Chapter 19

48 7 0
                                    

Kat's Note: 10 chapters remaining~

Pyxis

"Okay ka lang Pyxis?" tanong ni Carter habang kumakain sila. Oo sila lang dahil kanina pa ako tulala sa pagkain ko.

Hanggang ngayon wala pa ding nangyayari, normal pa din ako.

"Pyxis, fresh pa yang sugat mo ha?Saan mo nakuha?" tanong ni Courtney kaya napalunok ako. Anong sasabihin ko?Infected na ako?Papatayin ba nila ako?

"Nasugat ako sa cr kanina e. Nakita niyo ba yung basag na salamin doon?"pagdadahilan ko. Valid naman siguro yun dahil may basag nga namang salamin sa cr kanina.

"Mag-iingat ka sa susunod, Pyxis," sabi ni Yez kaya tango nalang ang isinagot ko. Mukhang lahat naman sila naniwala, maliban kay Carter.

Kita ko sa tingin niya na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Gusto kong iwasan kaso kahit sa peripheral vision ay nakikita ko siya.

Hay, bahala na. Gusto ko nang kumain ng tahimik.

----

"Ang tabang naman nito," reklamo ko kay Zane saka kinuha ang asukal. Inilapag ko muna yung chocolate drink saka nilagyan ng tatlong kutsarang asukal. Nakita kong napanganga si Zane.

"Gusto mo bang mamatay?Ang daming asukal nun ah," saad niya.

Hinalo ko yung iniinom ko saka kumuha gamit ang kutsara. Tinikman ko ito saka ngumiti. "Okay lang naman ah, kulang pa nga," saad ko.

Pero mabilis napalis ang ngiting iyon nang may mapagtanto ako.

Kelan pa ako nahilig sa asukal?At bakit sobrang daming asukal ang nilagay ko?

Does this mean na infected talaga ako?Pero kung infected nga ako, kailangan nilang malaman ito.

"Zane," I called out.

"Do you like me too coz I like you," he said out of the blue pero hindi ko na iyon masyadong napansin.

"M-May kailangan kayong malaman..."

"Na gusto mo ako?" tatawa tawa niyang tanong.

"I'm infected," saad ko dahilan para mahulog ang tasa ng kapeng tangan tangan niya.

----

"Kelan ka pa infected?" tanong ni Courtney na nakaupo sa carpet.

"K-Kahapon pa," halos bulong kong saad.

"Sigurado ka ba?Bakit hindi ka nagseseizure?Bakit di ka naglalakad na parang zombie?" tanong naman ni Yez na katabi si Carter sa sofa.

"Hindi ko alam. Yung tanging symptom lang na nagpakita is yung pagkaadik ko sa asukal. Sa mga matatamis na bagay."

"Baka ate, sweet tooth ka lang talaga?"tanong ni Aubree.

" I may have a sweet tooth but what's happening to me is absurd,"

"Totoo yan. Nakita ko na pinapak niya yung isang garapong asukal so I ended up with a very bitter coffee," sabi ni Zane.

Sweet Treats[COMPLETED]Where stories live. Discover now