Chapter 23

55 7 0
                                    

Pyxis

"Umabot na sila sa utak mo pero hindi sapat ang dami nila para kontrolin ito. Kaya naman hanggang ngayon, normal pa din ang pagiisip mo,"

"Nga pala, magpeperform mamaya ang mga kasama ko ng tests para malaman ang body resistances na meron ka. Ito marahil ang dahilan bakit di ka naapektuhan ng sobra sa mga parasites. Pwede nating palakasin lalo ang immunity mo para tuluyan silang mawala at ireplicate iyon bilang cure,"

"Wait, ibig sabihin may tsansa akong gumaling?"tanong ko habang nakahiga sa hospital bed.

Nilingon ako ni Peter. "Malaki ang tsansa but I dont want to give false hope either."

"I know," I said, smiling faintly.

"Lunch time na. Shall we?" he asked kaya naman tumango ako at inalalayan niya ako sa pagtayo. Sabay kaming nagtungo sa maliit nilang canteen kung saan sila kumakain. Pinapadalhan sila dito ng mga militar dahil nga nagaaral sila tungkol sa parasites.

Hindi naman ganon karami ang tao dito. Mga nasa singkwenta lang siguro, kasama na kami. Agad kaming dumiretso sa pwesto nila Yez.

"Hi ninong, upo ka na,"saad ni Auburn kaya nginitian siya ni Peter saka umupo sa tabi ng kambal.

"Alam na pala ng General na nandito kayo kaya baka sunduin na din kayo non bukas. Alam niyo ba?Ibang general ang nakausap ko kagabi. Sobrang saya niya, malayo sa seryosong general na kilala ng lahat," kwento ni Peter.

"Talaga?Aubree, narinig mo yun?" hindi makapaniwalang sabi ni Auburn.

"Katabi ko din si ninong Auburn kaya rinig na rinig ko," sarkastik na sabi ni Aubree pero hindi matanggal ang ngiti nito sa sinabi ni Peter. Iniimagine niya siguro yung hitsura ng tatay nila na 'hindi seryoso'.

"Masasama na po ba kami sa pagrescue?" tanong ni Courtney habang ngumunguya.

"Sa tingin ko, oo. Pero maiiwan si Pyxis dito," sabi ni Peter saka tumingin sa akin na parang sinasabing, 'ayos lang ba?'. Tumango ako sa kanya bilang sagot.

"Maiiwan nalang din ako dito. Ayos lang naman diba?" tanong ni Carter.

"Oo ayos lang. Ikaw, sir Gregory?Magpapaiwan ka?"

Humalakhak si Tanda. "Ako pa!I can't miss the moment we'll finally beat this shit," saka isinubo ng buo ang isang hiwa ng karne. Nasobrahan yata ng talino si Gregory at nabaliw na.

"Habang nasa bagong facility kayo, pwedeng magvolunteer kayo doon since kailangang kailangan nila ng supplies. Soon, alam kong matatapos na ang pandemyang ito," saad ni Peter. Sa sobrang daldal niya, hindi man lang nabawasan ang pagkain niya. Mabuti nalang ako at paubos na.

"Magvovolunteer ako bilang isa sa mga kumukuha ng supplies. Alam naman natin gaano kahalaga iyon dahil sa dami ng tao sa facility. Mahirap na kung mabawasan na naman ang mga survivors sa panahong ito," sagot ni Gavin. Alam kong iniisip pa din niya si Kyvria pero nakakatuwa isipin na yung pagkawala ng kapatid niya ang isa sa dahilan kung bakit mas tumatag pa si Gavin. Sa amin kasing lahat, si Gavin yung masasabi kong may malasakit sa iba, kapatid man niya o hindi.

"Oh tama na ang chika. May mga trabaho pa tayo kaya bilisan na natin," sabi ni Courtney saka sumubo. Nagsimula na ding kumain ang iba. Tumutulong ngayon si Courtney sa ibang researchers bilang assistant dahil may alam siya sa medical supplies. Ganon din si Carter. Si Yez naman ang tumutulong sa mga cook sa canteen kaya naman hindi namin siya kasabay kumain. Meanwhile, yung kambal, si Gavin at si Zane ay tumutulong sa mga military forces dito sa pagkuha ng pagkain. Kakaunti lang sila dito at tanging pagkuha lang ng supplies ang ginagawa nila.

Samantalang ako, tamang gala lang habang inaantay kung kailan tatawagin for check ups and tests.

-----

"Bye Ate, mamimiss ka namin!"umiiyak na sabi ni Aubree saka niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik.

"Magkikita pa din naman tayo e," tatawa tawa kong sagot pero maiiyak na din ako.

"Ingat Pyxis ha," sabi ni Courtney nang humiwalay sa pagkakayakap si Aubree sa akin. Siya naman ang yumakap pero sandali lang.

"Sumunod kayo ni Carter kundi hmph!" timping sabi ni Yez. Tumango ako at napalitan naman ng ekspresyon ang mukha niya. "Mamimiss kita," saka niyakap ako.

"Ingat din kayo doon,"I said then patted Auburn's head.

"Yes ate," sagot ng kambal.

"Pano bro, kitakits nalang," sabi ni Zane saka nakipagbro hug kay Carter.

"Magiingat kayo dito," sabi ni Gavin saka nakipagbro fist kay Carter.

"Pyxiiiss mahaaaa—" bago pa tuluyang makalapit si Zane sa akin ay hinarang ko na ang kamay ko kaya tumama ang mukha niya doon. Nagtawanan ang lahat kaya pati ako natawa na din.

"Sasabihin ko lang na mamimiss kita," sabi niya habang hawak ang ilong niya.

"Sige na, alis na," natatawa kong saad.

"Ganon, sa kanila nagpapaalam tas sakin hindi," paghihimutok ni Gregory.

"Bye Tanda!" sabay sabay nilang sambit habang sumasakay sa truck. Bago makasakay ang kambal, niyakap muna sila ng General. Ang cute nila tingnan. Mabuti pa sila kahit papaano ay may pamilya pa na natitira.

Matapos nilang umalis, pumasok na kami sa facility. Dumiretso ako sa kwarto namin na ngayon ay sa akin nalang. Napahiga ako sa kama saka ibinuhos lahat ng luhang kanina pa gustong lumabas.

---

Sweet Treats[COMPLETED]Where stories live. Discover now