Chapter 4

245 15 0
                                    

Chapter 4

"Good morning, Tita and Tito!" Energetic na bati ni Gio pagpasok na pagpasok niya sa dinning room namin.

"Good morning, baby." Humalik siya sa pisngi ko. 

"Morning."

Sabay sabay kaming kumain nang breakfast. Ngayon namin napagkasunduang ganapin ang aming family bonding with my Lola dahil pare-pareho naming free time.

"Kumusta ka na, Hijo?" Papa asked.

"Okay naman po, Tito."

"Balita ko, sinisimulan nyo na ulit ipahanap ang bunso niyo?"

"Ah, yes po. Pero wala pa po kaming lead. We're still... working for it."

"Thats good, Hijo. This time, sana huwag niyo nang sukuan hanggang sa makita niyo na ang bunso niyo."

Tipid lamang na ngumiti si Gio kay Papa. Napangiti rin ako.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para maligo.

I agree to Papa. Sana ngayon, hindi na sila tumigil sa paghahanap sa bunso nila. Mas mahihirapan silang hanapin ngayon si Ali pero naniniwala akong makikita nila ulit ang bunso nila.

Sabi ni Gio kasing edad ko lang si Ali. Limang taon siya noong nawala at hanggang ngayon hindi pa rin nakikita. Labing tatlong taon na, imposibleng makita nila ito agad. But I pray for them to finally found their princess.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakahilata na sa kama ko si Gio.

Tsk. Ang kapal talaga ng mukha.

"Mahal."

"Oh?"

"I love you. So much." 

My heart melt in his simple five words.

Umirap ako sa kanya para pagtakpan ang totoong nararamdaman. This guy, really.

Nangingiti siya habang nakamasid sa bawat kilos ko.

Tumayo siya at niyakap ako mula sa likod.

"You're like my oxygen. I can't live without you." He whispered.

Mais.

"Hmm, really?" Kinagat ko ang labi at pinigilan ang sariling humagalpak ng tawa.

"Yes. Para kang araw kasi pinaliliwanag mo ang mundo ko."

I nooded and leaned on him more.

"You're like a food... kasi natatakam ako sayo."

Agad akong humiwalay sa kanya.  Gago. Tinampal ko ang braso niya.

"Saan mo ba nakukuha yang mga sinasabi mo?"

Tumawa siya. Yumakap ulit sa akin at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"Wala. Nabasa ko lang." Napatawa ulit siya at tiningnan ako mula sa salamin. "Pero totoo yung sa pagkain ah. Natatakam talaga ako—"

Siniko ko siya. Siraulo talaga.

Pagkatapos ng paglalandi ni Gio sa 'kin ay bumaba na kami para sa pag-alis. Akala niya yata ay magpapalandi ako sa kan'ya, p'wes akala niya lang 'yon.

Nakasimangot siya habang nasa biyahe. Pinagtatawanan lamang siya ni Mama at Papa.

"Bakit ka ganyan sa 'kin, mahal?" bulong niya sa akin pero tumawa lang ako. Ipinulupot niya ang kanyang braso sa baywang ko at sumiksik sa leeg ko. Napailing nalang ko. My baby is so clingy.

Tumikhim si Mama at may bakas ng ngiti habang nakatingin naman ng masama si Papa kay Gio mula sa rear view mirror.

"Hindi porke't girlfriend mo si Calli ay lalandiin mo na siya sa harap namin, Gio." Striktong saway ni Papa.

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon