CHAPTER 42

581 19 0
                                    

<Ron’s POV>

“What the heck Nicky! Gusto ba tayong patayin ng Dad mo?” inis na kantyaw ko kay Nicky. Hindi ko na napigilan at naibuhos ko na sa kanya lahat ng sama ng loob ko. Nandito kami ngayon sa kwarto niya, nakahiga siya sa kama na halatang stressed na stress.

“Nicky... wala ka bang magagawa para pigilan yung Dad mo sa gusto niyang mangyari?” tanong ko. Nagsalita naman siya na halatang walang gana “eh bakit...? ako lang ba involved dito...? ikaw ba wala kang magagawa sa gusto niyang mangyari?” lalo akong nainis sa sinabi niyang yun “kung meron siyempre gagawa ako ng paraan eh kaso naman kasi kung manlalaban ako sa kanya...kawawa naman future ko..eh Dad mo na nga ang nagpapaaral sa akin ngayon dahil sa sitwasyon ng family namin” pagpapaliwanag ko at ipinikit naman niya yung mata niya na parang ayaw ng makinig “sabi ko nga eh...” sabi niya “so anong gusto mong gawin ko? Sigawan ko siya? Bugbugin ko?” sarcastic na tanong niya umupo na lang ako sa kama niya at saka naman siya bumangon at sinapo yung noo.

“knowing my Dad....wala na akong magagawa to dissipate his plans. Napapagod na akong lumaban. In the end, TALO din ako. Ron...Oo malakas ako....that’s how you know me...pero marunong din akong sumuko. This time alam kong hindi ko na kaya at kailangan ko na lang tanggapin lahat” sabi niya “sometimes it’s a battle not worth fighting for” dagdag niya pa saka humiga sa kama niya

“Hello!? Hey?! Nicky?! Ikaw ba talaga yan???” pang-iinis ko sa kanya. Medyo natuwa kasi ako sa mga sinabi niya kanina. Hindi ako natutuwa sa pagsuko niya pero hindi ko in-expect na marunong pala siya sumuko

“stop the fuss...this is still me” nakakapanibago talaga siya ngayon. Parang hapong-hapo yung boses niya

“bakit ka ba nagkakaganyan? Seriously? Bakit?” tanong ko

Ngumiti siya habang nakapikit “You know what....masarap makitang masaya ang mga tao sa paligid mo...pero alam mo yung pakiramdam na makita mo ulit na masaya yung Dad mo...iba eh! Parang ayoko ng burahin” sabi niya. WTF? So hindi talaga siya sumuko....nadala lang siya ng ngiti ni Mr. Lim! (>o<)

Do you LOVE me? (like the way I love you)Where stories live. Discover now