot sa aking balat at parang awit ang bawat pag-alon ng dagat.

My mind is so occupied kaya hindi ko na namalayan na nakarating ng pala kami sa bahay nila.

May katamtamang laki ito. And it's color white all over the house. Ang interior ay napakaganda at napakadetalyado, halatang dinisenyo ng magaling na architect. May malaking chandelier sa gitna ng kabahayan.

"Tabi tayong matulog mamaya, Calli." Sabi ni Rina sa tabi ko.

Umakyat kami sa second floor kung nasaan ang mga kwarto. This house is so beautiful, really.

"Doon kayo sa room mo Rina. Nalinis na 'yon at 'yong mga gamit mo inalis ko na rin."

"Grabe naman Ate ah, parang ayaw mo na akong pauwiin dito." Eleganteng tumawa si Ate Camila.

"It's not like that baby sis. Puro malilit na kasi yung mga damit mo dito. Kailan ka ba huling pumunta dito?"

"Noong fifthteen pa ata ako noon. Ewan di ko na tanda, e." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ni Rina.

"Ate!"

Nang masigurong okay na kami ay saka siya nagpa-alam.

"Just call me if you need something, ingat kayo dito. Lock the doors." Niyakap at hinalikan niya sa noo si Rina bago bumaling sa akin. "Good night, bye."

Ate Camila is so sweet. Dati ko na ring pinangarap na magkaroon ng kapatid at kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana ay hindi nalang ako nangarap.

Ikinurap ko ang aking mata para mapigilan ang nagbabadyang mga luha.

"Emotional preggy. Halika nga dito." Lumapit ako kay Rina at niyakap niya ako. "Bakit naiiyak ka na naman, girl? Ayaw mo bang umalis si Ate Camila? Pinaglilihi-an mo ba siya?" Umiling ako kaya nakahinga siya ng maluwag. "Mabuti! Nako, kapag nagmana yang anak mo kay Ate, magiging workaholic 'yan! Dapat ang pagmanahan niya ay katulad ko. Maganda, talented, at gusto din ng gusto niya!"

"Parang fake news yung last part ah." Sumimangot siya bago umayos ng higa sa kama at tumitig sa kisame.

"Kailan kaya ako mapapansin ni Ashjon? Yung abo kasing yun napakaarte!" Tumawa ako at tinabihan siya.

"Maraming nagpaparamdam sayo sa school, ayaw mong subukan?"

"Ayoko nga. Ashjon ba sila?" She rolled her eyes.

"Bakit? Seryoso naman 'yong mga yun, ah? They are all better than Ashjon."

Bumaling siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.

"Bakit ikaw? Marami ding nanliligaw sayo, pero bakit mas pinili mo si Gio?" I swallow something on my throat.

"Because I l-love him,"

"Exactly! I choose Ashjon because I love him."

"Mahal mo na?!" medyo tumaas ang boses ko. Agad? Mahal agad? Tumawa lang siya sa reaksiyon ko.

"Hay. Wag na nating pag-usapan 'yan. Ang dapat na pag-usapan ay kung paano mababayaran ang utang ng Pilipinas at kung paano mapapatalsik ang mga kurap sa gobyerno."

Tumawa na lang kami. Napakagaan ng pakiramdam kapag siya ang kasama.

"Siya 'yong nagpabuntis sa kapatid niya, 'di ba?"

"What a disgrace!"

"Nakakahiya ka!"

Para bang diring-diri sila sa akin. Ayoko nito.

"Wala nang tatanggap pa sa kan'ya."

Hindi. Hindi totoo 'yan. Tatanggapin pa ako ng pamilya ko, ni Rina.

"Salot ka at ang batang 'yan!"

Agad akong napabangon. Tagaktak ang pawis at hingal na hingal.

Wala nang tatanggap sa akin dahil nabuntis ako ng kapatid ko? Hindi pwede. Hinaplos ang walang pang umbok kong tiyan.

Parang wala ako sa sarili nang bumaba sa hagdan.

Bakit sila nandidiri sa akin? Bakit sila nagagalit? Wala naman akong ginawang masama. Nagmahal lang naman ako.

Hindi ko rin naman alam. Wala akong alam.

I hate them. I hate all of them.

Paglapat pa lamang ng tubig sa aking paa ay agad na akong nilamig.

I want to end this pain. This suffer. I want to be happy again. I want to be with my mother and father and I want Gio to be happy in others arms, because I'm not deserving and I will never be...

Kapag ba sumama ako kina Mama at Papa, wala nang magagalit sa akin?

Wala na bang sakit?

-

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon