Chapter 6

347K 10.3K 1K
                                    


#WIAE Chapter 6

The next few days were but a blur. Ni wala akong maalala na minuto na hindi kami magkasama ni Avo. His presence was starting to grow on me. Kung dati, naaasiwa ako sa pagsunud-sunod niya sa akin, ngayon, ako na ang naghahanap sa kanya kapag hindi ko siya nakikita. I guess persistence really has its merits.

"I can't believe you failed the diagnostics!" sabi ni Cathy sa akin. Kanina kasi, dinala kami sa shooting range para sa diagnostics exam. Dito malalaman kung nasaan na 'yung comprehensible input mo para malaman kung saang level ka ilalagay. Halos lahat ng kasabayan ko e nasa expert level na, may ilan na intermediate, ako lang yata ang nasa beginners... Sumabit pa nga lang din yata ako roon.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Cathy na oo, kasama ako sa pamilya na involved sa mga ganitong bagay pero hindi ibig sabihin niyon na mahilig ako sa karahasan. Was it my fault that I'm a peace-loving citizen?

"Kinakabahan lang ako," I answered. May re-test naman bukas para sa mga kagaya ko. Ang hirap naman kasi na maiiwan ako sa level na 'to.

Matapos nun ay naligo na si Cathy. Ako naman, nakahiga lang sa kama. Paano ako magsusurvive sa lugar na 'to? Akala ko medyo maayos na, e. Mayroon naman pala na normal na degrees dito pero hindi ko napansin na mas inclined pa rin sila sa kung ano ang kailangan ng mga pamilya namin. Wala na yatang takasan talaga sa kinamulatan naming buhay.

Tumayo ako mula sa kama ko. I was utterly spent but I couldn't fall asleep. Masyado akong bothered sa resulta ng diagnostics. Kinuha ko lang 'yung jacket ko at saka lumabas.

Maganda rito sa labas ng AdM kapag gabi dahil wala ng masyadong tao. Akala mo ang tahimik, akala mo ang peaceful... But I knew there was no second that I was alone. Kahit saan ako tumingin, may camera. Bawat galaw namin, recorded. It felt like there was no room for mistakes.

Hindi ko napansin na dinala ako ng mga paa ko sa harap ng dorm nila Avo. Ilang segundo na nakatayo lang ako sa labas nun. Hindi ko alam kung bakit ako napunta rito. Was I unconsciously missing him?

I was about to turn my heel around when someone spoke from behind me.

"Avo?" he said. Nakita ko na nakatayo si Night mula sa likuran ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bakit ba napaka-creepy ng tao na 'to? Hindi ko talaga siya maintindihan!

Tumango lang ako pero hindi ko pa rin maialis ang kunot sa noo ko.

"Bakit ka nasa labas?" Ipinakita niya sa akin 'yung iniinom niya. "Lumabas ka para bumili niyan?" I asked the obvious. Tumango naman siya. I just noticed how he was such a child sometimes. Napaka-contradicting ng personality ng isang 'to.

"Wanna come in? Nasa loob yata siya," he said pero hindi pa man ako nakakasagot, binuksan niya na 'yung gate. Nung hindi pa ako naglalakad, tumalikod siya at tinignan lang ako. Hindi siya nagsasalita pero 'yung tingin niya pa lang, it already said a thousand words.

Pumasok ako sa loob at dumiretso kami sa third floor kung nasaan ang kwarto ni Avo.

"Maghihintay na lang ako sa second floor," I said. Ang awkward naman kasi na kakatok ako sa kwarto ni Avo. I mean, oo, girlfriend niya ako pero pakiramdam ko, wala pa naman kami sa ganung setup. Medyo weird.

"And risk the chance of Ella seeing you?" sabi niya at saka umiling. "Kumatok ka kapag ready ka na. Matutulog na ako," he said tapos pumasok na siya sa kwarto niya. Ang weirdo niya talaga.

Nakatayo ako sa labas ng pinto ni Avo, thinking about what to do. Dapat ba akong kumatok o hindi? Pero tama si Night... mas gugustuhin ko na na kung anuman ang isipin ni Avo kaysa ang makita ako ni Ella rito. That girl gives me the scare. Oo, wala pa siyang ginagawa sa akin physically but I could see the hatred she's harboring for me. Kitang-kita ko na kahit unti-unti, patindi nang patindi iyong galit niya sa akin. The kind of resentment that results to utmost destruction. The kind that leaves everything in a state of obliteration.

When It All Ends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon