July 22, 2017 | 07:15 AM

246 29 16
                                    

Maririnig ang napakaingay na kutsaritang bumabangga sa loob ng cup ng tinitimpla kong kape sa buong kusina namin pero wala doon ang isip ko. Nakay Brie at sa plano kong gagawin namin sana . . .

Sa ilang araw na araw-araw kaming magkasama ni Brielle, gusto ko na s'yang parating nakikita.

Waw, nakasama lang nang matagal-taga kahapon, nasanay na agad?

Kaya naman, may naisip akong paraan para mas makasama s'ya nang mas matagal. At the same time, matutulungan ko rin s'ya sa iniisip n'ya tungkol sa panaginip n'ya kay Young Master.

Plus pogi points din 'yown!

Pero lintek din 'tong puso ko, e. Ang tindi ng kaba! Tatawagan lang naman si Brie.

"'Nak, nahihilo na 'yang kutsarita sa kahahalo mo. Kanina pa 'yan," saway sa akin ni Dorina.

Do'n ko lang napansin na nakatingin na pala silang lahat sa akin, mula kay Wawa, kay Dani at sa inaantok pang si Duke.

"Dorinaaa," daing ko sa mama ko na parang batang gustong magpatimpla ng gatas. "Tatawagan ko ba s'ya?"

"Sino?"

Tinitigan ko lang ang naguguluhang mukha ng mama ko na parang nandoon ang sagot.

Ano bang dapat gawin? Tatawagan o tatawagan?

Buntong hininga.

Sige na, tatawagan na!

"Salamat sa pagsagot, Ma." Hinalikan ko s'ya sa pisngi. "Dabest mudra in the world ka talaga!" saka lumabas ng kusina bitbit ang mainit na kape.

Bago pa ako tuluyang makalabas, humabol pa ng hirit ang mama ko. "'Nak, nag-dra-drugs ka ba? Itigil mo 'yan! My gahd! I hate drugs!"

Nagtawanan sila.

Alam na kung saan nagmana sa kabaliwan ang poging si ako.

Sa veranda ko piniling tumambay. Dito kami madalas mag-agahan ni Popo dati. Sarap kasing tumambay dito, makikita mo ang paggising ng kalye namin. Kanya-kanyang ganap sa umaga. Habang pinag-tsi-tsismisan namin sila ni Popo nang 'di nila nalalaman.

Hashtag share ko lang.

Tumunog ang lumang kawayang sofa nang maupo ako doon bago ko ilapag ang kape sa kawayang mesa.

Kinuha ko sa bulsa ng shorts ko ang telepono ko. Kumakbog ang dibdib.

Hinanap ko ang pangalan ni Brielle at bumugad sa akin ang selfie naming dalawa kahapon sa lighthouse. na ginawa kong caller I.D n'ya.

"Ganda mo sa umaga, Brie!"

This is it! S-in-wipe ko pakanan ang call button.

Unang ring pa lang, tumatambol na puso ko sa kaba.

Matapos ang ilang ring, sumagot ang malambot at medyo garalgal na boses ni Brie.

"Hello? Dos?"

Automatic akong napangiti. Shet na malagket ang sexy ng boses!

"Pogi? Ako nga!"

'Di ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pagbuga ng hangin na narinig ko sa kabilang linya. "Ang aga-aga! What's up?"

Bigla akong naalarma nang ma-realize kong baka nadistorbo ko pala s'ya. "Lah! Nagising ba kita? Mamaya na lang ba ako ulit tatawag?"

"No, no, no. Gising naman na ako. Ba't ka napatawag?"

"A, ano kasi . . . " Bumalik ang kaba ko tahimik lang si Brie sa kabilang linya, naghihintay ng sasabihin ko. "Kasi 'yong next step sa listahan, sabi'y balikan daw ang nakaraan pero bawal tambayan, may naisip akong gagawin natin ngayon kasabay do'n sa sinabi ko kahapon na aalis tayo."

Dos and Don'tsWhere stories live. Discover now