Chapter 25

212 10 0
                                    

Chapter 25

"Pero syempre sa trabaho lang dapat magbreak di ba, Calli, Razam? Guys?" Si Rina naman ngayon.

Napansin ko ang mariing pagyukom ng mga kamay ni Gio. Agad naman akong nag-iwas ng tingin ng hawakan iyon ni Mariella. Does she know our past? Syempre.

"Yeah, sa work lang dapat magbreak. Saan pa ba dapat, Calli?" Bakit ba ako ang naiipit sa mga ito?!

"Uhm, sa relasyon, I think." Napuno ng tawa ni Gio ang lamesa namin.

"Relasyon, really? Then why?" Tahimik lang ang mga kaibigan ko. Si Mariella ay nakatungo at mukhang nagsisi sa itinanong niya sa akin, Razam still smirking.

"B-Bakit? Mag-stay ka pa ba sa isang relasyon kung alam mo ng mali na? I mean, simula pa lang, mali na?"

"You know nothing, Calli." Pabalang siyang tumayo ay dire-diretsong umalis.

"Sorry, Calli." Si Mariella. Umalis din siya at sinindan si Gio. "Gio!"

"What just happened?" Tulalang tanong ni Klara ganoon din si Judi habang nakatingin naman sa akin si James. Humalakhak si Razam.

"Guys! Huwag niyo ng alalahanin yon! Ano ba kayo? Baka stress lang ang lalaking iyon.  Pwede ring broken." Pabulong niyang sinabi ang huli. At mukhang ako lang ang nakarinig.

"Shut up." Sinamaan ko siya ng tingin. Narinig ko ang pagtawa ni Rina. Tumayo na rin ako. "Excuse me."

Pumunta ako pinuntahan ni Gio at Mariella. Gusto kong magpasalamat sa pagpunta nila. Or maybe I want something than that.

Bakit ganoon ang inakto niya? Galit pa rin siya sa akin? Sa pag-iwan ko sa kanya at sa pamilya niya? Hindi niya ako masisisi, ang daming nangyari.

"Gio, ano ba?!" Rinig kong sigaw ni Ms. Mariella.

"Bumalik ka na doon, Yela. Hihintayin na lang kita dito."

"Do you think mag-eenjoy ako doon knowing na masama ang loob mo dito? Come on, Gio." Natahik sila saglit. "Let's just go."

Sumilip ako mula sa likod ng malaking puno. Nakaupo si Gio sa nakabukas niyang kotse habang nakatayo naman si Mariella sa harap niya. Malayo ang tingin ni Gio. Habang pinaglalaruan sa kanyang kamay ang susi.

"That guy..." Guy? Razam?

"Don't mind him, okay. Umuwi na lang tayo, please, Gio. Ayoko ng gulo." 

"Right." Umikot siya bago binuhay ang makina ng sasakyan niya. Saka lamang ako lumabas sa pinagtataguan ko noong makaalis na sila.

Halata namang pikon si Gio kay Razam una pa lang, ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit? Nagkita na ba sila dati bago pa sila magkita sa kumpanya?

Pagbalik ko sa lamesa namin ay nagkakasiyahan na ulit sila. Wala na rin si Rina sa upuan niya. Agad kong sinamaan ng tingin si Razam ng magtama ang mata namin.

"Nasaan si Rina?"

"Pumasok na. May kausap." Tumawa siya. "Ang pikon ng lalaki mo, Calli, masyadong seloso. Nanginginig talaga ako kanina, akala ko susuntukin na ako. Lumayo ka talaga sa akin, Calli." My mouth parted. 

"Gago. Sana nasuntok ka na lang talaga ni Gio." Inirapan ko siya bago bumaling sa mga katrabaho ko.

Pagod na pagod ako. Kanina pang nakaalis ang mga kaibigan ko. Nagpakalasing ng husto si Razam pagkaalis nina Gio. That guy is probably broken again, I mean, he is always broken but it's different this time.

Pumasok ako sa kusina. Naaninag ko si Rina na nakaupo sa isang high chair habang may kausap.

"Ha? Oo, sa isang araw pa ako uuwi."

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko.

"Sige, love you too." Sagot niya sa kausap bago ibinababa ang cellphone. Nilingon niya ako.

"Landi."

"Ay, bitter ka, girl? Hanap ka na lang ng magsasabi sayo ng 'I love you'." Ismid niya sa akin.

"Sira."

"O baka naman may inaantay ka,"

"Rina!" Tumawa siya.

"Tanga, Calli. Wala ka ng pag-asa sa ex mo, ekis na yon sa listahan. Bawal 'yon."

Kinuha ko ang pitchel at nagsalin sa baso. Umupo ako sa tabi niya at naghalumbaba. Hindi ako lasing at hindi rin ako makatulog. Laging bumabalik sa isip ko ang galit niya kanina. May hindi pa ba ako nalalaman, Gio? May dapat pa ba akong malaman?

"That woman, Mariella. She looks familiar. I think I saw her before."

"Saan?" She shrugged.

"Ewan. Ewan, baka sa trabaho lang." she's acting weird.

Bumalik ako sa kwarto namin ni Calla. Tulog na tulog ang anak ko. My life back to normal the next day. May trabaho ulit ako.

Maaga pa lang ay nandoon na ako. Alas syete na noong dumating sina Klara. Mukha pa siyang antok na antok, pinilit lamang pumasok.

"Thank you sa painom kagabi, Calli." Bulong niya noong dumaan ako sa lamesa niya. Tumango lang ako sa ngumiti sa kanya.

Habang palabas ng opisina ni Ms. Mariella ay nakasalubong ko si Gio na papasok pa lang. This early, dumadalaw siya? Umiwas siya ng tingin at nilampasan ako.

"Wait," Tumigil siya pero hindi ako nilingon. Pinulot ko ang nalaglag niyang calling card. "Nahulog." His mouth almost open. Tumingin siya na sakin na para bang ako na ang pinakatangang tao sa lahat. "W-What?"

"Salamat ah," sarkastiko niyang sagot at padabog na kinuha sa kamay ko ang card. Anong problema niya? Ako na nga ang nagmalasakit dahil parang personal cellphone number niya iyon, paano kung napulot iyon ng iba, 'di ba? That jerk!

Antok na antok ako habang nakahalumbaba sa table ko. Today is boring. Wala halos akong ginawa. Walang pinag-uutos sa akin si Mariella. Buti at hindi naapektuhan ang aming trabaho. Alam ko na may alam siya tungkol sa amin ni Gio noon, sa mga tingin niya pa lang sa akin. What does she think about me? A bitch? Na pati ang kapatid ay ginawang boyfriend? Hindi ko rin naman alam iyon noon ah!

Ilang oras na ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas si Gio. Ano ba ang ginagawa nila at tumagal sila ng ganitong katagal?! Oh my God! Dapat ay wala akong pakialam sa kanila!

I slightly slap my face. This is bad.

Sumabay ulit ako kina Klara kumain ng lunch. Naging malapit na rin naman ako sa kanilang tatlo. I treat them as my friend.

"Alam niyo na ba ang balita?" Tanong ni Judi.

"Tungkol saan?" Patuloy lang ako sa pagkain, I don't care about that news.

"Kay Sir Gio at Ms. Mariella." Halos mabulunan ako sa kinakain ko. Agad naman akong inabutan ni James ng tubig.

"Okay ka lang, Calli?" Obviously not, duh!

"Okay lang," bumalik ako sa pagkain pero alerto ang tainga ko sa ano mang sasabihin ni Judi. What the fuck, Calli?

"Narinig ko lang din to," Pinunsan niya ang labi niya at lumapit pa lalo sa amin. "Sabi nila, hindi naman daw totoong magjowa ang dalawa!" Ngayon ay nasamid naman ako ng iniinom ko.

"Okay ka lang ba talaga, Calli?" Tumango ako at pinunasan ang labi ko pati na rin ang skirt kong nabasa. Shit, kasalanan niya ito e!

-

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon