Epilogue

374 16 0
                                    


Epilogue

"Mary, ano 'to?" tanong ko sa kanya patungkol sa mga papel na ibinigay niya sa akin.

"Resulta ng imbestigasyon?" Sarkastiko niyang sagot. "Come on, Gio. Alam mo kung ano yan. Congrats, nahanap mo na ang kapatid mo!" Pumalakpak siya habang nakangiti, pero hindi ko magawang maging masaya sa ibinalita niya.

"Niloloko mo ba ako, Mary?"

"Bakit naman kita lolokohin? Klayente kita."

"Hindi mo ba nababasa 'to? Si Calli 'to. Nhicalli Acasio, si Calli, girlfriend ko."

Umupo siya sa kaharap  upuan. Pagalit ko siyang tiningnan.

Nandito kami ngayon sa condo ko para ibalita ang resulta ng imbestigasyon sa pagpapahanap ko kay Ali, pero sa halip na magdiwang ay iba ang nararamdaman ko.

Pinaglololoko ako ng babaeng ito!

"Yes, Calli, your girlfriend, and yes Aliza, your sister. They are the same, Gio." Sabi niya at saka ngumisi.

"Ano bang sinasabi mo? Binabayaran kita para hanapin ang kapatid ko hindi para maging spy sa girlfriend ko."

May kutob na ako pero ayaw kong tanggapin. Bakit ko naman tatanggapin iyon, 'di ba?

Pinaggalong kaba, inis at sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Don't fool yourself, Gio. Malinaw mong nababasa ang mga nasa papel na 'yan."

Hindi ako naniwala. Calli is my girlfriend and she can't be... she can't be my sister.

Kahit kailan hindi ako maniniwala. Iyon ang sabi ko dahil noong lumabas ang resulta ng DNA test, parang gumuho ang mundo ko.

"99.9 percent, means she is really your sister."

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Fuck?

Yes, fuck it.

I love her for years, pagkatapos malalaman ko na kapatid ko pala siya?

Sa halip na sabihin sa kanya ang totoo ay inilihim ko na lamang iyon. Hindi ko kayang wala si Calli sa buhay ko.

Para sa 'kin, Calli is my girlfriend. She's still my girlfriend.

Pero habang tumatagal, binabagabag ako ng konsensiya ko.

Nagsunod sunod ang mga naging problema niya. Kaya't kahit gusto kong sabihin ang totoo, hindi ko magawa.

Namatay ang lola niya at pagkaraan ng ilang linggo ay namatayan naman siya ng mga magulang. Bumagsak ang kumpanya nila, marami ding utang na naiwan sa kaniya.

Hindi ko masikmurang dagdagan pa lahat ng 'yon.

I supported her in everything. Pinaramdam ko sa kanya na hindi siya nag-iisa dahil nandito pa kami, ako.

Unti unti na siyang nakakabangon. Sino ba naman ako para ibagsak ulit siya?

We made love that night. While she's sleeping in my arms, I'm crying. Bakit pakiramdam ko ay mali. Mali talaga. They deserve to know the truth but we don't deserve this pain.

She's sleeping peacefully right now. Bagay na hindi ko magawa sa mga nakaraang araw. Nakiusap ako kay Rina na makita siya kahit kaunting oras lang. Ilang araw niya na akong iniiwasan. I miss her.

Umupo ako sa tabi niya, hinawakan ang kanyang kamay. "What happened to us, mahal? Minahal lang naman kita. Bakit ganito kasakit?" I gently caress her hair. I love this girl so much. "I love you. So much." I said as I kiss her, before leaving her room.

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon