Chapter 5

232 14 0
                                    

Chapter 5

Bandang alas singko ng hapon ako nang magising at mula sa kwarto ko ay dinig na dinig ko ang halakhakan nila sa labas.

Sumilip ako sa binta na at napailing na lang nang maabutang nagbabatukan si Papa at Gio.

Naligo muna ako bago bumaba.

"Oh, Ija. Halika dito at saluhan mo kami." Salubong sa 'kin ni Lola.

Nag-iihaw si Papa at Gio habang nakaupo naman si Mama at Lola sa mat, sa bermuda grass.

"Hi, babe!" Bati ni Gio pero agad na binatukan siya ni Papa. "Tito naman!"

"Baka masunog. Mag-focus ka!" Ngumuso lang si Gio at nagpatuloy sa pagluluto. Ako naman ay tumabi kay Mama.

"Hindi ka na namin ginising dahil mukhang pagod na pagod ka. Oh, kumain ka anak." Inabutan ako ni Mama ng barbecue.

"Mabuti at dumalaw kayo at nakauwi muna sa kanila si Pia."

"Masyado kaming busy ni Fred sa trabaho, Mama kaya hindi na kami makabisita dito. Heto namang si Calli ay may pasok sa school niya kaya hindi rin makadalaw." Paliwanag ni Mama. Tumango-tango si Lola.

"Mabuti at nag-aaral ng mabuti itong apo ko." Ginulo ni Lola ang buhok ko kaya napanguso ako. Tumawa si Mama.

"Maraming pangarap, Ma. Kaya ayan, nagsisipag."

"Huwag ka munang mag-aasawa apo ko. Sulitin mo muna ang pagiging dalaga mo o pwede ring hiwalayan mo muna ang nobyo mo."

"Lola, naririnig po kita!" Apila ni Gio. Tumawa naman si Lola.

"Biro lang, apo."

Napailing ako. Hindi nga pumasok sa isip ko ang bagay na 'yon. Kasama na sa pang-araw araw ko si Gio. Hindi ko yata kaya na walang Gio sa buhay ko.

Simple akong napangiti. I'm so in love with this guy, you know.

Masaya ang nangyari sa mga sumunod na araw namin na magkakasama. Pero hindi naman alam iyon na pala ay huli na makakasama namin si Lola. Dahil pagkaraan ng isang buwan ay tumawag na lang sa amin ang katiwala niyang si Pia na wala na daw si Lola, ang sabi ay intake raw sa puso si Lola.
Agad naman kaming pumunta para asikasuhin ang burol niya.

Masakit para sa amin ang nangyari. Malakas pa siya ng bisitahin namin. Walang kahit anong problema kaming napapansin sa kaniya.

Mama mourned for her mother heavily. Sa ilang araw ng burol ni Lola ay lagi lamang siyang umiiyak sa sulok.

Si Gio ay tumutulong din sa amin, dito na rin siya pansamantala natutulog sa gabi. Mabuti ay wala kaming pasok parehas.

"Ma, kain ka na." Umiling lamang siya. "Ma..." nagsimula na naman siyang umiyak kaya wala na akong nagawa, niyakap na lang siya.

Sa mga sumunod na buwan naman ay naging abala sila sa trabaho. Hindi na sila halos umuwi sa amin. Mama ang Papa look problematic. Kapag tinatanong ko naman kung ano ang problema ay laging wala at ayos lang ang sagot nila, kaya  I assume na kaya nila iyong solusyunan.

Si Gio naman ay busy sa paghahanap nila kay Aliza. May lead na daw sila kaya pinagtutuunan ng pansin.

"Mahal..." nasa mall kami ngayon. Balak naming manuod ng movie pero tinamad na ako dahil mahaba ang pila.

"Oh?" tanong ko.

"I love you. So much..." hinalikan niya ang pisngi ko. Sa gulat ko ay natampal ko ang braso niya.

"Gio!" Humagikhik siya.

"Eto naman ang arte! Parang kahapon lang ikaw ang unang humalik—" hinampas ko ulit siya. Muli na namang bumalik sa alaala ko ang paghalik ko sa kanya kahapon. It just a kiss, okay? Pero ang big deal sa kanya dahil ako daw ang nauna.

Parang sira.

"Ewan ko sa 'yo."

Nauna na akong lumabas sa boutique. Ang daming sinasabi.

"Ang arte naman, babe." Humagalpak siya ng tawa at umakbay sa 'kin.

"Mr. Arellano?" May babaeng humarang sa amin. "Oh, hi Gio!" Maligaya niyang bati kay Gio, bago bumaling sa akin. "And... Calli." She said slowly. In the other side, Gio stiffed for a moment.

Nginitian ko ang babae. "Hi,"

"A-Ah Calli, this is Mary Santiago. S-Siya yung head ng team para sa paghahanap kay A-Ali." Bahagyang nanginig ang boses niya.

Bumaling ang tingin ko sa babae na hindi pala inaalis ang tingin sa akin.

"It's nice to meet you." Ngumiti siya sa akin, pero may kung ano sa ngiti niya.

"It's nice to meet you, too, Calli Acasio."

"Uh... mauna na kami, Mary. M-May pupuntahan pa kami, e."  Mary nodded.

"Okay. Enjoy..." nilagpasan na namin siya. Mahigpit at medyo nanginginig ang paraan ng paghawak ni Gio sa palapulsuhan ko.

I don't know if it's just me but after that accidental meeting with Mary,  Gio start to act strange. He's extra clingy and sweet. Halos minu-minuto niyang sinasabi kung gaano niya ako kamahal. Gumagawa siya ng paraan para magkaroon ng oras para sa aming dalawa sa araw-araw. I know it's not bad but it always feels like  it was our last.

Naging madalas din ang pagpunta namin sa mga resort. Naging comfort zone na namin pareho ang dagat. Like, if we're sad, stress, or tired, we're going in different beaches.

"Oh! Calli, Ija! You're here!" Maligayang bati sa akin ni Tita Cassandra, Gio's mother, pagkapasok ko sa mansion nila. Kilala naman ako ng guard kaya madali akong makakapasok.

Arellano's mansion is in the shade of white with the touch of color gray. Agaw pansin ang kanilang engrandeng staircase at nakadisplay din ang portrait nilang buong pamilya, except the youngest.

"I didn't know you're coming, Calli. Hindi nasabi ni Gio." Iginaya niya ako sa living room.

"Actually, hindi rin po niya alam na dadalaw ako ngayon."

"Wait here, Callli. Tatawagan ko lang ang batang 'yon, ipaghahanda na rin kita ng miryenda." Umakyat na siya sa pangalawang palapag. Ako naman ay tumayo at pumunta sa mga picture frame nila. Walang kahit isang picture si Aliza, kahit noong bata pa siya. I'm now wondering what is she looks like. Does she looks like Tita? Ni Tito ba o ni Gio?

Mula gradeschool hanggang ngayon ay may picture si Gio. Dahil siguro wala na ang bunso sa kanya na itinuon ang buong atensiyon. I feel bad for, Ali.

"Mahal!" Napabaling ako sa kay Gio na patakbong bumababa sa hagdan. "Hindi ka nagsabi na pupunta ka pala ngayon!" Hinalikan niya ako sa noo.

"Alam ko kasing nandito ka kaya dumalaw na ako." He look tense. "May problema?" Agad siyang umiling.

"A-Alis din kasi ako ngayon, sumabay ka na sa akin!"

"Mamaya na, Gio. Hindi pa kami nagkakausap ni Tita."

"Wala naman kayong p-pag-uusapan ni Mama, Calli." Nanliit ang mata ko sa kanya. May mali talaga e. Parang may tinatakasan siyang kung ano.

Habang nagkukuwentuhan kami ni Tita ay nakamasid lang si Gio. Hindi rin siya mapakali, maya't maya ay nagyayaya na umalis na.

"Sorry po talaga, Ma. May pupuntahan po kami e." 

"Next time, then?"

"N-Next time."

Nagpaalam na ako kay Tita. Habang si Gio ay kating-kating makaalis na kami.

I'm not aware that it's one of the sign.

-

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon