July 17, 2017 | 02:07 PM

335 36 7
                                    


"Goooood afternoooon, Briiiiieeeelle!" ang masigla kong bati nang maglakad ako papalapit sa puntod ni Popo.

Nakaupo na sa harap ng lapida ni Young Master ang magandang anghel na tumitirik ang mga mata na Brielle ang pangalan.

"Ugh! Too much energy."

Natawa ako. "Upo ako, ha?"

Umusod s'ya palayo, mga ilang inches lang naman para pagbigyan ako.

Nagsindi ako ng bitbit kong kandila para kay Popo. "Nagpunta ka dito kahapon at n'ong Sabado, Brielle?" Nilingon ko s'ya, hawak n'ya ang phone n'ya.

"Yeah. I did. Why? Ikaw ba?"

Nag-indian sit ako. "Hindi, Brielle, eh. Busy sa career, Brielle," sagot ko.

Tumango s'ya. Hindi man lang natawa sa kakornihan ko. "Can I ask you something?"

'Di ko maiwasang mapangiti. "'Ge lang, Brielle! Kahit ano, Brielle."

"Teka nga, ba't ba banggit ka nang banggit ng pangalan ko?"

"Wala lang naman, Brielle. Masama ba, Brielle?"

Umikot paitaas ang mga mata n'ya. "Tigilan mo na nga 'yan."

"Ayoko, Brielle."

"Dos!"

Ang lapad ng ngiti ko. "Brielle!"

Umurong s'ya palayo at tumungo na lang sa ginagawa n'ya kanina sa phone. "Don't ever talk to me again."

Tumawa na ako. "Joke lang! 'Yon na ba tanong mo?"

"Nevermind."

"Hala s'ya. Bilis magtampo."

Tiningnan n'ya ako ulit, nakataas na ang kilay. "Ang kulit mo kasi."

"Sorry na. Natutuwa lang akong nalaman ko na ang pangalan mo," amin ko. "Ikaw ba 'di ka natutuwa na malaman ang pogi kong name?"

Irap lang ang sagot n'ya sa akin.

Natawa na naman ako. "Ano na 'yong tanong mo?"

"What's with your shirt?" deretso na n'yang tanong. Siguro para matapos na ang kakulitan ko.

Tiningnan ko ang itim kong t-shirt. May nakasulat doon na, Tangina pero kayang-kaya! "A. Astig, 'di ba?""

"Ano ngang meron d'yan? Lahat ba ng mga t-shirts mo may ganyan?"

"Anong ganyan?"

"Ba't feeling ko may deep meaning 'yan? 'Di mo lang trip 'yan."

"Ha?" Mga tatlong segundo akong 'di nagsalita bago napangiti. "Alam mo, may naalala ako."

Tumaas na naman ang isa n'yang kilay. Pero nanatili s'yang tahimik, halatang interesado sa ikukwento ko. Sobrang amo ng mukha n'yang nakatitig sa akin.

Tumikhim ako at sa harap na tumingin. "Taga-probinsiya talaga kasi kami. Nasa iisang compound lang kami lahat. Lahat ng mga kapatid ng mama ko, and'on. Kaya close ako sa mga pinsan ko. Kahit anong kalokohan pinaggagawa namin. Sobrang saya namin d'on. Pero ito matindi, alam mo bang sikat ako sa probinsya namin?"

'Yong pagdududa na nakita ko sa nanliliit n'yang mata, walang kapantay.

"Hindi ako naniniwala."

"Nakow! Sinasabi ko sa 'yo, Brielle, sikat ako d'on. Bukambibig ako ng mga taga sa 'min!"

"Talaga lang, ha?"

Dos and Don'tsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon