CHAPTER 35

767 22 0
                                    

<Sky’s POV>

 

Nagulat na lang ako noong bigla akong yakapin ni Jessa. Nagpapaalam kasi siya na kung pwede daw ba muna siyang makitulog sa kwarto namin hanggang nandito pa si Jessy. Pumayag naman kami ni Nicky, pumayag kami hindi dahil sa ‘the more the merrier’ pero dahil naiintindihan namin yung sitwasyon niya.

Humiwalay na sa pagkakayakap sa akin si Jessa at humihikbi niyang pinupunasan yung mga luhang nalalaglag sa mata niya.

“Mahal na mahal mo parin talaga si Ara noh...?” nakacross arms na tanong ni Nicky, seryosong seryoso yung mukha niya .

“...oo naman...hindi naman nawawala yun! ...first love!!! Putanginang FIRST LOVE!!” umiiyak na sabi ni Jessa

“Jessa...tanggapin mo na lang na iba yung nararamdaman ni Ara para sayo at mas iba yung nararamdaman niya para kay Jessy...” sabi ko

“Sky...! tanggap ko na...matagal na....pero naiinis ako sa sarili ko....” pinahid-pahid niya yung luha niya “kasi....bakit ganon...?! alam ko naman na hindi pwede pero MINAMAHAL ko parin siya....UMAASA pa rin ako....na kahit minsan.....makakalimutan niya na MAHAL niya si Jessy at ako pala yung MAHAL niya...” sobrang sakit ng nararamdaman ni Jessa ngayon at nararamdaman ko din yon sa kada-salitang binibitawan niya. Nakakaawa talaga siyang tignan ngayon... hindi ko din naman siya masisisi.... hindi mo naman kasi talaga mapipigilan makaramdam ng sakit pag may minamahal ka. KAYO man o HINDI!

Nagulat na lang ako noong makita ko na lang na nakayakap si Chris kay Jessa...pagkaraan noon ay pinunasan niya yung mga luha na tumutulo sa mata ni Jessa... kitang kita ko yung sincere na meron sa mata ni Chris para kay Jessa. Hmmmm? TOMBOY din kaya si Chris...? o ‘bisexual’ lang...? mukhang hindi din...

“shhhh... tama na...” bulong niya kay Jessa. Umiiyak lang si Jessa na naksandal sa dibdib ni Chris.

Do you LOVE me? (like the way I love you)Where stories live. Discover now