Chapter 3

380K 10.2K 1.5K
                                    

#WIAE Chapter 3

"S-sorry," mabilis kong sabi at saka tumalikod. Naglakad ako papunta sa cashier at saka mabilis na nagbayad. Ni hindi ko na natignan kung magkano ang babayaran ko at ibinigay ko na lang ng diretso ang ID ko. Damn! Pakiramdam ko tatalon palabas ng dibdib ko itong puso ko!

Matapos iyon ay agad kong dinampot iyong paper bag.

Shit.

"Name," mababa ang boses na sabi nung lalaki na Avo ang pangalan.

Ito na yata 'yung panahon na literal na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong sumali sa 100 meter sprint sa lagay ko. Pinagpapawisan ako at nanginginig ang kamay ko.

Ibinaba ko ang tingin ko.

"Boe Estrela, Duexième,"sagot ko. Sa loob-loob ko, nagdadasal ako na sana ay paalisin na nila ako. Bakit naman kasi sa unang araw ko sa eskwelahan na ito, nakabunggo ko agad sila? Pakiramdam ko tuloy ang malas-malas ko!

Sa totoo lang, ilang segundo pa lang na nasa harap ko si Avo pero pakiramdam ko, ilang oras na ang lumipas. Sobra siyang makatingin sa akin. Pakiramdam ko malulusaw ako sa titig niya.

"Avo!" sigaw nung mga kasamahan niya. Akala ko ay iiwan niya na ako pero nakatayo pa rin siya sa harap ko. Dumating na tuloy 'yung kasama niya na tumatawa kanina. "Dude!" sabi niya. Napatingin siya sa akin at mukhang napansin niya na kinakabahan ako. "First day na first day, e..."

Nakayuko pa rin ako. Damn! Bakit ba kinakabahan ako sa kanya! Kung tutuusin, pareho lang naman kami!

"Tigilan mo na nga 'yang chicks. Baka gusto mong magwala na naman si Ella," sabi niya sabay halakhak. Tumingin siya sa akin at saka pinaalis na ako. Agad naman akong tumakbo matapos iyon.

Dumiresto na ako agad sa dorm namin. Pakiramdam ko naubos na ang enerhiya ko para sa buong araw! Ano ba naman 'to!

Nakita ko si Cathy na natutulog pa rin. Bakit naman kasi hindi na lang din ako natulog? E 'di sana hindi ko pa nakasalubong iyong mga Dieux na 'yun! May jetlag din naman ako dahil galing ako sa Japan kahapon! Naku talaga!

Humiga ako sa kama matapos kong maibaba iyong mga gamit ko. Nakatitig lang ako sa kisame. Sinusubukan ko na matulog pero wala talaga. Para akong mababaliw sa lugar na 'to. Walang signal, walang internet. Para akong nasa bundok... na walang daan para makatakas. Sobrang taas ng bakod dito na ni hindi ko na pagbabalakan na akyatin pa. Mayroon ding camera sa bawat sulok.

Napatingin ako sa gilid ko nung magising si Cathy.

"Ano'ng oras na?" she said as she yawned.

"10," tipid na sagot ko. Kumalam na rin ang sikmura ko. Kanina pa ang huli kong kain. Hindi naman ako mabilis magutom pero pakiramdam ko gutum na gutom na ako. Naubos talaga ang energy ko sa engkwentro ko sa mga lalaki na iyon!

Umupo si Cathy sa kama niya at saka nag-inat. "Kain tayo?" she asked and I quickly obliged.

Sabay kaming naglakad palabas ng dorm. Maraming tao rito pero hindi rin masyado. Ewan ko. May kakaiba talaga sa eskwelahan na ito. Bawat makakasalubong ko, ramdam ko na hindi lang sila basta tao. Makikita mo naman kasi iyon sa tindig at tingin pa lang nila. It's like they're exuding the sense of authority and power.

Pumunta kami sa isang restaurant pero agad akong nag-aya na sa iba na lang kami dahil nakita ko na naman iyong grupo nung mga lalaki. Pero hindi gaya ng kanina, may kasama silang dalawang babae.

"Hay nako, hindi na talaga nasanay ang mga babae na 'to," sabi ni Cathy habang naiiling pa.

"Ha?" I had to fake my expression. Ayoko naman kasi na mahalata niya na curious ako sa mga tinatawag nilang Dieux.

When It All Ends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon