July 18, 2017 | 02:05 PM

359 38 1
                                    

"So, what's your plan?"

Napangiti ako. 'Di pa s'ya nakakarating sa pwesto n'ya, 'yon na agad ang salubong n'ya sa akin.

"Good afternoon to you too, Brielle!" masigla kong biro na nakadipa pa habang nakasandal sa sandaang taong puno.

Tinitigan n'ya lang ako na para akong isang joke na tinubuan ng tao.

Natawa ako. "Bakit? 'Di ka pa ba nag-go-good afternoon?" patuloy ko sa pang-aasar.

Bumuntong-hininga s'ya saka naupo na sa harap ng lapida ni Young Master at nagsindi ng kandilang kinuha n'ya mula sa kanyang bag. "So, ano na nga?"

"Excited?"

Umikot ang mga mata n'ya, nauubos na ang pasensya sa kakulitan ko. "Ano nga kasi?"

Umayos ako ng upo bago kinuha ang telepono ko sa bulsa ng pantalon ko. "Kagabi, nag-research ako kung paano mag-move on."

"Okay?"

"Ang daming suggestions ni Mareng Google. 'Yong iba paulit-ulit na nga kaya br-in-eak down ko na. Angas, para akong rapper. Break it down, yo!"

Pero waley 'yon sa kanya. Salubong pa rin ang mga kilay ni hindi nga napansin ang joke ko. "And?"

"And nakagawa ako ng sarili kong listahan base sa do'n. Pero!"

Tumaas ang mga kilay n'ya.

"May napansin akong common denominator nilang lahat." Tinitigan n'ya lang ako. "Tanungin mo 'ko kung ano."

Umikot ang mga mata n'ya pero sumunod din naman kahit napipilitan lang. "Ano?"

Nangiti ako. "Dapat daw 'di minamadali ang pag-mo-move on. Gagawin mo lang 'yon kung gusto mo talaga. Mag-mo-move on ka 'di dahil sinabi ng iba." Umubo ako, sadya, tinutukoy ang sarili ko. "Kundi dahil sa sarili mong kagustuhan. Ang tanong . . . gusto mo na ba?"

Bumuntong-hininga s'ya, nakatungo sa litrato ni Young Master. "Pinag-isipan ko kagabi 'yong tanong mo sa 'kin kahapon kung gusto ko na bang mag-move on."

"And?" panggagaya ko sa kanya para tumawa s'ya pero nakatungo lang s'ya sa litrato, malungkot.

"I've been stuck here for two years. Maraming nagsasabi sa 'kin na tigilan ko na raw 'to. Na ako lang daw nasasaktan sa ginagawa ko. Na palayain ko na raw si Vince."

Nakita kong ikinuyom ni Brielle ang mga kamao n'ya habang nakatingin pa rin sa nakangiting picture ni Young Master.

"Kung alam lang nilang umpisa pa lang gustong-gusto ko nang makalimot. Sino bang ayaw, 'di ba?"

Tahimik lang ako.

"I freaking tried. And obviously, I failed miserably. Kung nagtagumpay ako, 'di mo sana ako makikita dito ngayon."

'Di ko alam kung ano ang magiging reax ko. Like? Puso? Haha? Angry? O Wow? Nagtanong na lang ako. "Pero, bakit?"

Nilingon n'ya ako. "Anong bakit?"

"Bakit 'di mo nagawang mag-move on?"

Tumingala s'ya at naglabas ng malalim na buntong-hininga. Ramdam na ramdam ko ang hugot n'on, Chong. Gusto ko s'yang aluin pero . . . napatingin ako kay Young Master.

'Wag na lang pala.

"The first time I tried," simula nya kaya bumalik ang mga mata ko sa kanya. "It failed. Maybe because the wound was still fresh. Sa sobrang sakit, gusto ko nang malayo sa pain kahit bago pa lang 'yong sugat. But the wound was still bleeding and it continued to bleed. Habang lumilipas ang araw, imbis na gumaling, mas lalo pang lumaki ang sugat."

Dos and Don'tsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora