Chapter 12

199 13 1
                                    

Chapter 12

Natulala lang ako at hindi alam ang gagawin. Para akong nablangko sa lahat ng nalaman ko.

Ako? Bakit ako? Paanong ako?

Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga papel na nakakalat sa study table niya.

Kaya ba lagi siyang abala? Kaya ba wala na siyang nababanggit sa akin tungkol sa kapatid niya?

Napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang boses niya.

"Yes, Mary. Thank you. Just send me the other details about her. Yes—"

Nagtama ang paningin namin. Naiwan sa ere ang lahat na mga sasabihin niya.

"Calli..." Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita niya ng mga nagkalat na papel na ngayon ay hawak ko na.
"I'll call you again later, Mary. Thank you." Pinutol niya ang linya at lumapit sa akin.

Nakasunod lang ang tingin ko sa bawat kilos niya.

"A-Anong ginagawa mo dito, mahal? Hindi ka nagsabi sa akin na p-pupunta ka pala,"

Nakatitig lang ako sa kanya at hindi maiproseso ang lahat ng nalaman ko. Kung totoo ba.

"Sa kusina na tayo, C-Calli. Ipagluluto kita. L-Lets go, babe,"

Lumapit siya sa akin at hunawakan ang kamay ko pero parang may buhay ang mga ito dahil kusa ko itong iniwasan.

"M-Mahal,"

Bakit ganyan ang reaksiyon mo, Gio? Hindi naman totoo lang nang ito, 'di ba? Gusto kong marining mula sa 'yo.

"Ano 'to?" Sa wakas ang nahanap ko din ang boses ko. "Bakit may ganito dito, Gio?" Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil nagawa ko iyong itanong nang hindi nanginginig ang boses.

"A-Ah. W-Wala lang yan, mahal." Pilit siyang tumawa.

"G-Gio,"

"Wala lang talaga iyan, Calli. H-Halika na ipagluluto kita."

Muli niyang sinubukang hawakan ang kamay ko pero muli akong umiwas.

"M-Mahal naman," pumiyok ang boses niya.

Bakit ka ganyan, Gio? Hindi naman ito totoo, 'di ba?

Tumawa ako para pagtakpan ang bamumuong luha ko. Shit, what's happening?

"Bakit... bakit ako 'yong... 'yong nandito, Gio? Hm?"

Hinawi ko ang mga naglandas na luha sa aking pisngi. Bakit ba ako umiiyak, e hindi naman kasi totoo ito, e.

"Hindi naman ako yung nawawala mong k-kapatid, 'di ba? Hindi din  naman kasi ako a-ampon nina Mama at Papa, s-so, malabo mangyari yun, di ba, babe?"

Nanatili siyang nakatingin sa akin at patuloy na pumapatak ang mga luha.

Bakit hindi hindi ka nagsasalita, Gio? Itanggi mo naman, please.

"Bakit natahimik ka?" Lumapit ako sa kanya at ako na mismo ang nagpahid ng mga luha niya. "Bakit ka umiiyak, huh?"

Hinigit niya ako at sumiksik sa leeg ko. Doon ay umiyak siya nang umiyak.

"B-Bakit ka umiiyak, Gio! Sagutin mo naman ako! Hindi naman 'yon totoo, 'di ba?"

Pero wala akong nakuhang sagot.

"Gio, ano ba?! Hindi 'yon totoo, 'di ba?!" Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin.

"M-Mahal na mahal kita, ayaw kong tanggapin dahil mahal na mahal kita, Calli."

Doon ay gumuho ang mundo ko. What?

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon