July 20, 2017 | 02:39 PM

266 33 10
                                    


Anoman ang nararamdaman, ibahagi sa kaibigan.

Ito ang sabi ng pangatlong step kaya ito ang ginawa namin ni Brielle ng araw na 'to.

Nauto—este, napakiusapan ko ang kababata kong si Jak na samahan ako sa trip kong 'to.

"Dos, 'pag ito kalokohan na naman, sinasabi ko sa 'yo . . ."

"Ano?" mapagbiro kong panghahamon sa kanya. "'Di nga 'to kalokohan. Saka para 'to sa pag-mo-move on ko, Brad. 'Di ka ba naaawa sa pinakapogi mong kaibigan?"

Pinanliitan n'ya ako ng mga mata bago napailing saka nauna nang pumasok sa suki kong ice cream parlor kahit first time ko pa lang na makapunta rito. Bakit ba? Magiging suki din naman ako ng tindahang 'to. Dahil simple lang, si Brielle ang nagmamay-ari nito. Tapos ang usapan. 'Matic na 'kong magpapabalik-balik dito agad!

Nakwento n'ya kasi sa 'kin kahapon na may ganitong business pala sila ng bespren n'ya. Kaya naisip kong magandang venue 'to para magawa ang pangatlong step.

Pagkapasok, para akong adik na high na high dahil abot langit ang ngiti ko. Sinalubong kami agad ng mababangong amoy ng ice creams. May pila sa counter kaya nagkandahaba ang leeg ko para mahanap ang isang anghel. At nakita ko rin naman s'ya agad sa likod ng kahera. Kinawayan ko s'ya at mas lalo pang napangiti nang kumaway s'ya pabalik, may kasama pang ngiti.

"Bakit?" tanong ko kay Jak na iba ang tingin sa 'kin, para bang ikinakahiya n'ya akong kasama.

"Para kang adik." Nauna na s'yang pumwesto sa isa sa mga maliliit na mesang nasa tabi ng glass wall kaya naupo na rin ako sa tapat n'ya.

"Hey," bati sa amin ni Brielle nang lapitan n'ya kami.

Ilang segundo akong nakatingala sa kanya na parang gago. Iba kasi ang aura n'ya rito kaysa sa sementeryo. Masaya ang ngiti at mas lalo pa s'yang gumanda.

"Aray ko!" Nanlaki ang mata ko kay Jak nang sipain n'ya ako sa binti.

Napakamot ako ng batok nang ma-realize na nakatulala na pala ako kay Brielle.

Natawa si Brielle sa amin.

"A, Brad, si Brielle pala. Brielle, si Jak, tropa ko."

"Hi. Nice meeting you," bati ni Brielle at nagkamay sila bago n'ya ako balingan. "Lipat tayo sa loob," turo n'ya gamit ang hinlalaki sa isang pathway sa gilid ng counter. "Mas spacious kasi do'n saka medyo tahimik. Mauna na kayo while I'll prepare your order."

"Game," sabi ko bago kami namili ni Jak ng o-orderin.

Sa totoo lang, medyo nahirapan ako. Ang dami kasing flavors. Pero nagkasundo kami ni Jak na ang mapanuksong Hershey's choco overload na lang ang orderin saka kami naghanap ng mesa sa loob.

Totoo nga, mas malawak ang area sa loob at mas makulay. Sumabog ang pastel colors sa mga dingding, mesa at upuan. Nakakagaan sa pakiramdam ang ambiance ng buong lugar na para bang at home na at home ka.

Tahimik na tao si Jak kaya sa mesang nasa sulok n'ya piniling maupo. Busy s'ya sa kakapindot sa telepono n'ya at hinayaan ko na lang. Mukhang importante, e. 'Di naman ako seloso. Ang mahalaga, nandito s'ya at ako ang kasama.

Nyahahaha! 

Hindi nagtagal, dumating na si Brielle. 'Di lang orders namin ang dala n'ya, may kasama din s'yang isang babaeng may napaikling buhok at may mas nakaka-intimidate na aura kaysa sa kanya. May dala din itong tray ng dalawang pang orders ng ice cream.

Nagtama pa lang ang mga tingin namin ng kasama n'ya, kinabahan na 'ko kaagad. Pakiramdam ko, nanggigisa ito ng buhay.

Sabay kaming napatayo ni Jak pagkalapit nila.

Dos and Don'tsWhere stories live. Discover now