July 28, 2017 | 01:44 PM

172 24 4
                                    


"Boss! Ampogi natin ngayon, ah?"

Imbis na magtuloy-tuloy sa paglabas ng gate, napahinto ako sa hirit ni Dondon.

"Oo nga, boss! Pormadong-pormado. Sa'n binyag?"

"Gago, hindi sa binyag pupunta 'yang si Dos. Sa porma niyang 'yan?"

Napatingin ako sa porma ko. Grey na Vans, maong na pantalon, at itim na short sleeve polo, at itim na baseball cap.

Pwera usog, ang pogi mo nga—

"Magbebenta 'yan ng kabaong!"

Tawanan.

"Mga walangya!" bulalas ko sa mga kasama ko sa talyer. "Kayo ipapasok ko sa kabaong 'pag natodas ko kayo isa-isa!"

Ayon... tinawanan pa rin nila ako.

"'Nak!"

Napatingin ako kay mama na lumabas mula sa maliit niyang tindahan.

"Pogi ng anak ko!" ngiti niya sa akin.

"Naman, Ma!"

Tinapik niya ang pisngi ko, ngiting-ngiti. "Ilang encyclopedia na ang nabenta mo?"

"Dorina!"

Nagtawanan na naman ang mga loko kong kasamahan. May halo pang kantyaw.

"Wala kayong sweldo lahat!" sigaw ko sa kanila.

Nagtatawanan pa rin sila pero tinantanan na ako at bumalik na sa trabaho.

Grabe, sirang-sira na confidence ko!

"Pakibigay kay Popo mo, 'nak."

Doon ko lang napansin na may bitbit pala si mama na basket ng bulaklak. Maganda 'yon. Sosyal ang pagkaka-arrange at pati na rin mismo ang mga bulaklak.

"Uy! May pa-flowers si Dorina." Tinanggap ko ang mga bulaklak. "Sa'n 'to galing, Ma? Ganda, ah?"

"Ay, nako. Binili ko kanina."

Tiningnan ko siya nang nagtataka. "Umalis ka ba kanina? Parang 'di naman."

"Oo kaya!" tumawa siya. "Umalis ka na, anong oras na! Hinihintay ka na ng chick mo sa sementeryo!"

"Lah! Bibig ni Dorina 'di gaanong bulgaran. Aalis na nga po ako." Nagmano ako sa humahagikgik kong nanay.

"Damihan mo ang benta, 'nak."

"Jusko, Dorina!"

At nagtawanan na naman.


02:14 PM


"Ba't ganyan ang mukha mo?"

Mula sa mga damo, napatingala ako kay Brie. Ang ganda niya. Nakasuot ng simpleng puting bistida tapos nakalugay ang mahaba at itim na buhok. May makapal na libro sa ibabaw ng hita niya.

Napangiti ako. Akala ko 'di ko siya makikita ngayon.

"Ha?"

Natawa siya. "Distracted ka na naman."

Naupo ako sa tabi niya at nilagay ang bulaklak na pinadala ni mama sa ibabaw ng lapida ni Popo. Tinabi ko muna 'yong luma.

Nagpapakiramdaman kami ni Brie sa isa't-isa.

Pucha ka, Dos. Dahil sa katangahan mo, naging ganito tuloy kayo.

"N-nice flowers."

Napatingin ako kay Brie.

Dos and Don'tsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon