August 04, 2017 | 06:23 AM

184 23 2
                                    


🎶 Lift your head, baby, don't be scared

Of the things that could go wrong along the way 🎶

Maririnig sa aming veranda ang pag-strum ko ng gitara na sinasabayayan ng, ehem, pogi kong boses.

🎶 You'll get by with a smile

You can't win at everything but you can try 🎶

Baby, you don't have to worry

'Cause there ain't need to hurry

No one ever said that there's an easy way 🎶

Habang napapapikit, iisang imahe lang ang laman ng isip ko.

Si Brielle.

Pagkamulat ng mga mata ko, and'on na siya sa tabi ko. Nakangiti, namumula ang pisngi.

Alam na yata niya na para sa kanya 'tong kanta ko. Siya 'yong sinasabihan ko ng lyrics ng kanta.

Siya si Baby.

Napangiti ako nang malapad. Nagkangitian kami. 'Di masyadong halatang tuwang-tuwa kami, 'di ba?

Mas ginanahan akong tumugtog at kumanta. Lalo na't nakatitig ako sa nakaka-hypnotize niyang mga mata.

🎶 When they're closing all their doors

And they don't want you anymore

This sounds funny but I'll say it anyway

Girl I stay through the bad times— 🎶

Natigil ako sa pagkanta, sa pag-gitara. Hindi, natigil na 'ata ang buo kong sistema maliban sa tumatambol kong puso.

Tama ba 'tong nakikita ko?

Mula sa pagtambol, parang natutunaw ang puso ko habang 'di makapaniwalang nakatitig sa nakikita ko sa ibaba ng veranda.

Totoo ba 'to?

Nilingon ko si Brie para kumpirmahin sa kanya kung tama ba ang nakikita ko pero wala na siya.

Lumingon-lingon ako, itinabi ang gitara. Nagpapanic na talaga ako at 'di ko alam ang gagawin.

Lumapit ako sa may railings para mas makita ang nakangiti at kumakaway sa akin. Siya nga!

Si... "Popo!" tuwang-tuwa kong tawag sa kanya. Tumigil siya sa pagkaway pero mas lumapad ang ngiti niya. Sobrang liwanag ng aura niya sa paningin ko.

Kitang-kita ko ang nag-uumapaw na kasiyahan sa kanya.

Nangiti na rin ako, natutunaw pa rin ang puso pero dahil na sa tuwa.

"Popo!"

Itinaas niya ang kamay niya ulit at sumaludo sa akin. Palagi niya 'yong ginagawa sa akin 'pag nakakatapos ako ng sasakyan sa talyer. O kapag dinadalhan ko siya ng hopia kapag galing akong gala. O 'pag natutuwa siya sa mga ginagawa ko.

Naramdaman kong tumulo ang mga luha sa pisngi ko pero nakangiti pa rin ako sa kanya. Masaya akong nakita ko siya.

Masaya na... ako.

Dos...

Napalinga ako sa boses na tumatawag.

Dos...

Tiningnan ko ulit si Popo. Nakangiti pa rin siya sa akin.

Dos...

Sandali! "Popo!"

Dos and Don'tsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon