Chapter 22

53 7 0
                                    

Pyxis

"What's your name?"

"Pyxis Betelgeuse Morales, 20 years old, 1st year medic student," saad ko.

"You're willing to test your blood right?" Peter asked me so I nodded. Agad niyang kinuha yung blood testing kit saka itinusok ito sa akin. Pagkatapos, pinatak niya ito sa parang patungan ng microscope saka sinuri.

I tapped my fingers on the bed while waiting for the results. Namamanhid pa din ang daliri ko kung saan kinuhanan ako ng dugo. Meanwhile, umalis naman si Gregory para kausapin ang iba pang researchers.

"Imposible," bulalas niya.

"B-Bakit?"kinakabahan kong tanong.

Hinarap niya ako saka umupo sa tabi ko at bumuntong hininga. "Hindi napigilan ng system ang pagpasok ng parasites sa katawan mo that's why its given that you're infected. But your immune system is fighting against it kaya naman limitado ang kilos ng parasites sa katawan mo, yun ang dahilan bakit kakaunti lang ang parasites rather than your blood."

Muli siyang tumayo. "Gagawa pa kami ng further check ups para makita kung umabot na sa nervous system ang parasites at kung ano anong uri ng resistance mayroon ang katawan mo at kung may nararamdaman kang kakaiba,"

"That's all for now?" I asked.

He nodded. "Kakarating niyo lang kaya kailangan niyong magpahinga. May dalawang kwarto na pwede niyong pagpahingahan kaso lang ay dalawa kayo sa iisang kama dahil dalawa lang iyon. Don't worry dahil hiwalay ang babae sa lalaki. Magkasama nalang kami ni Sir Gregory sa kwarto dahil may pag-uusapan pa kami tungkol sa'yo," mahabang litanya ni Peter.

"Salamat," then I cast a faint smile.

He smiled back. "Puntahan mo na sila Aubree, nag-aalala na ang mga iyon. Malapit na din naman ang dinner time, padadalhan nalang kayo ng pagkain,"

"Saan pala ang kwarto namin?"

"Sa third floor, 5th room right,"

"Wait," sabi ko nang may mapagtanto. "Pano mo nakilala sila Aubree?"

"Ah yun ba," then he chuckled. "Magkakilala kami ng General at saka isa pa, inaanak ko ang kambal. Hindi lang kami nagpansinan kanina malamang dahil sa puberty,"saka tumawa siya.

"Ganun ba,"tumawa na din ako. "Sige, aalis na ako,"

"Ingat, Ms. Morales,"

----

"Ano ginawa sayo?Electrocute?Surgery?Psychology tests?"tarantang tanong ni Yez nang makarating ako sa kwarto namin.

"Kinuhanan lang ako ng dugo. Bukas pa sila magpeperform ng iba pang tests,"ani ko saka umupo sa kamang bakante.

"Ate, please don't bite me. Tabi kasi tayo later," saad ni Aubree kaya tinawanan ko siya.

"Yeah sure. Anyway, kilala pala kayo ni Peter?"tanong ko sa kanya.

"Opo e. Kaso nahihiya na kami kay ninong. Baka kasi baby pa din tingin niya sa amin ni Auburn," saad niya.

"Teka ninong niyo pala si Peter e bakit di kayo pinansin?" tanong ni Courtney na nakaupo sa isang kama katabi si Yez na nakaupo din.

"Nakiramdam siguro, nailang din kasi yung kambal," sagot ko.

"Kawawa naman pala ninong niyo. Baka namiss kayo nun," sabi naman ni Yez.

"Sasabihan ko nalang si Auburn na makipagusap kay ninong bukas," kaya tumango naman kaming tatlo.

"Pyxis, kinakabahan ka ba?"tanong ni Courtney.

"Kinakabahan, pero base sa pagkakaintindi ko, may chance na makatulong ako sa mga infected kaya gagawin ko to," saad ko.

"Ate, I wanna be like you someday," sabi ni Aubree.

"Talaga?"

"Because you're so brave and I want to be one too,"

"Asus," saka pinisil ko ang ilong niya. "Matapang ka na dahil sa pagharap mo sa mga infected." dagdag ko pa.

"Bilib talaga kami sayo Pyxis. Kaya siguro nagkagusto si Carter sayo," sabi ni Yez dahilan para mamula ako sa kilig.

"Ano bang sinasabi mo?"patay malisya kong tanong.

"Sus, deny it all you want but it's so obvious kung gaano ka kagusto ni Carter. At sa hitsura niyang iyon, torpe din pala siya." Yez said and the three girls giggled.

"Hindi ka ba galit?" tanong ko.

"Wait, ako?Magagalit?" Yez asked and I nodded. She laughed after. "Paghanga lang talaga yung naramdaman ko kay Carter, no. Saka nung nakita ko kayong dalawa, narealize kong kayo talaga yung bagay kaya bakit ako kokonta?That's not my thing," saad niya.

Whew. All along ako lang pala ang nag-iisip ng masamang bagay patungkol kay Yez. Ang sama ko tuloy bigla.

"Si Kuya Zane din mukhang may gusto kay Aye Pyxis," saad ni Aubree. Yung nerd na yun?E umamin nga siya sa akin pero biro lang naman yun. Wait, baka hindi?

"Oo Pyxis, kaso wala naman nang pag-asa iyon dahil magkababata kayo ni Carter." saad ni Courtney.

"Ewan ko sa inyo. Mabuti pa ay matulog na tayo," sabi ko saka humiga na. Tinawanan nalang nila ako.

----

Sweet Treats[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon