Chapter 13

192 12 0
                                    

Chapter 13

Sa condo ni Rina ako nagpalipas ng gabi.

Hindi siya nagtanong. Niyakap niya lang ako at pinaramdam na hindi ako nag-iisa.

"Bumangon ka na, Calli. Handa na ang agahan." Rinig kong sabi ni Rina. Hindi ako kumibo at nanatiling nakatalikod sa kaniya.

Kanina pa akong gising pero hindi ko magawang bumangon. Ayaw makisama ng katawan ko. Gusto ko nalang humiga at magmukmok buong araw.

"Calli..."

"Huh?"

"Bumangon ka na. May pasok ako ngayon kaya ikaw na bahala dito, ah." Umupo siya sa kama at hinawakan ang kamay ko. "Mag-uusap tayo pagbalik ko, huh? Magiging okay din ang lahat. Love you, girl." She kissedthe top of my head before leaving the room.

Muling kinain ng katahimikan ang buong kwarto noong umalis siya, tanging buga lamang ng aircon ang maririnig.

Mag-isa na naman ako.

Naisipan ko nalang na dalawin sina Mama at Papa. Pagkakain ko ay agad na naligo at bumaba sa building ni Rina.

Ini-off ko din ang cellphone ko dahil ayaw ko munang makatanggap ng tawag o message galing kahit kanino.

"Ma'am, saan po?"

Sinabi ko sa driver ang sementeryo kung saan nakalibing ang mga magulang ko. Nakatulala lamang ako sa buong byahe. Pilit paring pinoproseso ang lahat sa utak ko.

Hindi ko parin talaga matanggap. Hindi ako makapaniwala.

Paano nangyari 'yon?

Nagdadalawang isip na tuloy ako ngayon, mahal ko ba talaga siya? Mahal niya ba talaga ako?

Tumigil ang Taxi sa sementeryo, dala ang bulaklak at kandila na nabili ko lamang sa nadaanan namin.

Celestina Acasio
March 15, 1977-February 15,2016

Fred Acasio
April 08,1975-February 15,2016

"Mama, Papa..." Agad na tumulo ang mga luha ko. "Hindi ko na alam ang gagwin ko. Ang sakit sakit na." Pinahid ko ang luha kong hindi na yata mauubos.

Parang sira.

"Wala na po kami ni Gio, Ma. Hindi ko po maintindihan, Acasio po ako pero bakit ako ang tinuturong kapatid niya? Totoo niyo ba talaga akong anak? Ang daya niyo naman e. Iniwan n'yo agad ako. Ang gulo-gulo na ng buhay ko."

Para akong tinaguan ng pagkatao.

Hindi ko alam kung sino ba talaga ako. Kung totoo man ang sinasabi ni Gio, paano?

Paano na ako? Paano kami?

Buong araw akong nasa puntod ng mga magulang ko. Umaasa na bibigyan nila ng kasagutan lahat ng mga tanong ko.

"Kanina pa kitang tinatawagan pero naka-off ang phone mo! Saan ka ba nanggaling, Calli! Nag-alala ako sayo!" Bulyaw sa 'kin ni Rina pagpasok ko sa condo niya.

"Sorry, pumunta lang ako sa sementeryo." Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko sa kan'ya.

"Magpaalam ka sa susunod, huh? O kaya magpasama ka sa akin." bulong niya.

Humiwalay siya ng yakap at iginaya ako papuntang kusina.

"Bumili ako ng ice cream, pampagaan ng loob." ngumiti siya. Pero sa halip na gumaan ang loob ko ay mas lalo pa itong bumigat.

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon