July 25, 2017 | 05:04 AM

189 23 3
                                    

Hindi pa tuluyang sumisikat si haring araw, gising na ako. Pero 'di talaga ako nakatulog. Panay pikit at titig sa kisame lang ang ginawa ko magdamag.

Namamahay 'ata ako.

Si Brie naman . . .

Sinilip ko siya sa kabilang bunk bed. Madilim sa cottage pero may kaunting liwanag ang nakakapasok kaya medyo naaaninag ko siya. Nakatalikod siya sa akin, nakabalot ng kumot hanggang balikat.

Gising na kaya siya? Nakatulog ba siya?

Buntong-hininga.

Bumangon na ako at nagpunta ng banyo bitbit ang backpack ko.

Nakapag-toothbrush, hilamos at bihis na ako, pero ganoon pa rin ang posisyon ni Brie pagkalabas ko ng banyo. Hinayaan ko na, baka she needs this at tahimik na lang akong lumabas ng cottage.

Naka-jacket ako pero nanuot pa rin 'yong lamig ng paligid.

Inhale . . .

Sobrang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin sa umaga dito sa itaas ng bundok! Nakakarelax. Para akong nag-Vicks inhaler sa sobrang relaxing ng hangin sa ilong at baga.

Exhale!

Tumambay muna ako sa bangko sa tabi lang ng pintuan at nagmasid. Hinayaang lumipas ang mga minuto habang steady lang ako sa kinauupuan ko.

Kitang-kita pa rin ang papawala nang fogs na bumabalot sa paligid. Marami na ring gising na mga guests at kanya-kanya sila sa pagsimula ng kani-kanilang umaga. May napapatulala dahil antok pa, may nag-iinat, at meron namang mga magagandang babaeng dumaan sa harap ko sabay ngiti sa akin. Siyempre, nginitian ko rin sila. Baka sabihing snob ako.

"Agang landi, a?"

"Brie!" 'Di ko man lang napansin na nakatayo na pala siya sa may pintuan, yakap ang sarili dahil sa lamig. "Sa'n ka pupunta?" tanong ko nang tumalikod siya at nagsimulang pumanhik ng hagdan.

"Magkakape lang."

"Teka! Sama ako!"

Deretso kami sa dining area ng main hall nila dito para makapag-agahan. Nag-order ng French toast si Brie na may kasamang bacon at sunny side up tapos mainit na kape ang kapares.

Ako naman, tapsilog at kape, ayos na sa akin.

Maganda ang dining area nila dito. Malawak. May mga mahahabang mesa at meron namang para sa pang-apat na katao. Doon kami naupo ni Brie.

Open ang buong kainan. Kahit walang aircon, malamig pa rin dahil sa tumatagos na malamig ng hangin sa bundok.

Ang pinakamagandang feature ng kainan, walang iba kundi ang maganda at berdeng tanawin na kitang-kita namin kung saan kami naka-upo ni Brie. Mas nakakagana ang bawat pagsubo dahil sa nakikita naming view.

Idagdag mo pa d'yan ang napakaganda kong kasama sa tapat ko kahit bagong gising at walang make up. Tapos nagiging pink pa ang ilong sa lamig.

Ayon nga lang, nakakatakot ang nakataas niyang kilay.

"What?" mataray niyang tanong habang ngumunguya ng french toast.

Lumapad ang ngiti ko. "Good morning, Brie!"
Umikot ang mga mata niya tapos inangat niya ang cup niya ng kape malapit sa kanyang bibig. "Ang aga-aga ang taas na ng energy mo."

"Gan'on talaga kaming mga pogi. Umaga pa lang, masisigla na."

Inirapan niya ako tapos napatingin na lamang siya sa tanawin.

Natawa ako bago sumubo ng kanin. "Anong gusto mong gawin ngayon? 'Di ko pa pala na-che-check 'yong pang-walong step."

Doon na niya ako tiningnan ulit. "'Wag muna, Dos. Gusto ko lang lumipas ang araw na 'to na wala tayong ibang iniisip kundi ito lang," lahad niya ng mga kamay sa paligid. "Kung nasaan tayo at 'yong ngayon. 'Wag na muna nating isipin ang iba. Magpaka-selfish muna tayo kahit ngayon lang."

Dos and Don'tsWhere stories live. Discover now