Chapter 7

70 9 0
                                    


Pyxis

"Are we gonna go to my apartment?!"ewan ko kung naeexcite o kinakabahan yung tono ni Zane e.

"Sabi mo you can hack the facility's system diba? At lahat ng gamit mo nasa apartment mo,"sabi ko kaso bigla siyang nag-alangan.

"I was rescued from my window...dahil madaming tao sa apartment. Considering they all turned into that thing..."he trailed off.

Nagkatinginan kaming lahat. Alam namin ang ibig sabihin ni Zane. We will put our lives in jeopardy if he's right.

But my gut says I'll find some answers on that abandoned facility. I feel like the person trapped in there will give us answers to this pandemic.

Kung mali ang hinala ko, delikado kaming lahat. Kailangan namin itong pag-isipan ng mabuti. Pero kung tutuusin–

"Anyway, food is no problem in my room. I have a supply for like two months, and pwede tayo magstay doon ng tatlong linggo,"dagdag ni Zane.

"I wanted to save that person,"I said.

"I wanted, too,"pagsegunda sa akin ni Carter.

Itinaas ni Yez ang baril niya saka kinasa ito. "Then let's get going!"

---

"But kuya–!"

"No buts Kyv, you're staying beside me,"

Kyv pouted saka padabog na sumakay sa tabi ng driver's seat saka padabog na isinara ang pinto.

"Wag mo akong pagdabugan Kyvria Zilynn Evans!"sigaw ni Gavin saka sumunod kay Kyvria.

Napailing nalang ako habang nakatingin sa kanila. Binaling ko ang tingin ko sa kasamahan ko sa likod ng truck. Lahat sila inaayos ang mga sandatang gagamitin namin.

Napagpasyahan kong machine gun ang kukunin ko dahil simple, mas mabilis itong bumaril kaysa sa ibang klase ng baril.

Rifle ang kay Zane at hindi ko alam ang pinulot na baril nila Carter at Yez. Tinuruan naman kami ng ganito, di nga lang ako nakikinig. Basta alam ko mga baril lahat ng hawak namin.

Maliban kay Courtney na crossbow ang gamit. Tahimik, pero matagal at mas mahirap hanapan ng pana niya since may specialized ito na pana.

Speaking of tahimik, may silencer na ang mga baril namin kaya naman, hindi na masyadong malulure ang mga zombies papalapit sa amin.

Anyway, tama na ang aking mental kadaldalan dahil mukhang aalis na kami.

Binuksan na nila Auburn at Aubree ang gate saka patakbong umakyat sa truck. Ngayon ko lang napagtanto, kung takbuhan lang ang labanan, panalo na ang kambal na ito. Baka athletes ng track and field ang mga ito.

Dahan dahang pinaandar ni Gavin ang truck na ninakaw namin (Oo, ito pa din ang ginamit namin. Dinagdagan namin ang gas mula sa kotse nila Aubree. Hindi kasi convenient para sa amin kung sa enclosed car kami sasakay.) hanggang sa makalabas lang kami ng gate. Nang makalabas, pinaharurot na ito ni Gavin. Nga pala, nasa bandang salamin si Zane para ituro ang direksyon kay Gavin. Samantalang kami, nakaabang sa mga zombies na lalapit sa amin.

----

Sa ngayon, nasa tapat na kami ng apartment ni Zane. And as dangerous as it sounds, we need to go down and keep our long range weapons.

Kinuha namin ang mga kitchen knife nila Auburn kanina. Na kay Carter at Zane ang dalawang butcher knife samantalang axe ang kay Gavin.

Paikot ang porma namin habang nakaabang sa mga zombies na lalapit. Nakasukbit sa likod ang mga baril at pana na ginamit namin.

I am not trained when it comes to short range weapons but I guess the stances I learned from self defense classes might help. Sana lang.

Nasa harap sila Zane, Gavin, at Courtney samantalang kami nila Yez at Carter ay nasa likod at gilid. Nasa gitna naman si Kyvria.

"One, two, three!"sigaw ni Zane saka sinipa ang pinto ng apartment at sumalubong sa amin ang ilang zombies.

But I have to focus on my spot. Nasa likurang kanan na bahagi ang pwesto ko kaya naman nakaharap ako sa ilang pintong nakabukas.

Maya maya, may sumugod sa akin na zombie mula sa isang kwarto. Agad ko siyang sinaksak ng buong pwersa sa sentido niya at laking gulat ko ng hindi dugo ang lumabas dito kundi puting likido. Bumulagta ito sa sahig at kumalat ang puting likido sa sahig na kinabagsakan niya.

Oh my God. This...this can't be real.

Nakarating kami sa tapat ng apartment room ni Zane at sa ngayon walang masyadong sumusugod sa part ko pero ang dami ng kina Carter at Gavin kaya naman tinulungan ko nalang si Carter since mag-isa lang siya.

Punong puno na ang damit ko ng puting likido na nakukuha namin pag nakakasaksak ng mga zombies na sumusugod sa amin.

Zane opened his door through lockpicking (lahing magnanakaw ata to) saka nakapasok kami sa kwarto niya. Mabilis itong nilock ni Zane saka napaupo ako sa sahig sa sobrang pagod–

"Zane! Your window!"sigaw ni Yez.

"Sheesh, as if they can climb–"natigil sa pagsasalita si Zane nang sumigaw si Aubree dahil may zombie na biglang sumulpot sa bintana.

Paakyat na sana ito nang biglang agawin ni Courtney ang butcher knife kay Carter saka hinagis ito sa zombie.

Sumakto ito sa ulo kaya naman halos mangalahati ang mukha ng zombie. Bumagsak ito sa labas at dali daling sinara ni Aubree ang bintana.

Napameywang si Courtney kay Zane. "Ano nga uling sinasabi mo?!"

Nanatiling nakanganga si Zane bago magising sa reyalidad.

"How the fuck did he do that?!"

Sweet Treats[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon