EPILOGUE

853 16 0
                                    

Nicky's POV

Napagdesisyunan naming magkakabarkada na magkakasamang magdinner. Si Ara, si Jessa, si Jessy, si Sorah at siyempre kaming dalawa ni Sky. Si Tita Rachel na ang magluluto at sa veranda na lang kami ng bahay magkakainan...siyempre hindi mawawala ang tagayan diyan. Minsan lang kami nakakapagbonding eh...Si Sky naman ang nag-iihaw ng barbeque.

Maya maya ay dumating na si Sorah na may dalang cake at tumulong kay Sky sa pag babarbeque.

"Sorah naman nag-abala ka pa..." sabi ko kay Sorah

"Naku! Wag ka na ngang magreklamo Nicky ... minsan lang yan noh tsaka nakakahiya naman kung wala akong share" sabi niya.

Maya maya pa ay dumating na din si Jessy na may dalang beer.

"Ayan na yung beer!!!" excited na sabi ni Sorah

"first time mong iinom Sorah?" tanong ni Sky sa kanya

"uhm hindi naman..pero matagal na kasi nung huli akong uminom ehhh ako lang mag-isa noon tsaka BH pa ako" sabi niya

"Don't worry...we're here now...you can share everything with us" sabi ni Jessy tsaka inakbayan sa Sorah at Sky na nag iihaw. Napangiti na lang ako. ang saya saya ko na magkakasama kami at masaya kami.

Dumating na din naman sila Jessa at Ara na may dala ding beer.

"Aba! Talaga atang maglalasing tayo ahhh hahah ingatan niyo si Sorah baka tumalon yan ah!" biro ko. Hinampas naman niya ako ng pamaypay sa ulo

"HOY grabe ka ah! Isasama kita pag tumalon ako!" sabi niya na tinawanan lang namin

"Sky oh! Isasama niya daw ako..." sumbong ko na parang bata. Tinawanan lang ako ni Sky. Aba...patawa tawa na lang talaga toh ah!


_ _ _ _ _ _


Maya maya ay nagkainan na kami...

"So Nicky...may balak ba kayo ni Sky na magpakasal?" tanong ni Ara

"kung pwede lang eh..kaso bawal sa bansa" sagot ko

"sa New York?" sabi ni Jessa

"Gusto ba naman ni Sky na magpakasal sa BIG UTOL natin?" si Ara

"hindi naman natin kailangan magpakasal....magsama na lang tayo okay na"

"I agree!" sabi ni Sorah "yung iba kasi magpapakasal tapos maghihiwalay din" sabi ni Sorah

"walang forever!!!" sigaw ni Jessy

"hindi naman natin kailangan pilitin yung sarili natin na maniwala sa forever...basta i-pangako na lang natin sa mahal natin na magiging masaya bawat araw at pagsisikapan natin na maging masaya sila...okay na diba?" sabi ko

"LET'S CHEERS TO THAT!" itinaas ni Jessa yung bote niya at nagtaasan na din kami ng mga baso.

Inakbayan ko si Sky at binulungan siya...


"Mahal Kita"


Nginitian niya ako


"Mahal din kita...forever ko" nakangiting sabi niya tsaka hinalikan ako.


Ito ang kwento ng buhay at pag-ibig ko...patunay lang na hindi natin dapat ikakahiya kung paano at sino yung iniibig natin. mas maganda na yung pag-ibig na ipinapakita. sa ating mga umiibig sa mga kapwa nating kasarian... ipagmalaki niyo yan! wag kayong mahihiya! mahiya kayo kung ipinapakita niyo na kasama niyo yung isang karelasyon niyo pero hindi niyo naman pala mahal ang isa't isa.


THE END


Check out for my new story about a modern witch. Sana interested kayo enough basahin :)

https://www.wattpad.com/story/171400124-the-book-of-her-shadows



Do you LOVE me? (like the way I love you)Where stories live. Discover now