CHAPTER 15

1.2K 26 0
                                    

<Ara’s POV>

“Ayun sila Nicky oh! Ayun! Nag-uusap na sila...” bulong ni Jessa

“Oo na! Wag kang maingay pwede!?? Marinig ka nila ehhh!!” inis na sabi ni Nicky

“eh ba’t ba kasi nating magtago dito...? ba’t ba natin kailangang pakinggan sila...?” sabi ko with -1 volume

“wag ka na nga Ara!!! Di ko marinig yung pinag-uusapan nila eh” napakamot na lang si Nicky sa ulo

Ewan ko ba naman kasi kay Nicky kung ba’t hindi na lang niya aminin na gusto na niya si Sky... tsaka kung pinigilan niya lang si Sky kanina na makipag-usap kay Jan edi sana hindi na namin kailangan mag eavesdrop dito....! mukha tuloy kaming mga TIMANG!!! Buti na lang walang masyadong dumadaan dito sa staircase na katabi ng music room kundi talagang pagkakamalan pa kaming mga CHISMOSA... nagtatago kasi kami ngayon sa staircase na katabi ng music room.... bigla na lang kaming hinila ni Nicky dito noong makaalis ng room si Sky hayyyy -____- I never thought that this king of MONSTER ay gagawin yung mga ganitong bagay.... =____=

Pero akalain mo... si Jan pala yung sinasabi ni Sky na ex boyfriend niya na iniyakan niya ng WAGAS! Ka-club ko si Jan.... at alam kong puro kalokohan lang yung alam niya... hilig ngang MANG-ASAR nun eh!!! Akalain mo.... may mga babae palang umiiyak ng dahil sa kanya... may pagka G*G* pala siya... hayyy mga lalaki nga naman!!!

“Sky.... nagsisisi na ako.... hindi kita dapat iniwan” dinig naming sabi ni Jan. Todo silip si Jessa sa nangyayari samantalang si Nicky eh halos magkanda pilas yung tenga... pilit kasi niyang pinakikinggan yung pinag-uusapan nung dalawa.

“sht! Sht!” napatakip si Jessa sa bibig niya at idinukdok pa yung ulo niya sa pader... >__<

“napano? Napano?” tanong ni Nicky

“si JAN!!!! Lumuhod sa harap ni Sky”

Nakita ko yung pamumula ng mukha ni Nicky at pagtiklop ng kamao niya.... siguradong galit na siya at baka nililitson na niya si Jan sa isip niya.... >.<

“Sky... please... bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon para patunayan na MAHAL talaga kita”

Natahimik kami.... walang gumagalaw.... gusto naming marinig yung isasagot ni Sky.... matagal na katahimikan... ramdam ko yung pagbigat ng atmosphere sa paligid....

“wag Sky... please... wag” bulong ni Jessa

-

-

-

-

-

“Osige Jan... pagbibigyan kita”

Kita ko kung pano sumama ng husto yung mukha ni Nicky. Tumayo na siya at naglakad paakyat ng staircase.

“Nicky... where ya goin?” tanong ni Jessa na mahina pa rin yung boses

Tumayo na din si Jessa para sundan si Nicky pero pinigilan ko siya...

“eh?”

“let’s stay here... let her alone” sabi ko

_ _ _ _ _ _

Pagdating namin ni Jessa sa classroom, wala na yung gamit ni Nicky sa pwesto niya. Saan nanaman kaya pumunta yun? Umuwi na siguro...? -____- hayyy.... kawawa naman! Hindi ko naman masisisi yung tao.... wala rin namang kasalanan si Sky.

“Nasaan na si Nicky?” tanong ni Jessa

“ewan... pero sana hindi siya bumalik sa dati niyang habit”

Do you LOVE me? (like the way I love you)Where stories live. Discover now