Chapter 41

595 16 0
                                    

<Nicky’s POV>

 

 

“Ma’am Nicky, maglunch na daw po kayo sa baba. Pinapatawag na po kasi kayo ni Sir para sabay na daw kayo kumain” tawag sakin nung isa sa mga maid namin

“okay, susunod na lang ako” sabi ko na lang saka ko na pinatay yung tv at inayos yung kama ko

Mag dadalawang linggo na matapos mangyaring malaman ni Sky yung tungkol sa fiancé ko. Nagising na lang ako noon na nasa clinic at nasa tabi ko si Ron. Nakaupo siya sa tabi ko at nakatingin sa akin.

*flashback*

 

“uhhh” bahagya akong napa ungol noong subukan kong umupo. Nanghihina yung buong katawan ko

“kumain ka muna...kanina ka pa natutulog. Bakit ka ba kasi pumasok eh alam mo naman na may lagnat ka...ang taas pa!” sabi niya sa akin tsaka inilapit sa tabi ko yung isang tupperware na may lugaw.

“sinat lang naman toh kanina eh...teka si Sky? Nasaan?” tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa relo niya saka nagsalita

“4:45pm....siguradong nakauwi na siya niyan” sabi ni Ron. Napapikit na lang ako. Paano kung totoong iwan niya ako? paano ko maipapaliwanag sa kanya lahat?? Bakit ba kasi kanina pa ako tulog dito!? Walang kwentang katawan!!! Ang sama ng tiyempo.. ngayon pa ako nilagnat!!!! Puta!

Do you LOVE me? (like the way I love you)Where stories live. Discover now