Chapter 6

73 9 0
                                    


Pyxis

"Pakisampal ako,"

"Sigurado ka?"

"Oo nga!"

*Pak!*

"Masakit yun ah!"

Tatawa tawa akong tumingin sa namumulang pisngi ni Zane. Siya kayang nagsabing sampalin ko siya, edi sinampal ko nga. Tapos yung masakit.

Hindi din naman kasi ako makapaniwala. Basement na puno ng ibat ibang weapons?!And mind you, nakaayos pa ang lahat.

"Si dad ang leader sa mga sundalo sa facility. Mataas ang posisyon niya kaya nakapaghawak siya ng ganitong weapons,"sabi ni Aubree saka kumuha ng baril.

"Kaso lang po...ilegal ang iba dito. Sana po wag niyong sabihin sa iba,"dugtong ni Auburn kaya tumango kaming lahat saka namili na ng gagamitin namin.

Nalingon kami kay Zane nang bigla niyang ikasa ang rifle.

"Uh...eto ang pipiliin ko," awkward na sabi niya saka ibinaba ang hawak.

"Yay! May crossbow na!"sabi ni Courtney saka dahan dahang kinuha ang crossbow at ang katabi nitong mga pana.

Pumili na din ang iba sa amin siyempre kasama na ako. Ang kinagulat lang namin, kumuha din si Kyvria ng weapon niya. Sinubukan ni Gavin kunin ang blades kay Kyvria, pero nagpumilit siya. Ayaw niya daw kasi maging pabigat. Wala namang nagawa si Gavin kundi hayaan nalang ang kapatid.

Naiinggit nga ako habang nakatingin sa kanila e. Only child lang kasi ako, kaya hindi ko alam ang pakiramdam ng may kapatid. Mas masaya siguro pag meron, no?

Pero di din naman ganon kalungkot ang childhood ko, andyan naman ang parents ko, sina lolo at lola, sila tita at mga pinsan ko. Siyempre dagdag mo na si Carter.

Matapos na makapili ang lahat, umakyat na kami muli sa taas. Ang saya ko na kasi kami na ni Carter ang sabay. Pinigilan ko lang ang sarili kong mapangiti sa kilig dahil baka maasar nanaman ako ng asungot na to.

Matapos nun, nanood nalang kami ng movie, tapos Train to Busan pinanood namin. Ang ewan lang kasi dati, pag nanonood ako ng zombie na movie, ang dami kong what ifs. What if magkatotoo yung zombies?

Tapos poof!Ngayon nandito na kami.

Alam naming lahat gaano ka exciting at thrilling ang palabas. Kaso mukhang na bored na kaming lahat. Walang natakot o natinag man lang, siguro kasi nakita na namin ng personal.

In the end, nag drama lang si Yez kaya inabutan siya ni Carter ng tissue. Kainis kasi to si Zane, ang lapit na tinamad pa, si Carter tuloy nag-abot.

Psh. If I know nagdadrama lang yan para mapansin ni Carter. Palibhasa mabait, sinasamantala naman.

Matapos naming manood, naghugas na si Courtney ng plato. Swerte talaga namin at kasama namin siya, ang sipag niya kasi sa gawaing bahay.

Kami naman ay naglaro lang ng baraha sa may sala.

"Boom!Lose streak!Talo na naman si Pyxis~"sabi ni Zane sa pang-asar na tono kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sabi ko naman kasi unguy-unguyan nalang!Hirap naman nito,"sabi ko saka hinagis yung mga baraha ko sa mesa. Nakalimutan ko na pangalan ng laro namin, basta mahirap.

"Kayo kasi, hindi sanay magsugal si Pyxis,"sabi ni Carter saka inakbayan ako. Pinilit kong panatilihin yung fierce look ko habang pinipilit na hindi kiligin.

"Laro nalang tayo Monopoly,"suggest ni Auburn saka kinuha ang board na nasa ilalim ng lagayan ng tv nila.

"Ooooh! Ready to get bankrupt guys?"ngayon kilala ko na si Zane pagdating sa paglalaro. Seryoso, lahat ata ng laro alam niya?Yun lang ata ginawa niya buong buhay niya e.

Saka masyadong competitive, tapos pang-asar!

"Apat lang po muna maglalaro,"sabi ni Auburn saka nilapag ang board.

Napagpasyahan kong hindi na sumali, kaya sila Zane, Yez, Gavin, Auburn at Aubree lang ang maglalaro. Magkasama yung kambal but they only represent one.

Umakyat nako sa kwarto ng magulang nila Auburn. Dito ako matutulog, nagpaalam naman na ako.

Napatingin ako sa kisame. Kamusta na kaya sila mommy? Namimiss na kaya nila ako? What if hinanap nila ako? What if hinahanap na kami sa facility?

For a while, gusto kong bumalik sa bisig nila mommy. Namimiss ko yung pagiging clingy nila sa akin.

A tear escaped from my eye. Sana hindi nalang nagkaganito, normal pa siguro buhay ng lahat.

"I miss them too,"lumingon ako kay Carter na humiga sa tabi ko saka nakititig sa kisame. Tumitig nalang din ako uli doon.

"Dati, what if may apocalypse ang tanong ko. Ngayon, what if, wala?Ano na kaya tayo ngayon? Siguro nasa school ako hanggang ngayon, tinatapos ang kursong gustong gusto ko,"I smiled bitterly. Sa mga susunod na taon, forensic pathologist na sana ako.

"Pyxis...if you need someone, Im here okay?I know this was silly but remember when we were kids?You used to wear that pink and sparkling dress and then we always barrow your mom's tiara. You loved to act as a princess trapped in the castle made of blocks. And then there I am, the knight with a fucking wooden sword. At the end of the game, I promised to protect and save you always.

And I mean it. That might just be a game, but the words I swore was real,"

Mabuti nalang at nakatitig ako sa kisame, dahil namumula na ako sa pinagsasasabi niya. Siyempre naaalala ko yung sinabi niya pero hindi ko akalaing ganoon niya pahalagahan yung pinagsamahan namin.

"Tabi tayo matulog ha,"sabi niya bigla kaya hinampas ko siya ng unan sa mukha.

"Bakit?!"natatawa niyang tanong habang sinasalag ng braso niya yung mga palo ko sa kanya.

"Manyak ka talaga!"sabi ko saka pinaghahampas pa siya.

"Eh magkatabi kaya tayo dati!"

"Baliw ka pala, baby pa tayo non!Dun ka sa sahig!"

"Ayoko nga!Malamig doon!"

"Doon sabi!"sigaw ko saka tinulak siya. Out of impulse, hinawakan niya yung kamay ko kaya natumba ako sa higaan saka nagkatitigan kami.

Awkward.

"B-Basta harangan mo!"sabi ko nalang saka tumalikod sa kanya.

Sweet Treats[COMPLETED]Where stories live. Discover now