Chapter 5

85 11 0
                                    


Pyxis

"Guys! What are we gonna do?!Malayo na tayo sa facility!"sabi ni Courtney habang yakap yakap si Kyvria na umiiyak.

"Pero, malapit na tayo sa bayan. Gavin, sagasaan mo sila!Kami nang bahala sa iba,"sabi ni Yez saka muling nagpaputok ng baril. Sumunod agad kami.

"Nga pala! Malapit lang ang bahay namin dito!Aubree, ituro mo kay Kuya Gavin!"sigaw ni Auburn kaya tumango si Aubree saka binaba ang baril at pumasok sa may driver's seat sa pamamagitan ng pagdaan sa likod.

"Shit, shit,"I kept on cursing habang padami ng padami ang zombies na sumusugod sa amin. Nakakainis naman kasi, bakit walang silencer itong baril!

"Shit!Wala na akong bala!"Zane shouted.

Mas dumami pa ang mga zombie na naglalabasan nang makarating kami sa bayan. Tumigil na muna kami sa pagpapaputok dahil medyo malayo layo naman na sila.

"Nakikita ko na!Bababa na ako,"sabi ni Auburn saka tumalon at tumakbo papuntang gate nila. Tinulak niya ito ng buong lakas.

"Oh my gosh! Nandito na sila!"sigaw ni Courtney. Shit, ang lapit na nila.

"Carter, tulungan na natin yung bata,"sabi ni Zane saka tumalon na din sa truck. Ganon din ang ginawa ni Carter. Pinaputukan ko sa ulo ang mga zombies na malalapit sa amin. Tinutulungan naman ako ni Yez.

Mabuti nalang at mabilis na nilang naibukas ang gate kaya nakapasok agad kami. Natanaw ko ang mga zombies bago nila tuluyang isara at ilock ang gate.

Sa ngayon ay komportable ako sa bahay nila Auburn dahil mataas ang level of security nila dito. Malamang dahil sa sundalo ang tatay nila.

Bumaba na kami ng sasakyan saka pumasok sa loob ng bahay nila. Ang laki at ang ganda ng bahay nila. Mas malaki lang ng kaunti ang bahay nila kaysa sa amin.

"Mag-ayos muna tayo tapos may ipapakita kami sa inyo,"sabi ni Aubree kaya nagtanguan kami.

"Tatlo po ang banyo dito. Isa sa baba, dalawa sa taas. Kayo nang bahala kung saan kayo. May apat na kwarto din, isa sa akin, kay Aubree, kay dad at mom saka guest room. Kung kailangan niyo ng gamit, humiram nalang kayo sa closet ni mom and dad,"sabi pa ni Auburn.

"Kyvria, sakin ka hihiram okay?"sabi pa ni Aubree kay Kyvria kaya tinanguan niya ito.

Nagkanya kanya na kami matapos noon. Doon ako sa cr sa taas naligo. Hindi ko alam kung nauna ako o ano basta walang tao nung ginamit ko ito. Mabilis lang akong naligo at matapos non, kinuha ko na ang twalya at binalot sa katawan ko.

"Mukha kang suman hahaha!"halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Carter sa likuran ko.

"Namboso ka ba?!"inis na sabi ko saka hinawakan ang taas ng twalya para masiguradong hindi ito mahuhulog.

"Wala naman akong makikita sa–"bago pa niya matapos ang sinasabi niya, binato ko na siya ng lotion.

Naku!Kung hindi ko lang to crush, di ko talaga pagtitiisan to!

"Masakit yun ah,"sabi niya saka nagpout. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Shuta, pag di ko napigilan sarili ko, susunggaban ko to.

"Magbihis ka na pala, saka kakain tayo,"sabi niya kaya binalik ko ang tingin ko sa kanya. Palabas na siya saka ni-lock ang pinto.

Nakaligo na pala yung timang. Di ko napansin na iba na yung suot niyang damit.

Anyway,

Naghanap na ako ng damit ng mom nila Auburn at nakita ang isang black leggings saka long sleeves checkered na damit. Iyon na ang napili kong suotin. Tinali ko ang buhok ko ng ponytail pagkatapos bumaba na.

"Hindi tayo magtatagal dito,"naabutan kong sinabi ni Gavin. Umupo na ako sa bakanteng upuan katabi si Carter kaso medyo nainis ako nang makita na katabi niya din si Yez sa kabilang side.

"Tingin niyo dapat di na tayo umalis sa facility?"tanong ni Aubree saka sumubo ng pagkain. Kinuha ko ang kutsara at tinidor saka tiningnan ang pagkain namin.

Steak?Wow.

Tingin ko si Yez ang nagluto nito dahil nga chef daw siya.

Medyo nainggit lang ako kasi, kung titingnan mo, mas pipiliin ni Carter yung taong maalaga saka magaling magluto.

Samantalang ako, magaling lang kumain.

"And miss all the fun?No way!"sabi agad ni Zane. Hindi nagbago ang hitsura ni Aubree na nakasimangot pa din kaya nagfake cough ako saka tinitigan si Zane.

"I-I mean, depende naman sa atin yun diba?Tayo nagdesisyon kaya heto na yung consequences,"paglilinaw niya.

"Kakayanin nating makasurvive dito, okay?"Yez encouraged kaya nagtanguan kaming lahat.

"So...sino maghuhugas ng pinggan?"tanong ni Courtney at nagturuan ang lahat.

"Shut up!Sabi ko nga ako na,"sabi bigla ni Courtney kaya nag celebrate kami.

"Oh bilisan niyo na,"dagdag niya saka nagpatuloy kumain.

---

"Pader to, Auburn,"sabi ni Kyvria kaya nginitian lang siya ni Auburn.

"You'll see,"

Pagkatapos kumain at magligpit, tinawag kaming lahat ni Aubree dahil daw may ipapakita sila. Kanina pa sila diyan e. Pati tuloy ako naeexcite.

Kaya naman ngayon, nandito kami sa tapat ng isang pader kung saan may painting ng starry night ni Vincent van gogh. Feeling ko hindi authentic yan kasi isa lang naman yun di ba?

Pero infairness, mukha talagang totoo.

"Heto ba yung napapanood ko na may secret passage sa likod ng paintings?"sabi ni Zane kaya tumango si Auburn.

Ibig sabihin...

Tinanggal ni Auburn ang painting at tumambad sa amin ang parang lumang elevator. Yung kagaya nung nasa movies na dinadala ka sa ibang floors ng bahay?Aish, basta yun.

Putek lang kasi legit pala talaga yung mga ganito.

"Dala-dalawa lang po ang papasok. Pero tatlo na kami ni Kyvria saka Aubree,"sabi ni Auburn kaya tumango kami. Pumasok na sila sa loob saka may hinila na tali para makababa sila.

"Sabay na tayo, Pyxis,"sabi ni Zane saka inakbayan ako. Tinitigan ko siya nang masama at nung magsasalita na sana ako, narinig kong nagsalita si Yez.

"Pano ba yan, sabay na kami ni Carter ha,"sabi niya saka hinila na si Carter papunta sa "mini-elevator" saka hinila ang tali paakyat.

Asksjsjsksflk. Kainis talaga to si Yez. Napahinga tuloy ako ng malalim saka tinanggal ang pagkakaakbay ni Zane sa sobrang inis ko.

Sumunod na kami dahil wala naman akong choice.

Medyo masikip pa sa loob kaya paupo kami ni Zane sumakay saka magkadikit talaga kami.

Siya na ang naghila ng tali pababa hanggang sa nakita namin ang basement ng bahay nila.

Wow.

Sweet Treats[COMPLETED]Where stories live. Discover now