CHAPTER 14

1.3K 28 0
                                    

<Sky’s POV>

STOP IT!

I don’t wanna hear a thing!

“kaya ko sinasabi ngayon sayo to..... para sabihing... sana hindi tayo paareho ng nararamdaman”

Parang huminto ang lahat. narinig ko ang mga salitang pinaka ayaw kong marinin! >.<

“HINDE! Hindi tayo pareho.... at kahit kelan hindi tayo magkakapareho...” hinde ko alam kung ano pang gagawin ko kaya nagmadali na akong lumabas ng store.

<Author’s POV>

Litong-lito si Sky... hindi niya matanggap lahat g narinig niya. Masyado rin kasi siyang nabibilisan sa mga pangyayari... tumakbo lang siya ng tumakbo papunta sa kung saan... hindi niya iniintindi ang kapahamakang nag aabang....

Pagod na siya sa pagtakbo at nanghihina na rin yung mga binti niya pero pilit parin siyang humahakbang... until she can bear no more... slowly... she just found her body falling with her tears flowing out from her eyes.

“Sky....” nahimasmasan ako noong may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako.

“Maine?” sinundan niya ako? Baket?

“are you alright?” nag-aalalang tanong niya. Tinulungan niya akong tumayo. Medyo nanginginig yung tuhod ko kaya napayakap na lang ako sa kanya.

“Sky...? okay ka lang ba talaga? Ba-bakit ka u-umiiyak?” tanong niya

“m-masaya ako....m-masaya ako!” sabi ko na lang para itago yung lungkot ko. Naiinis ako...! bakit ako umiiyak ng walang dahilan??

Noong lumuwag na yung pakiramdam ko ay lumayo na ako sa kanya... pinahid ko yung luha ko at inayos ng konti yung damit ko.

“pasensya ka na Maine ha.... sobrang emotional lang talaga ako nitong mga nakaraan... bakit mo nga pala ako sinundan?” tanong ko

“ah oo... naiwan mo kasi yung libro mo sa 7eleven kaya hinabol kita para ibalik...” sabi niya sabay abot dun sa libro ko...

“ahh... ang tanga ko talaga” sabi ko sabay ngiti

“hindi naman” at sinampal niya ako ng mahina sa braso

_ _ _ _ _ _

-Journey Academy-

Kasama ko ngayon sina Jessa, Ara, at Nicky... papasok kami sa school.

“Sky.... saan ka nga pala nagpunta kagabi?” tanong ni Nicky

“huh? A-ah.... lumabas lang ako para bumili ng pagkain”

“hindi mo man lang ako ginising para samahan ka” inis na sabi niya “eh pano kung may nangyaring hindi maganda sayo?” sabi niya na ewan ko ba kung nag-aalala o nanenermon.

“Ayiiieee!!! Nag-aalala si dudez!!” kantyaw ni Jessa at Ara

>____<”

Kita ko naman na namula yung pisngi ni Nicky sabay umiwas pa siya ng tingin.

“excuse me” o___o? Panira naman! Sino ba yun?

Napatingin na lang kami dun sa direksyon nung nagsalita.... nakita ko si Jan na nakatayo habang nakasandal yung isang kamay sa pader, may nakasabit na bagpack sa kanang balikat.

Ma-APPEAL pa rin siya hanggang ngayon...

“Sky pwede ba kitang mahiram muna sa mga kaibigan mo?” sabi niya

‘a-aaahhhh” tinignan ko si Nicky. Hindi ko alam pero gusto ko na sa kanya magmula yung sagot ko pero umiwas lang siya ng tanong.

“Sky... okay lang saken kung pag-iisipan mo muna pero pwede ba kitang makausap....?” tanong ni Jan

Do you LOVE me? (like the way I love you)Where stories live. Discover now