Chapter 2

137 15 0
                                    


Pyxis

"Get inside!"utos ni dad kaya di na kami nagdalawang isip at pumasok na sa loob. Muntik nang may makapasok sa loob, mabuti nalang at nailock agad ni dad ang gate.

What in the world is happening outside?!Y-Yung mga tao, mukha silang asong ulol dahil sa laway na tumutulo sa bunganga nila. Mukha silang...zombies. At...at tumatakbo sila at sumusugod sa ibang tao. I even saw one eating a human! Wala itong nagawa kundi sumigaw hanggang sa mawalan na ng buhay.

"Let's go watch tv,"sabi ni Carter kaya pumunta kami kina mom.

"Pumasok na po tayo,"sabi ko saka tinulak ang wheelchair ni lolo papasok sa bahay.

"Anong nangyayari?"tanong ng mom ni Carter.

"Mamaya ko na ipapaliwanag ma. Kailangan nating lahat pumasok,"sabi ni Carter.

I feel safe inside our house. Kasi naman mataas ang gate ng bahay at may barbed wire na nakapaligid dito. Natakot kasi si mom sa mga magnanakaw. Isa pa, may dalawa kaming canine sa labas, si Minnie saka Mickey, kasi pake niyo?

Binukas ni dad ang tv saka mataman kaming nanood ng balita. Napakapit si mom sa akin, mukhang kinakabahan siya. Ako din naman.

"–This new parasite tends to control a dead body by living in the brain of its host. Strangely, it only uses sugar as a source of energy. After that, they will find another host or collect more sugars to feed them.

Government knew little about this new pandemic but they're thinking of rapid ways to prevent it. They just discovered it last week and now it already invaded the whole world!

Though some experts say to think fast because the cases are going overwhelming. It spreads by the saliva of the affected having contact with blood or saliva of unaffected person.

Many people says its the end of the world. What shall we do?"

"This is why we need to watch news,"sabi ng dad ni Carter saka pinatay ang tv.

"And this is why we need to watch the walking dead,"Carter said.

"Yikes. Actual scene is fine,"sabi ko sabay turo sa labas.

"Anong gagawin natin?"kinakabahang sabi ni lola. Oh yes, we have all the rights to panic right now but panic won't work.

We have to stay focused.

"Tatawag ako sa 911, we need to be rescued,"mom said then grab her phone. She frantically dialed the number while shivering. Siguro sa aming lahat, si mom ang pibakatakot.

Napansin naman ito ni dad kaya lumapit siya kay mom saka pinakalma siya.

Mabilis namang sumagot ang emergency kaya sinabi agad ni mom ang location namin. Sinabi nila na mag-antay lang kami, at darating din ang tulong agad.

---

"Nandito na sila!Handa na ba ang gamit niyo?"dad asked.

"Basically, we got nothing since our house is outside,"sabi ng dad ni Carter.

"That's fine, I'll let you borrow some of mine,"sabi ni dad saka isinukbit ang bag niya. Sinuot ko na din ang akin saka lumabas.

Naabutan namin ang isang military truck na may sakay na anim na sundalo at limang tao sa likod. Patuloy na nagpapaputok ang ilang sundalo habang ang iba naman ay iginaya na kami papasok sa truck. Nang makaupo na kaming lahat, pinaandar na ang sasakyan.

"What are you doing?They won't die!"sigaw ng isang babaeng mukhang office clerk dahil sa damit.

"At least they'll slow down,"sabi naman ng isang lalaki na nakasalamin at magulo ang buhok. Tulog yata to ng nagka-apocalypse e.

"Shoot them in the head. The parasites use people's brain to control it. So that means they live in the brain. That's why you need to shoot it..."

Ako na ang nagtuloy ng sinasabi ni Carter. "So that they won't control the person anymore,"

Tinanguan ako ni Carter. "Right,"

"Im Yuvwexyez, a pastry chef. Anong names niyo?"saad nung babaeng nakasuot lang ng t-shirt at pants pero naka apron.

"I'm Zane,"sabi nung lalaking nakasalamin.

"Im Pascal,"sabi nung lalaking kaedad nila mom.

"Im Gavin and she's my little sister, Kyvria,"sabi naman nung isa pang lalaking naka long sleeve na checkered saka tinuro ang kapatid niyang mukhang 8 years old palang.

Sunod kaming nagpakilala. Nainggit nga sila e, kasi buo yung pamilya namin na narescue. Yung iba nahiwalay, yung iba wala na.

Matapos ang isang oras, natanaw ko na ang isang half sphered dome na mukhang gawa sa stained glass ang pader. Napakalaki noon pero nasa gitna ng gubat.

Nakakatakot lang kasi gawa sa glass. What if mabasag yun?

"It wasn't a glass."napatingin ako kay Carter. Wow, mind reader na pala siya.

Patay.

Baka malaman niyang crush ko siya!

Kalma Pyxis, nasa gitna ka ng possible apocalypse, wag kang lumandi muna.

"Tama ka. Gawa yan sa Titanium na pininturahan. Mukha lang yang stained glass sa malayo pero kapag nakalapit tayo makikita niyo,"sabi nung sundalo kaya tumango kami.

Sa malayo palang ang ganda na niyang tingnan, pano pa kaya kapag nakapasok na kami?

----

"Welcome to the facility. Sa ngayon ay kakaunti palang ang nandito at kayo na ang huli dahil nakapagtayo na kami ng panibagong facility."sabi ng isang babaeng mukhang nasa mid-30s ang edad.

"Kailangan niyo munang magpa register para makapaglaan din ng mga kwarto para sa inyo. I hope you enjoy your stay. Alis muna ako,"nginitian lang namin siya bago siya tuluyang umalis.

Pumunta kami sa sinasabi ng babaeng registration area. Binigyan kami isa isa ng form kung saan kailangan naming isulat ang aming personal details. Di na kami nagdalawang isip magfill-up kaya nabigyan kami agad ng kwarto. Magkakasama kami nila Carter sa iisang kwarto since madami naman kami. At magkakasama yata sila Yez–ah hindi ko matandaan yung pangalan, basta magkakasama sila.

Napaupo ako sa kama habang nakatingin sa kawalan. Yung dating normal na pamumuhay, nagbago sa isang iglap. Ngayon lahat ay delikado sa paglabas.

Ngayong nasa loob kami ng facility na ito, I just wonder, safe na nga ba talaga kami?

Sweet Treats[COMPLETED]Where stories live. Discover now