CHAPTER 28

901 22 0
                                    

<Nicky’s POV>

               

At dahil  mahal ko talaga si Sky ay lumbot pa rin ang puso ko sa kanya. I can’t bear to see her na umiiyak at nasasaktan. Ayoko na SAKTAN niya ang sarili niya dahil lang sa JERK na gaya ko. She’s so precious to me kahit pa niloko niya ako ay handa ko parin siyang patawarin at ipaglaban. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam ng ganito. Yun bang kahit alam mong niloko ka niya at sinaktan ka ay handa mo siyang patawarin at tanggapin ulit dahil siya yung KASIYAHAN mo...sa sobrang pagmamahal mo sa kanya ay nagagawa mong magpaka bulag.

I want to bring her happiness.... i want to be her happiness!

“Nicky...sorry...” sabi niya habang ginagamot ko yung sugat niya. Hindi naa lang ako kumibo. Hindi ko naman alam kung ano ba yung sasabihin ko.

“Nicky...?” tawag niya ulit kaya nag-angat na ako ng mukha at nagtama nga ang mga mata namin.

“ano bang nangyari....?” seryosong tanong ko.

“Nicky.... nagbreak na kami ni Jan” sabi niya

“talaga....? sana hindi ka napilitan lang makipagbreak. Ayoko naman malaman na hiniwalayan mo siya at sumama ka sa KABIT mo di ba...?”

“No....NICKY... hindi ka KABIT! Walang KABIT! ....dahil nakipagbreak na ako kay Jan bago pa kita sinagot....bago pa naging tayo.” Napatitig na lang ako sa kanya sa gulat.

Do you LOVE me? (like the way I love you)Where stories live. Discover now