Chapter 10

58 9 0
                                    

Pyxis

"Try looking somewhere, baka nandiyan lang siya sa paligid,"Carter said. We nodded at him as we start searching the place.

Nagsimula na akong maglakad at napansin ang dami ng vials na nabasag sa sahig. Natapon din ang mga laman nito. Ang iba'y natuyo nalang. Pinulot ko ang isang papel sa sahig at binasa ito.

Giovanna Lawrence
Patient 102

Tiningnan ko yung picture niya na naka-attach sa folder kung saan nakalagay ang information tungkol sa kanya. She looks fine, mukhang nasa mid-30s. Blonde at mestisa.

While reading her information, nanlumo ako sa napagtanto. These people... they were being used as a human tester for the said parasite.

For the love of rainbows, these parasites were made in laboratories and should stay in it. Pero nakapagtatakang paano nakalabas ito.

Baka nga itong lab na to ang magbigay ng sagot sa nangyayari ngayon.

I hope.

"Guys, you have to see this!"Zane shouted kaya naman taranta akong tumakbo papunta sa direksyon niya.

"You don't have to shout—Oh my God,"natigilan si Yez maging kami nang makita kung ano ang nasa harapan namin. Agad agad namang tinakpan ni Gavin ang mata ni Kyvria. But still sounds of flesh being eaten is still heard.

Well, isang kulungan lang naman ang nasa harapan namin. Inside were the infected fighting each other. Nakakasuka panoorin kung paano nila kainin ang isa't-isa para makasurvive. Ang ilang katawan na hindi na mahitsura ay nagkalasog lasog sa ibaba. Ang ilang laman at dugo ay nagkalat sa sahig at pader ng maliit nilang kulungan.

I distinguished a face, though I am not sure because of the scrathces in her face revealing some flesh. But her t-shirt proved my hunch.

She is Giovanna. And basically, not the one in the picture anymore. She's—no, the parasites fighting for their host's survival to some other infected.

Nagkakagatan, nagkakalmutan, nagkakasipaan. Anything to be the fittest one.

At last, the second to the last infected fell to the floor. Giovanna, stood victoriously but fell after we heard a gunshot.

Napapitlag kami at agad lumingon sa kung saan ito galing at nakita ang isang matandang lalaki na may hawak na umuusok pang baril.

"They're fascinating, aren't they?"

---

Sweet Treats[COMPLETED]Where stories live. Discover now