Chapter 46

382 10 1
                                    

<Nicky's POV>

Pagkarating namin ni Sorah sa Batanes ay agad na kaming nag check-in sa hotel kung saan naka-check in din sila Dad.



"What do you mean na isang kwarto na lang? Miss...kasi dalawang room yung pinareserve ng parents ko at hindi pwedeng ipamigay yun ng ganun ganun na lang" naiinis na sabi ko dun sa nag aassist sa counter.




"Nicky chill..." sabi ni Sorah habang hinihimas ako sa likod.




"Sir nakausap ko na po kasi si Mr. Lim na kung pwedeng sa room na lang kayo na may dalawang bed eh kasi po maraming nag che-check in eh tsaka nai-refund naman po yung reservation fee at pumayag si Mr. Lim" katwiran niya




"so isasakripisyo niyo yung dalawang tao dahil lang sa isa?!" naiinis na sabi ko




"Nicky....okay lang sa akin yung two beds in one room" sabi ni Sorah.



"are you sure?" seryosong tanong ko sa kanya




_ _ _ _ _ _

Okay naman yung kwarto pagpasok namin...malinis at masyadong peaceful. May malaking window kung saan mo matatanaw yung dagat...ang ganda ng dagat...bagay na bagay sa asul na langit.

Napangiti ako at napalapit sa bintana para lalong makita yung dagat...sa kada hampas ng alon ay humahangin ng malakas....parang ang saya tignan.



"sabi ko sayo....wag mo kasing idaan sa inis at init ng ulo" sabi ni Sorah na tumabi sa akin sa may bintana.




"nakakainlove pala yung Batanes noh" sabi ko sa kanya at natawa naman siya's>



_ _ _ _ _ _


Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako...bumangon ako sa kama at nakita ko na wala si Sorah sa kama niya kaya lumabas ako para puntahan sina Dad at Tita Rachel sa room nila.



"Welcome to Batanes Nicky! So how's the trip?" bati ni Dad pagpasok ko sa room nila.


Nagmimiryenda sila ni Tita Rachel...hapon na kasi at hindi pa ako nakakapaglunch dahil nga nakatulog ako.


"okay naman Dad...sorry ngayon lang ako nakapunta sa room niyo..nakatulog eh" napakamot ako sa ulo

Do you LOVE me? (like the way I love you)Where stories live. Discover now