CHAPTER 11

1.5K 30 0
                                    

<Sky’s POV>

TGIF na!!

Wala kaming pasok ngayon... may meeting kasi yung mga teachers eh kaya kaming apat lang nila Jessa, Ara, at Nicky dito. Una akong nagising kaya ako na ang magluluto ng ulam. Binuksan ko yung ref...

~scan~scan~scan~

Okeeeey...

Halos WALA ng laman... pfff

Nga pala... ako ang naka assign na mamalengke mamaya... hayyy

May ampalaya, kamatis, itlog, at pork... igigisa ko na lang. Anak mahirap eh! Kaya simpleng luto lang ang alam... ^_^

_ _ _ _ _ _

Tatlong araw na nga palang hindi nagpapansinan si Jessa at Ara -___- grabe! Nagkamali pa ata ako ng payo... hindi ko rin ine-expect na makakatiis si Jessa ng ganun.

“good morning!”

“ay BABOY!” O_______O

Nagulat ako nang may biglang magsalita sa gilid ko...

“ahahahahaha.... hindi ako BABOY oy! SEXY ako noh” tawa niya

“eh sorry! Nagulat kasi ako... teka... mag wo-work out ka?” tanong ko. Nakasuot kasi siya ng t-shirt at jogging pants tapos may nakasabit pang towel sa balikat niya.

“ahoo eh... baket? Sama ka?”

“hinde pwede eh... mamamalengke pa kasi ako mamaya... next time siguro” sabi ko

“osige ba! Ahahaha sige alis na ako” paalam niya. Tumango lang ako at nginitian siya.

_ _ _ _ _ _

Nagsasangag naman ako ngayon at nagpapakulo ng tubig.

“Good morning Sky!” bati ni Jessa.

“Morning... oh kain na!” aya ko...

“Wow! Ampalaya...!! matagal-tagal na rin akong hindi kumakain nito ah!” parang amaze na amaze pa siya sa nakita niya.

“haha sige kain na...” inabutan ko siya ng plato...

“thank you! Ako na mag-aayos ng lamesa” prisinta niya na hinayaan ko naman. Pagkatapos niyang ayusin eh umupo na kami para kumain...

“anong breakfast?” tanong ni Nicky na umupo na sa tabi ko... gising na pala... “Sky... ikuha mo nga ako ng pinggan tsaka pagtimpla mo na rin ako ng kape...”

=______________=

“at WOW!!! Kelan mo pa ako naging Nanny??? Tsk! Ayoko nga!” maka utos!?

“edi wag...! share na lang tayo sa pinggan mo...” sabi niya saka hinugot yung pinggan ko pero...

“WHAT’S THIS!?!?” sigaw niya

“oh baket?! Hindi ka ba kumakain niyan??”

“I DON’T EAT THOSE!!” sabi pa niya na parang diring-diri

“tch! Anak MAYAMAN kasi!” =___= bulong ni Jessa

“EH ANG PAIT NIYAN EH!!!” reklamo pa niya

=___________=

“Wow! ‘MAPAIT’...??? pero makalaklak ng ALAK ! AGAS!” hindi na ako nakatiis at sinagot ko na siya

“eh atlis yun MASARAP! Tsaka... masasanay ka!”

“WOW! Masarap din naman toh! Tsaka MASASANAY ka din naman sa lasa!” naiinis na ako sa kaartehan ng taong to ah!!!

Do you LOVE me? (like the way I love you)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن