Last Chapter

468 48 35
                                    


Tahimik kaming naglakad sa napakapamilyar na madamong lupa, sa lugar na sinong mag-aakalang magiging espesyal pala para sa amin? Lalo sa akin.

Umupo kami sa madalas naming pwesto. Siya sa bandang kaliwa ko.

Pareho kaming nakatingin sa mga marmol na nasa harapan namin. Sa mga marmol na palatandaan ng mga mahal naming umalis na. Sa mga mahal naming dahilan kung bakit kami nagkatagpo...

Umihip ang malakas na hangin kaya napabitaw sa pagkakakapit ang ilang dahon sa malaking puno na ngbibigay ng lilim sa aming dalawa.

Nilingon ko siya, ang magandang babaeng parang anghel na parati kong nakakasama sa lugar na 'to. "Ano nang plano mo?"

Ngumiti siya. Iba na 'yong ngiti niya ngayon. Maaliwalas na. Payapa. At totoong ngiti na talaga.

"I think..." Pinagmasdan ko siya. "Magandang araw 'to para magsimula ulit," tahimik niyang sabi, nasa malayo ang mga mata at 'di na pangungulila ang nakikita ko doon. Pangarap na. Future. 'Di na past. "Birthday ko. But I want to be born again. Para magsimula ulit sa umpisa. Tumayo ulit at matutong maglakad ulit."

Hindi ko mapigilang ngumiti. "Pwede ba akong sumabay sa paglakad?"

Tiningnan niya ako at sobrang ganda ng ngiti niyang binigay sa akin. "Akin na muna 'yong regalo mo."

Natawa ako. Tinapik-tapik ko ang dibdib ko. "Dudukutin ko na ba puso ko para mabigay sa 'yo?"

'Di pa man ako nakakatapos sa pagsasalita, kumunot na ang ilong ni Brielle.

Tumawa na naman ako. Ang saya-saya ko lang sa araw na 'to. "Korni ba?"

"Corny, creepy and cringy."

Dalawang kamay ang ipinatong ko sa puso ko at nagpaka-best actor, kunwari sumasakit ang puso. "Awts! A-aray! Aray!" binalingan ko ang lapida ni Popo. "Po, inaaway ako ni Brie!"

Tumirik ang mga mata niya. "'Yong gift!"

"Excited!"

"Bakit ba? Regalo 'yan, 'no."

Tumawa ako at kinuha ang kahong kulay light blue na nasa gilid ko at inabot sa kanya. Automatic 'yong ngiti niya. "Tuwang-tuwa."

"'Di masyado," biro niya tapos hinila ang dark blue na ribbon. Bumungad sa kanya sa ibabaw ang isang puting t-shirt na nakatupi. Kinuha niya 'yon at inangat sa harap niya para makita ang naka-print. Sa gitna ng shirt may isang emoji na naka-peace sign. Nakapaloob iyon sa mas malaking pulang puso.

Nilingon niya ako tapos bumaba ang mukha niya sa suot kong itim na shirt na may naka-print na ice cream naman sa gitna ng pulang puso.

"Ano 'to?"

"T-shirt!" walang kagatul-gatol kong sabi.

"Oh... akala ko kakornihan tawag dito."

Lumabi ako na parang batang inaaway. Humagikgik siya pero nilagay din ang "kakornihan" sa hita niya para tingnan pa ang laman ng kahon.

Nilabas niya ang natitirang laman at kitang kita ko ang mangha sa mga mata niya. "It's so nice," namamangha niyang sabi.

Hawak niya ang isang malaking garapon na may malaking gold ribbon na nakapalibot sa lid. Sa loob n'on, may black and white na selfie naming dalawa. Kuha 'yon n'ong nasa lighthouse kami. Nasa viewdeck. Naka-kunot ang ilong ni Brie, ilang sa camera habang ngiting-ngiti naman ako tapos kita 'yong dagat at papalubog na araw.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang masayang picture.

Pinindot ko ang maliit na switch na nasa takip ng garapon. 'Di man gaanong halata dahil tirik ang araw, umilaw ang mga nilagay kong battery-operated fairy lights sa loob.

Dos and Don'tsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon