CHAPTER 48

412 14 0
                                    


Sky - Hindi ako makapaniwala na nakita ko na siya ulit. Akala ko hindi na siya babalik dito sa Pilipinas. Akala ko hanggang doon na lang yon...pero siguro nga hanggang doon na lang...may iba na siyang gusto at ex girlfriend pa ni Seb.

Pero kailangan ko siyang kausapin. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.. ako yung may gusto ng hiwalayan...tapos ako ngayon yung hindi maka MOVE ON. Pero para matahimik ako...siguro kelangan ko talaga siyang makausap.

"Bakit kanina ka pa tulala?" tanong ni Kelly...bestfriend ko at boss ko. Secretary niya ako sa business niya pero bestfriends ang turingan namin.

"Kelly, nakita ko si Nicky kanina" pag-amin ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay...

"hindi ka pa talaga nakaka MOVE ON sa kanya noh?" tanong niya

"Mahal ko pa rin siya"

"pero nakipagbreak ka di ba? Kasi nagsawa ka sa LDR...at dahil nakita mo na siya ulit ngayon eh gusto mo siyang kausapin ulit at lapitan...nadyan yung push ni kupido na nagpapaasa sa'yo na baka may chance na balikan ka niya ulit di ba? ...pero wala namang masama dun...mas maganda nga mag-usap kayo para matahimik yang kalooban mo...ewan ko ba kasi...bakit hindi mo sa kanya sinabi ng mag maaga noon na hindi ka natuloy sa England....for sure naman maiintindihan ka niya"

"Bessie Kelly....may balak naman akong kausapin siya...eh kaso kasi....too late na din dun sa CHANCE na sinasabi mo kasi may GF na siya"

"okay...edi CHANCE of FRIENDSHIP na lang...hindi naman siguro masama yun di ba?"

"pero...." sabi ko

"pero..pero..kung ayaw...MARAMING DAHILAN...kung gusto MARAMING PARAAN...atsaka isa pa....WAG KA NGANG NEGA noh!"

_ _ _ _ _ _

3am na pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin yung nangyari. Bumangon ako sa kama at lumabas ng room....at ng hotel. Pumunta ako sa sea side at naupo sa may bato. Naiyak nanaman ako.

3 years ko ng kaibigan si Kelly..mas matanda siya sa akin ng limang taon at kinuha niya akong secretary. May business siya at may ka-meeting siya na business man dito sa Batanes...si Seb naman ay pinsan niya....business partners na sila since last year kaya kasama din siya dito. Hindi natuloy yung pagpunta ko sa England dahil nagkaproblema ako sa ilang papel at hindi ko sinabi kay Nicky yung tungkol don....nahiya kasi ako sa kanya at sa tingin ko rin eh wala na akong dahilan noon para sabihin pa sa kanya yung mga nangyayari sa buhay ko. Hindi na din ako nagpakita pa kila Jessy, Jessa, at Ara. Hindi ko natapos yung course na tinitake ko dati at nag shift ako ng ibang course na hindi ko na rin tinapos ngayon.

"Ang aga mo namnag tumatambay dito..." narinig kong may nagsalita sa likod ko kaya gulat akong napaharap sa kanya.

"Nicky..."sambit ko sa pangalan niya. Nakahalukipkip siya at diretso ang tingin sa dagat.

"Oo Sky" sabi niya at naupo sa tabi ko...naramdaman kong nanginginig yung kamay ko at tuhod ko...hindi ako mapakali..hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

"so what's up?" tanong niya sa akin. Nakaka amaze na hindi man lang siya naa-awkward sa akin samantalang ako eh halos hindi alam yung sasabihin.

"uhm...e-eto...hindi makatulog" simpleng sagit ko na lang at idiniretso na lang din ang tingin sa dagat para mabawasan yung kaba ko.

"ako din nga eh..." sabi niya "bakit kaya?" habol niya pa na dahilan para kumabog lalo yung puso ko. "siguro dahil sa may nakita ako kanina na parte ng nakaraan ko..tapos may kung ano man na tumutulak sa akin para lapitan at kausapin siya ngayon" bakit ganoon lang kadali sa kanya na sabihin yon sakin? >.< UNFAIR!

"t-talaga?" nauutal na sabi ko "S-so...kamusta ka n-na?" tanong ko sa kanya

"eto okay naman...siguro.... medyo"

"k-kelan ka pa n-nakauwi dito sa Pilipinas?" tanong ko sa kanya na may utal pa din

"couple of weeks ago" sagot naman niya... hindi pa rin niya ako tinitignan, sa dagat lang siya nakatingin.

"so buti napunta ka dito sa Batanes?" tanong ko

"kinasal na si Dad at Tita Rachel last week...and dito nila napiling mag honeymoon. Sumunod ako to see the place"

"really? Kasal na sila...?" napangiti kong tanong sa kanya

"ikaw? Buti nandito ka sa Batanes?" tanong naman niya

"sinamahan ko yung boss ko.Business trip"

"so...di ba galing ka sa England? Kelan ka pa nakabalik?" tanong niya. Hindi ko alam kung pano ko sasagutin pero....kailangan parin niyang malaman yung totoo.

"Nicky...ano kasi eh...uhm hindi kasi ako natuloy noon sa England...nagkaproblema ako sa ibang papel. Napaharap na siya sa akin ngayon at ibinalik din naman niya yung tingin sa dagat at napa iling.

"I can't believe this" sabi niya

"I-I'm sorry kung hindi ko sinabi sa'yo noon....sa tingin ko kasi hindi mo narin naman noon kailangan malaman dahil hiwalay na tayo noon" nanginginig na paliwanag ko. "...h-hindi ko na din sinabi k-kasi...alam ko naman na wala ka ng pakielam sa akin..."

"ENOUGH!" inis na sabi niya "ganon lang ba talaga kababaw yung tingin mo sa nararamdaman ko sa'yo noon? Sobrang minahal kita at dinamdam ko ng husto yung hiwalayan natin...sineryoso kita...hindi nagbago yung kahit ilang taon tayong hindi nagkikita...pero ikaw pinag sawaan mo ako dahil lang sa England na yan!" inis na inis na sabi niya kaya hindi ko na napigilang maiyak

"BAKIT IKAW??? Ni hindi mo man lang sakin sinabi noon na uuwi ka pala!!??? Kelangan pang sabihin sa akin ni Jessa lahat....at nalaman ko pa noong nakabalik ka na sa America!" humagulgol ako matapos kong sabihin yon...hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko...sobrang sakit sa akin na maalala lahat ng yon

"alam mo na umuwi ako noon?..." hindi makapaniwalang sabi niya atsaka dahan dahan akong niyakap "I...I'm sorry...I'm sorry.... hindi ko sinabi....sorry dahil itinago ko....sorry" sabi niya sakin habang yakap niya ako. iyak lang ako ng iyak sa balikat niya. "Sky....mahal pa rin kita...mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon" sabi niya na dahilan para lalo akong maiyak.

"Nicky....mahal na mahal pa rin kita. Nasasaktan pa rin ako. nagsisisi pa rin ako kung bakit kita iniwan" sabi ko na humihikbi

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa pisngi...hinalikan niya ako ng mariin habang ako naman ay patuloy lang sa paghalik sa kanya hanggang sa maghiwalay ang mga labi namin. Pareho kaming hinahabol ang hininga....hawak niya pa rin ako sa pisngi at magkadikit ang mga noo namin.

"Bumalik ka na sa akin" sabi niya habang nasa ganoong posisyon.

Naiyak ako at napayakap sa kanya... "gustong gusto ko na bumalik tayo sa dati....p-pero....ayokong makasira ng relasyon.... may girlfriend ka....."

"wala akong girlfriend...."

Napahiwalay ako sa kanya at tinignan siya "p-pero sino yung kasama mo kanina? ...tapos halos maghalikan na kayo sa daan?!" umiiyak na tanong ko. Natawa siya at pinahid yung mga luha ko.... "si Sorah yun...kaibigan ko siya at hindi kami maghahalikan...buti nga hindi natuloy....ewan ko pero swear hindi ko siya mahal" unti-unting napalagay yung damdamin ko

"eh ikaw.... s-sino yung kasama mong lalaki?" tanong niya sa akin

"Si Seb....pinsan ng boss ko. Walang meron sa amin. Sinamahan ko lang siya kanina para sunduin yung Business man na imi-meet namin" explain ko kaya napangiti siya at hinalikan ako ulit.

Do you LOVE me? (like the way I love you)Where stories live. Discover now