<Sky’s POV>
Simula noong ipatawag si Nicky ng principal ay lagi na lang siyang BALISA.
Wala siyang sinasabi kung anong pinag-usapan nila ng Dad niya, pagtinatanong namin siya eh nagkikibit balikat lang siya. Napapansin ko din na medyo iniiwasan niya ako. Hindi pa kami nakakapag-usap ng matino pero feeling ko naman hindi siya galit...pero napapansin ko din na medyo iwas siya sakin at kila Jessa pati Ara. Tinatanong ko siya minsan kung anong problema niya pero ngingiti lang siya saka sasagot ng “Wala. Mahal lang kasi kita” yeah sweet kung titignan pero for some reasons... ANG WEIRD!
Papasok kami ngayon nila Ara at Jessa sa school habang pinagk-kwentuhan si Nicky. Hindi namin kasabay ngayon si Nicky, napuyat daw kasi siya kagabi kaya late nagising ngayon at mali-late daw siya kaya pinauna na kami.
“I wonder kung anong nangyayari kay Nicky....parang bumabalik yung dating Nicky na rebelde at walang paki sa buhay” sabi ni Ara na napakamot pa sa ulo
“ewan ko dun. Pero hindi kaya....?” hindi naituloy ni Jessa yung sasabihin niya nang biglang lapitan ako ng isa sa mga SC ng school.
“ikaw si Sky Lazatin di ba?” magalang na tanong niya
“ah oo bakit?” kinakabahang tanong ko. Kung anu-ano ng pumapasok sa utak ko. Ifo-FORMATIVE KAYA NILA AKO?? HALA! BAKA IREPRIMAND AKO DAHIL NABUNOT KO YUNG ISANG BULAKLAK SA TAPAT NG STATUE NI ‘HILARIO LIM’ (great founder ng SHE at Journey Academy) (~_~) uwaaaaa!! Sorry na!!!!
“ah dumiretso ka na daw agad sa Pricipal’s Office ngayon” nakangiting sabi niya at tumango na lang ako. Paalis na sana siya pero hinawakan ko yung kamay niya “Ahm Gary....” sabi ko at napaharap naman siya...teka! alam ko GARY pangalan niya ehhh “ahm...sorry?” sabi niya na parang nalito
![](https://img.wattpad.com/cover/12137810-288-k69014.jpg)
BINABASA MO ANG
Do you LOVE me? (like the way I love you)
General FictionWARNING: GirlxGirl po ito!!! Isang REBELDE at isang MARIA CLARA na SAWI sa pag-ibig ang magkakasama sa isang dorm.... will they feel the MAGIC. UNEXPECTEDLY......will they FALL for each other?