CHAPTER 49

426 12 0
                                    

Sorah- Pagkagising ko ay kinusot ko yung mata ko. Ang bigat...dahil siguro sa kakaiyak kagabi...bumangon ako na medyo masakit din yung ulo ko at tumingin sa orasan. "10:30am" bulong ko. Late na din ako nagising...pagod din kasi kami ni Nicky kahapon kaya siguro ganito....nagawi yung paningin ko sa kama ni Nicky...maayos yon at walang gusot..gising na siguro siya. Nasaan nanaman kaya siya...? kinuha ko yung phone ko para i-text siya...

'Nicky, saan ka?' at isinend ko na.

Pagkatapos non ay nag-ayos na ako ng sarili sa banyo at bumaba papunta sa restaurant. Gutom na gutom na ako...hopefully nandoon din si Nicky, baka kasi nauna na siyang mag-almusal.

Pagdating ko sa restaurant ay wala doon si Nicky...nag order na lang ako ng coffee para sa almusal...wala talaga akong ganang kumain.Habang umiinom ako ng kape ay biglang nagring yung phone ko....si Nicky... tumatawag. Agad kong sinagot yung tawag...

"Hello?" sa boses niya eh halatang kakagising niya lang....teka! kung ganon...saan siya natulog??

"Hello Nicky...? nasaan ka ngayon? ...pupuntahan kita" sabi ko agad

"no...no need Sorah... nga pala pwede bang pakisabi kay Dad at Tita Rachel na sabay sabay na tayong mag lunch later... may ipapakilala ako" sabi niya lang

"u-uhhh sino naman...?" tanong ko

"sige basta...thank you... sabihin mo sa kanila ahh"

"Nicky.. wait..----"

"Bye" sabi niya at hindi man lang ako kinausap ng matino...hayyyy ano kayang problema nung taong yun? -_____________-


_ _ _ _ _ _


Pagkatapos kong magkape ay agad na akong nagpunta sa room kung nasaan sila Tita Rachel at Mr. Lim. Kumatok muna ako at pinagbuksan naman ako agad ni Tita Rachel ng pinto.

"Yes Sorah? Ikaw pala...pasok ka" sabi niya at pinapasok ako.

"buti hindi mo kasama si Nicky?" tanong niya

"uhm actually pinapunta po ako ni Nicky dito...uhm pinapasabi niya po na kung pwede daw ay sabay sabay tayong maglunch..may ipapakilala daw po siya" sabi ko.

Napakunot naman ng noo si Tita Rachel

"sino daw?" tanong niya pero umiling ako "hindi niya rin po kasi sinabi sa akin eh" sagot ko na medyo malungkot

"kinakabahan ako sa batang yan...sino naman kaya yung ipakikilala niya...?" nagtatakang tanong ni Tita Rachel

"madami na po ba siyang naipakilala sa inyo na mga babae?" nacu-curious na tanong ko

"hmmm...maliban sa mga kabarkada niya na sila Jessa, Jessy, at Ara....si Sky na ex niya at ikaw pa lang ang ipinakilala niya sa akin atsaka si Ron na bestfriend din niya" sabi niya na napapaisip.

"Sky...?" tanong ko

"Oo...si Sky yung kaisa-isang babae na naging girlfriend niya dati....first love niya...four years din sila" sabi ni Tita. Napaisip ako. kaya pala kakaiba yung nagiging reaction niya kapag nakatingin siya sa langit.

"ehhh nasaan na po si Sky ngayon?" tanong ko

"wala na kaming balita sa kanya maliban sa pagpunta niya sa England pagkatapos nila magbreak ni Nicky"

"sa totoo lang po kasi....nacu-curious din ako kung sino yung ipapakilala niya. Paggising ko po kasi kanina wala na siya sa kama niya...tapos nung tumawag siya kanina parang kakagising niya lang din" sabi ko kay Tita Rachel kaya napangiti din naman siya.

"Oh...Sorah andito ka pala? Good morning! Si Nicky nasaan?" tanong ni Mr. Lim na kakaligo lang galing sa banyo.

"Good morning po. May ipinasabi lang po si Nicky na kung pwede daw eh sabay sabay na tayo maglunch later" sabi ko.


_ _ _ _ _ _


 Nicky- Hindi ko namalayan na nakatulog pala kami dito ni Sky sa isa sa mga duyan malapit sa seaside. Nauna akong nagising sa kanya at agad kong tinawagan si Sorah para i-inform si Dad at Tita about lunch...hinintay ko munang magising si Sky bago ako umalis sa duyan. Maya –maya lang ay nagising na din naman siya...

"Kamusta naman yung tulog ng girlfriend ko?" malambing na tanong ko sa kanya.

"okay naman? Eh yung girlfriend ko" nakangiting tanong niya saka ko hinawi yung mga hibla ng buhok sa mukha niya "okay naman din." Sabi ko saka umupo kami sa duyan.

"by the way....ipapakilala kita ulit mamayang lunch kay Dad at Tita" sabi ko sa kanya at napangiti naman siya"sure.!" Sabi niya

"at ipapakilala din kita kay Kelly...sa boss slash bestfriend ko" sabi niya sa akin kaya nanlaki yung mata ko

"Boss lang talaga?" tanong ko

"oo" natatawang sabi niya

"bestfriend lang talaga?" tanong ko ulit

"oo nga!" sabi niya saka natawa "tsaka may asawa at anak na yun noh!" dagdag niya pa


_ _ _ _ _ _


Naligo muna ako sa room at wala doon si Sorah. Si Sky naman ay nagpunta muna sa room nila para mag-ayos din. Maya maya ay nagpunta ako sa lobby ng hotel para hintayin si Sky....halos 30 minutes din akong naghihintay bago siya dumating. Naka yellow dress siya at wedge. She's sexy with her short hair na bagay na bagay sa kanya. THIS IS LOVE. Napangiti ako sa ideya na pumasok sa isip ko.

Paglapit niya sa akin ay tumayo ako saka hinanda ang braso ko na hahawakan niya.

"ang ganda mo ngayon" sabi ko sa kanya at namula naman siyang napangiti.

"thank you lablab ko" sabi niya sa akin kaya natawa na lang kami pareho.

Pagdating namin sa restaurant ay natanaw ko na sila Tita Rachel, Dad, at si Sorah na masayang nagkkwentuhan. Ramdam ko yung unti-unting paglamig ng kamay ni Sky. Bago pumasok sa restaurant ay biniro ko muna siya...

"wag masyado malamig....baka magyelo braso ko" natatawang sabi ko sa kanya at dinuro naman niya ako sa tagiliran.

Palapit na kami sa kanila noong mapalingon sa direksyon namin si Dad na sinundan ni Tita Rachel at ni Sorah. Nanlaki yung mata ni Sorah na halatang nagtataka... paglapit namin ni Sky ay napatayo si Tita Rachel at Dad para salubungin kami. Niyakap ni Tita Rachel si Sky at bineso-beso...

"is that really you Sky?" tanong ni Tita Rachel at nakangiti namang tumango si Sky "akala ko kanina nanlalabo na yung mga mata ko" pagbibiro niya pa. Sunod namang nakipag beso si Dad sa kanya "kamusta na po kayo? Congratulations nga po pala sa wedding!" bati ni Sky sa kanila.

"So....nandito ka din pala at nagkita pa kayo ni Nicky? It's glad to see you again" sabi ni Dad

"ah opo. Business trip po...isinama ako ng boss ko" paliwanag ni Sky

"nga pala Sorah....she's Sky...my ex girlfriend..."pakilala ko sa kanila. Kakamayan sana siya ni Sky pero hindi niya pinansin yung kamay ni Sky kaya nakayukong binawi na lang ni Sky yung kamay niya "ikaw yung GF ni Seb right?" tanong ni Sorah kay Sky

"n-no... hindi kami...actually boss ko din siya. And walang kung anuman sa amin...plainly work lang talaga" explain ni Sky kaya biglang napangiti si Sorah.

"talaga???"nakangiting sabi niya at tumango naman si Sky

"and Tita Rachel...Dad, Sorah...she's my ex girlfriend and kami na ulit. Naayos na namin yung misunderstandings at kung ako hindi maka move on sa kanya...ganun din siya. I guess this is another chance para sa aming dalawa" sabi ko sa kanila at natuwa naman sila.


A/N: Hi readers! nga pala two chapters to go na lang talaga and mag e-end na yung lovestory nila Sky at Nicky. Thank you sa pag support at sa mga nagvo-vote ... super thanks! love lots! and please try to read my other stories din. :)

Do you LOVE me? (like the way I love you)Where stories live. Discover now