Chapter 8

306K 9.1K 1K
                                    

#WIAE Chapter 8

Hirap na hirap akong huminga pero narinig ko pa rin ang boses ni Night na sinisigaw ang pangalan ko. I couldn't exactly focus on anything—breathing alone was too much to do at the moment. My hand was clutched tightly on my chest. I was trying my best to keep breathing. I felt like I would die any moment soon.

Doctors and nurses crowded me as I closed my eyes.

The next few hours were torture. They kept on pumping the poison out of my stomach. Apparently, someone tried to kill me by putting poison in my soup. Hindi ko alam kung sino ang may galit sa akin na ganito katindi para gawin ito... Kagabi, sinubukan niya akong patayin sa sobrang lamig, ngayon naman gusto niya akong lasunin. Whoever did this was very keen on weeding me out from the world.

Sino ba ang may ganitong katinding galit sa akin? I was in this place for just almost a month but by the length the person who did this is willing to take, pakiramdam ko buong buhay na siyang galit sa akin. How could someone harbor such resentment?

By the time the doctors were done with me, I was so spent.

"Water," I managed to choke out. Agad naman akong inabutan ni Night ng tubig. Hindi na siya umalis pa sa tabi ko. Simula nung nalason ako, kahit isang segundo hindi siya umalis. He was watching me with hawk-eyes. Naiintindihan ko naman siya. Kung ako man ang nasa kalagayan niya, hindi ko siya iiwan. Every second felt more dangerous than the last.

After I was done drinking, tinignan niya ako.

"Sorry," he mumbled. "It's my fault. I should've checked the soup first."

Gusto kong matawa kay Night. How was any of this his fault? He was the one who found me when I was freezing to death. He was the one who called the doctors when I was barely breathing. If anything, I should be thanking him.

I wanted to speak up but my throat felt so dry. Walang kalaman-laman ang tyan ko dahil inalis lahat ng mga doctor. Baka kasi may maiwan pa na lason... Night said that the headmistress came by while I was sleeping. Kinakabahan siguro 'yun. My parents will have her head if anything bad happens to me.

Instead of speaking I just weakly smiled at him.

"Matulog ka na," I heard him say. "Babantayan kita."

With that, I was able to lull myself to sleep. The next few days were alright. Hinatid ako ni Night sa dorm namin at siya na ang bahala na mag-excuse sa akin kung bakit hindi ako makakapasok sa school. Kinausap niya rin si Cathy na alagaan ako. Kilig na kilig nga si Cathy nung kinausap siya ni Night.

Sabi ni Night, bukas na raw ang balik ni Avo. Kaya naman nandito lang ako sa kwarto, trying to regain my strength. Ayoko na mapansin niya na may kakaiba. Night tried his best para hindi na kumalat pa ang mga nangyari. I wouldn't let his efforts go in vain.

"I bought food," sabi ni Cathy sabay pakita sa akin ng takeout mula sa restaurant. "Don't worry, safe 'to." Kumagat siya sa kakainan ko. "See? Walang poison."

I smiled at her. Hindi naman niya kailangang gawin 'to pero ginagawa niya. Cathy's a nice person. Mabuti na lang at kaibigan ko siya.

Kumain lang ako at binigay niya naman sa akin 'yung notes na namiss ko. Kinikilig pa siya habang nagkukwento dahil si Night ang nag-abot sa kanya. Hindi naman kasi kami classmates ni Cathy; si Night at Avo ang classmates ko.

"Ang gwapo talaga ni Night!" she gushed. I was just fondly looking at her. Ang cute niya kasi habang namumula at nagkukwento kung paano inabot sa kanya ni Night iyong notes at assignments. "Kailan kaya sila maghihiwalay ni Laurie?"

Napasimangot naman ako. Hindi kasi ako pabor sa mga tao na hinihiling na maghiwalay ang isang couple dahil lang sa pansariling kagustuhan... Darating din ang para sa 'yo; you need not wish harm on others.

When It All Ends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon