Chapter 6

209 14 0
                                    

Chapter 6

Kanina pa akong nakatanaw sa labas, pinagmamasdan sina Rina at iba pa naming kaibigan na masayang maglalaro sa buhanginan, habang si Gio naman ay nakayakap sa akin mula sa likod.

Nandito kami ngayon sa isang resort sa Batangas. Bakasyon kaya sinusulit na.

"Di ka ba sasali sa kanila, babe?" Tanong niya, umiling ako. "Bakit?"

"Dito muna tayo. At bakit ka ba nakayakap? Umalis ka nga." Hinawi ko ang braso niya kaya sinimangutan niya ako.

"Ang damot mo na ngayon, Calli!" Inirapan ko lamang siya.

Napakaarte talaga.

Dahil alam kong likas ang pagiging makulit kay Gio, kaya iniwan ko na lamang siya at nakisali sa laro nina Rina.

Nang magtanghali ay saka kami kumain at nagpahinga.

"Anong oras tayo lalangoy? Excited na ako. Excited na akong lunurin si Gio!" Rina said while laughing. Everyone laugh except of course, Gio. Masama na ang tingin niya kay Rina.

"Anong akala mo sa akin, hindi marunong lumangoy?!" My boyfriend asked.

At nagsimula na naman silang magtalo.

Napuno ng tawanan ang hapag namin. Si Rina at Gio ay nagbabangayan, lagi naman. Noong bandang alas-kwatro naman ay napagpasyahan na naming lumangoy.

I'm wearing a color black two-piece. Napailing ako ng makita ang bakabusangot na mukha ni Gio. Ayaw niya sa suot ko. Ayaw niya daw makita ng ibang tao ang katawan ko. Tsk. Napakaarte.

"Ano ba yan, Gio! Doon ka na nga sa nga lalaki. Lagi kang nakabuntot kay Calli, e!" Sigaw ni Kyla.

"Ayaw niya daw sa suot ni Calli. Conservative daw kasi siya. Sus, mama nyo conservative!" Sigaw ni Rina mula sa malayo. Nagtawanan naman kami.

Walang nagawa si Gio kundi ang humalo sa mga lalaki naming kaibigan. Nag-enjoy naman ako kasama sina Rina at lumangoy kami hanggang sa magdilim.

"Gusto ko sa isla tumira kapag kasal na tayo." Bulong ni Gio. Nakaupo ako sa pagitan ng mga hita niya habang nakayakap siya mula sa likod at prenteng nakatuon ang baba sa balikat ko at pinagmamasdan ang madilim na dagat. Tumango ako. Ako rin naman, gusto ko rin 'yon.

Kanina pang nagpapahinga ang mga kasama namin dahil pagod na pagod daw sila. Kami naman ay lumabas muna para magpahangin.

"Tapos magpapatayo ako ng mansion."

Napangiti ako.

"Tapos?" I closed my eyes. Imagining our life together. Imagining how happy our family will be.

He kissed the side of my head. "Gusto ko na ako ang bibili ng mga pagkaing gusto mo kapag naglilihi ka. Tapos nandoon ako kapag pinapanganak mo ang panganay natin. Hawak ang kamay mo." He kissed the side of my head. "I-spoil-in ko sila, kayong lahat. Lahat ng gusto niyo ibibigay ko." His hug tighten. "Ako na siguro ang pinakamasayang lalaki kapag nangyari lahat ng 'yon."

Humarap ako sa kaniya. I cupped his face and kissed the tip of his nose.

"I love you, babe."

"I love you too, Calli. So much."

His dream is my dream too.

Nagtagal kami ng ilan pang minuto bago umakyat sa kwarto. Dahil lahat ng room dito sa beach house nina Suzy ay puno na, kaya sa iisang kwarto nalang kami ni Gio natutulog. Wala namang kaso sa amin ni Gio 'yon, minsan na rin kaming nagtabi sa pagtulog kapag nasa bakasyon kami.

Nagbihis ako ng night dress ko na agad ko namang pinagsisihan dahil sa ngisi ni Gio, nang-aasar.

"Sexy!"

"Tsk." Umirap ako.

"Mahal... kung balak mo akong akitin, 'di yan tatalab, hindi ako marupok." Sabi niya, kinukimbinsi ang sarili na hindi siya marupok.

Nagpahid ako ng lotion sa katawan ko.

"Alam ko, hindi talaga ako marupok." Bulong pa niya kaya napatawa ako. Hinarap ko siya.

"Sino bang nagsabi na marupok ka, Gio? Wala naman di ba?"

Sumimangot siya at tumalikod sa akin.

"Hindi talaga ako marupok." Bulong niya pa habang umiiling.

Nang hindi na siya nakatiis ang umupo siya at hinarap ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Babe, pwede ka namang mag pajama at t-shirt nalang, bakit naka gan'yan ka pa?" Bumuntong hininga siya, parang problemado.

"Akala ko ba hindi ka marupok, bakit ka nagrereklamo diyan?"

"Mahal naman,"

"Matulog ka na nga lang, Gio. Ang ingay mo." Inis na sabi ko sa kanya.

Hindi parin siya mapakali sa pagkakahiga niya. Maya't maya ay gumagalaw siya kaya gumagalaw din ang kama.

"Gio ano ba?"

"Bakit kasi gan'yan,"

"Ganito rin naman ang suot ko kagabi, di ka naman nagreklamo ah?"

"Pero tulog ka na noong dumating ako dito kagabi!"

"Anong pinagkaiba ng tulog ako at gising?!" Pumikit nalamang siya at humiga ulit.

Si Rina talaga ang naglagay ng mga lingerie sa bagahe ko. Sinubukan ko lang naman kagabi at kumportable naman kaya ito ulit ang sinuot ko ngayon.

Hindi naman siya nangreklamo kagabi, bakit ngayon ang reklamador niya? Epal lang talaga.

Ilang minuto ng pagkakahiga ay hindi ako dinalaw ng antok. Sa tabi ko naman ay alam kong hindi pa rin tulog. Tumayo siya bigla at kinuha ang unan.

"Oh, saan ka pupunta?"

Hindi siya sumagot at dumiretso na lamang sa sofa at doon humiga. Maliit ang sofa at matangkad naman si Gio kaya talagang mangangalay siya doon pagkagising.

"Gio. Dito ka na sa kama. Mangangalay ka d'yan." Ipinatong niya ang kanyang braso sa noo niya.

"Gio."

"Dito na ako. Matulog ka na, Calli." Dahil mukhang ayaw niya talagang tumabi sa akin ay kinuhanan ko na lamang siya ng kumot sa cabinet.

Ako na ang nagtaas ng kumot niya at dahil mababa ang sofa ay medyo napatukod ako sa kanya. Maluwag ang suot ko kaya malaya niyang nakikita ang dibdib ko. Nanlaki ang mata niya. Kaya mabilis akong umatras.

"M-Matutulog na ako." My face heated. Nagsisi kung bakit kailangan pang ako ang magkumot sa kanya.

Pero bago pa ako makalayo sa kanya ay nahuli niya na ang papulsuhan ko.

"Sinusubukan mo ba ako, mahal?" He asked using his husky voice.

"H-Huh?" Hinila niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa kandungan niya.

"Kanina pa akong nagpipigil sa'yo, mahal..." he whispered. I almost jump when he kissed my shoulder.

"G-Gio..." pagbabanta ko pero kahit ang boses ko ay nangatog na.

Kung kanina ay mainit ang mukha ko, ngayon naman ay parang sinisilaban ang buo kong katawan.

"What do you want, mahal? Hm?" Umakyat ang halik niya mula sa aking balikat hanggang sa aking leeg. Hindi ako sumagot, sa halip ay tinagilid ko ang aking ulo, giving him more access to kissed me there.

"You want this? Are you sure?" Wala sa wisyo akong tumango.

Paano mo ako natatanong ng gan'yan habang hinahalikan ako, Gio? Gusto kong sabihin sa kanya pero nagpakain na rin ako sa kakaibang pakiramdam ng paraan ng paghalik niya.

Tumayo siya habang hinahalikan parin ako doon. I felt the soft bed. Ihinihiga niya ako ng hindi pinuputol ang halik.

Nagpatianod na lamang ako sa kung ano mang gusto ng aming mga katawan.

That night was the most intimate night we ever had.

-

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon