July 24, 2017 | 06:28 AM

220 24 3
                                    

"Gooooood morniiiiing!" masaya kong bati nang pagbuksan ako ng pinto ni Brie kinabukasan.

Maaga akong kumatok sa kwarto nila dahil maaga din kaming uuwi. May pasok pa sila sa ice cream parlor habang ako naman, hinahanap na ng mga tauhan ko sa talyer.

Ang pogi ko talaga, maraming nakaka-miss!

Pero mabilis nabura ang ngiti ko sa labi nang makitang 'di ganoon kaganda ang morning ni Brie dahil naka-poker face lang  siyang nakatingin sa akin.

Si Jade naman, ayon, naghihimas ng sintido habang nakabusangot na nakaupo sa dulo ng lumang kama.

Umandar ang pagiging alaskador ko. "Musta hangover sa umaga, Jade?"

Natawa lang ako nang taasan niya ako ng middle finger.

"Ba't ganyan ang mga mukha n'yo? Monday morning na Monday morning parang ubos na ubos na agad ang energy n'yo, a? Tingnan niyo t-shirt ko dali!" utos ko sa kanila na sinunod naman nila.

Ang nakasulat kasi sa poging-pogi kong shirt, NGITI PARA MAS PUMOGI. TAWA PARA MAS LALONG GUMANDA.

Imbis na tumawa ang mga magaganda, nagsipag-ikot tuloy ang mga mata nila.

"Pwedeng pumasok?" tanong ko sa kanila na pinagbigyan naman nila agad.

Dumeretso ako sa sofa sa tapat ng kama nila. Nasa kabilang dulo nakaupo ang nakabusangot na si Brie.

"Ano ba 'yan! Ba't parang iniwan kayo ng mga boypren ninyo? Pwedeng ngumiti baka 'di niyo alam."

Itinuro ni Jade si Brie. "'Yan, iniwan talaga 'yan ng jowa."

Sinamaan lang siya ng tingin ni Brie bago ako binalingan. "Nagkaroon kasi ng problema sa store kagabi at ngayon lang sinabi sa amin ng manager."

"Sus! Maliit na problema lang naman 'yon. Tsaka uuwi naman na tayo, o!" ani Jade bago tumayo para lumabas na ng kwarto pero imbis na mabuhayan ng loob, nakita kong mas bumagsak pa ang aura ni Brie pagkasabing uuwi na sila. "Let's go, Elle."

Walang ganang sumunod sa kanya si Brie.

Ako naman, mula sa likod ni Brie, hinawakan ko siya sa mga balikat. "'Ge, Brie, kaya mo 'yan. Hakbang lang nang hakbang! Makakarating din tayo sa kusina."

Natatawa niya akong sinuway pero hinayaan niya lang ako sa kalokohan ko.

07:18 AM


"Pa'no, 'Ta, alis na po kami," paalam ko kay Tita Veron na nangingilid na ang mga luha.

"Aba'y bumalik kayo dito, ha?" bilin niya bago kami gawaran ng mahihigpit na yakap. "Isama mo na si Mama mo, Dos at si Nanay. Na-mi-miss na kamo namin sila."

Lumapit ako sa iba kong mga tita at tito bago isa-isa akong nagmano sa kanila. "Opo, 'Ta, next time."

"Hala sige na, para maaga kayong makarating ng Maynila," sabi naman ni Tito Ben.

"Dos, ingat sa pag-da-drive!" bilin naman ni Tito Ric.

"Doooos! Ma-mi-miss kitaaaaa!"

Imbis na maawa, natawa ako kay Garrix na nakakapit sa braso ng nanay niya.

"Sige na nga, ma-mi-miss din kitang hayop ka!" biro ko sa kanya na ikinangisi niya.

Isa pang babye at naglakad na kami papunta sa kotse at motor ko.

"Dos, what's the seventh step?" biglang tanong ni Brie, ang baba ng aura niya ngayon.

Nilabas ko na lang ang phone ko at binasa ang nasa listahan. "Pumunta sa lugar na walang nakakakilala sa 'yo. Gawin ang kung ano mang gusto. Ang importante ay maisip mong nakarating ka sa lugar na 'yon na wala siya at na nakayanan mo."

Dos and Don'tsWhere stories live. Discover now