June 29, 2017 | 02:13 PM

560 41 14
                                    

Teka nga, teka nga, teka nga! Tama ba 'tong nakikita ko? 'Yong anghel, nandito na naman?

Bilad na ako sa ilalim ng araw pero 'di pa rin ako bumababa mula sa motorsiklo ko. Katapat nito ang kotseng hot at nakatingin ako sa likod ng may-ari no'n. Nakatungo s'ya sa harap ng lapida at mukhang may ginagawa. Siguro nagtataka na rin s'ya kung bakit 'di pa ako bumababa kaya nagkukunwari na lang akong may kinakalikot dito sa motor ko.

Pero, nagtataka talaga ako. Bakit nandito s'ya sa tuwing nandito rin ako?

Tadhana na ba ituuu?

Huwaw, feelingero ng taon. Natawa na lang ako.

Pinagmasdan ko ulit ang nakatalikod na anghel. Bakit palagi kaming nagkikita rito? Tambay ba s'ya rito? Anong klaseng trip 'yon kung oo? Sa lahat ng pagtatambayan sementeryo pa talaga? At bakit ba ako basag trip? Kung 'yon ang trip n'ya, edi 'yon ang trip n'ya.

Bumaba na ako ng motor bago pa ako matusta ng araw at makipag-away sa sarili ko. Dahan-dahan akong lumapit sa puntod ni Popo. Dahan-dahan lang ang bawat hakbang para 'di makadistorbo ng anghel.

May pa-flowers ulit si ako, ang lakas maka-astig na fenk orchids na may kasama pang ibang fenk na mga bulaklak na 'di ko na alam ang pangalan.

Lumapit muna ako sa puno para kunin 'yong tarpaulin na iniwan ko no'ng isang araw. Pero habang naglalakad ako papunta ro'n, wala sa tarp ang mga mata ko, nasa anghel. Nagtaka ako kung bakit 'di man lang n'ya ramdam ang presensya ko, nagbabasa pala s'ya ng libro habang may nakasaksak na earphones sa magkabilang tenga.

Lumipat ako sa may kanan n'ya at doon na nilapag ang tarp bago inupuan 'yon. 'Yong inuupuan n'ya may mga damo. Sa pwesto ko, dahil kakalibing lang ni Popo, lupa lang talaga. Buti na lang may tarp ako.

Pasimple kong sinulyapan ang babae. Akala ko baliwala na naman ang kapogian ko pero nagulat ako nang lumingon din s'ya sa 'kin. Bago pa ako makangiti sa kanya, nag-iwas na s'ya ng tingin na para bang walang nakitang pogi sa tabi n'ya at bumalik na sa libro ang mga mata.

Awts.

Pinagmasdan ko na lang ang paligid. Sa sobrang tahimik rito, rinig na rinig ko ang boses ni pareng Ed Sheeran na lumalabas mula sa suot n'yang earphones. Na-curious ako sa binabasa n'ya kaysa sinilip ko ang libro pero mabilis ko ring nilayo ang tingin ko. Delikado kasi sa ilong. Nanununtok na English.

Mula sa mga mga mausuleyo sa 'di kalayuan, s'ya na lang ulit ang sinulyapan ko, tutal 'di naman nanununtok ang kagandahan n'ya. Sarap sa mata. 'Di nakakasawang titigan. Kahit side profile lang n'ya, solb na 'ko. Pa'no pa kaya kung nakaharap na 'yong mukha n'ya?

Tulad ngayon. Tapos nakatitig pa sa 'kin ang mga kulay brown n'yang mga mata. Tapos 'yong kilay n'yang on fleek, na kahit pa nakataas 'yong isa, 'di mo pagsasawaang titigan . . . 

"Hey."

Napakurap ako. Pucha, kanina pa pala n'ya ako nahuling nakatitig! Do'n ko lang napansin na tinanggal na pala n'ya ang earphones n'ya. Kanina pa ba n'ya ako kinakausap? Grabe naman kasi 'yong ganda n'ya, nakakawala ng wisyo.

Pinag-aralan n'ya ang malamang, nalilito kong mukha. "I was asking if you need something?"

Napakamot ako ng batok. Patay kang pogi ka, spokening in dalars! "Ah, ano . . . you— " Gumala ang mga mata ko sa paligid hanggang sa nakita ko ang nakasinding kandila sa ibabaw ng lapida ng dinadalaw n'ya. "Do you have a lighter?"

Pucha, English 'yon! Payb words!

Hindi s'ya sumagot pero kinuha n'ya 'yong bag n'ya na nasa kabila n'yang banda at kinuha ang light blue na lighter doon. Kumpirmado, paborito n'ya ang kulay na 'yon. "Here," sabi n'ya pagka-abot sa 'kin ng lighter.

Dos and Don'tsWhere stories live. Discover now