Epilogue

93 9 1
                                    

Pyxis

5 years later...

"Ready?" Yez asked and I nodded while trying to smile. They opened the large gate of the facility revealing the remnants of our city after the bombs. Finally, matapos ang paghahanap ng natitirang survivors at pagbobomba ng lugar, makakalaya na kami. Makakapagsimula na kami ng panibagong buhay kahit pa magsisimula kami sa wala.

"Daddy!" napalingon ako sa kaliwang direksyon ko at nakita si Courtney buhat buhat si Kyra,tatlong taong anak nila ni Gavin. Tumakbo si Gavin papunta sa dalawa saka niyakap ito ng napakahigpit.

Ilang buwan lang matapos silang mapunta sa bagong facility, niligawan agad ni Gavin si Courtney. Ilang buwan lang din at sinagot na niya ito. Hindi man sila naikasal dahil nasa loob kami ng facility, sigurado naman akong magiging matatag ang pamilya nila dahil sa dami ng napagdaanan namin.

Napatingin ako sa kambal kasama ang general. Pinakilala ni Auburn ang girlfriend niya sa tatay nila at kita ang pagkilatis ni Aubree rito. Napatawa nalang ako ng mahina. Napakaoverprotective talaga nila sa isat isa. Ang general naman ay mukhang approve sa relasyon ng dalawa.

Si Aubree naman ay pinoprotektahan din ng tatay nila at ni Auburn. Kaya kahit maraming manliligaw si Aubree, natatakot silang lumapit sa kanya dahil sa nakabantay.

Si Yez naman ngayon ay buhat buhat ang magdadalawang taon niya nang anak na si Xyrill. Ang asawa ni Yez, ay namatay noong nakaraang taon habang naghahanap ng mga natitirang survivors sa iba pang parte ng bansa. Pero mukhang masaya naman na siya ngayon lalo na at kahit wala na ito, alam niyang nasa langit lang ito at pinapanood silang dalawa. Alam niyang kailangan niyang maging matatag para sa anak niya.

Kagaya ni–

"Pyxis!"awtomatiko akong napangiti nang makita siya papalapit sa akin. Agad niya akong siniil ng halik saka hinawakan ang tiyan ko.

"I missed you," sabi niya.

"Akala ko hindi ka na babalik," sabi ko, maluha luha na.

"Pwede ba yun?Hindi ko pwedeng iwanan basta basta ang mag-ina ko," sabi niya kaya tinawanan ko siya saka mahinang pinalo sa braso niya.

"Siguraduhin mo lang, Zane. May nanonood sayo," sabi ni Yez na nasa tabi namin.

"Oo naman. Nangako ako kay Carter noon na hindi ko pababayaan si Pyxis," sabi niya saka ngumiti sa akin. Nginitian ko siya pabalik.

Isang taon ko ding pinagdusahan ang pagkamatay ni Carter. Naging mahirap sa akin ang pangyayaring iyon lalo na at minahal ko talaga siya.

Pero hindi ko akalain na si Zane pala ang tutulong sa akin. Akala ko kasi biro lang sa kanya ang lahat. Pero nakita ko kung gaano siya kaseryoso habang kasama ako.

Siya ang nakikinig sa lahat ng drama ko, kahit minsan paulit ulit na ako. Siya lang ang nagtiis sa akin kahit minsan ang bilis ko nang magalit. Siya lang yung nandiyan kahit pilit ko siyang tinataboy.

Kaya nung tinanong niya ako, mabilis ko siyang sinagot. Nung una, inisip ko na baka ginagawa ko lang rebound si Zane para makalimutan ng tuluyan si Carter pero hindi. Tuluyan na akong nakamove on kay Carter noong maging kami.

Dalawang taon din ang hinintay ni Zane bago ko siya sinagot. At ngayon, masaya ako sa piling niya at soon, magiging pamilya na kami.

Hindi ko naman kinalimutan si Carter. Nandito parin ang mga alaala niya sa isip ko. Hindi na mawawala ang parte sa puso ko kung saan nandoon siya. Pero maliwanag na sa akin na hanggang alaala nalang siya.

Alam kong magiging masaya si Carter na nakikitang masaya ako kay Zane. After all, my happiness is what he wants.

"Ilang buwan na Pyxis?" Yez asked.

"Five months," sagot ko.

"Malapit na akong maging daddy!Kaya bilis na baby okay?Excited na si daddy makita ka," sabi ni Zane habang kausap ang tiyan ko.

Naramdaman ko ang biglang pagsipa nung baby kaya nagulat ako.

"Did I feel it right?" gulat na sabi ni Zane saka tumingin sa akin. I nodded as a response.

"Don't be too excited though little Zane. Baka maging premature ka," dagdag pa niya kaya kinotongan ko siya.

"Sira ulo ka talaga,"

"Tita Yez, can I carry Xyrill muna?Sabi ni dad, safe na daw sa labas," sabi ni Aubree kaya agad niyang binigay si Xyrill kay Aubree.

"Bye baby boy," sabi pa ni Yez saka hinalikan si Xyrill bago sila tuluyang umalis.

"I'm so lucky to have you," bulong ni Zane saka inakbayan ako. Hinarap ko siya saka ngumiti.

"I'm so lucky to have you,too," I said then kissed him.

The end.

Sweet Treats[COMPLETED]Where stories live. Discover now